Chapter 26

1.7K 54 2
                                    

NANDITO kami ngayon sa isang bahay-ampunan habang nagsasagawa ng charity event. Ito ang unang beses na nakasama ako sa ganitong gawain kaya sobrang saya ng puso ko. Nga pala, pa-event ito sa company nina Maggie. Bale, quarterly, bumibisita s’ya at ang mga board member n’ya sa iba’t ibang bahay-ampunan para magbigay ng tulong pinansyal, magpa-feeding program, maghatid ng regalo at magbasa ng kuwento sa mga bata. At dahil assistant n’ya ako, syempre, sinama n’ya ako!

“Ano’ng masasabi mo, Eli? Nakakatuwa ang sila, ‘no?” Aniya kaya napangiti ako. Ang tinutukoy n’ya ay ang mga batang masiglang nakilahok sa mga fun games na isinagawa namin, nakinig sa storytelling at tumanggap ng mga regalo na ilang araw rin naming ibinalot sa office n’ya.

“Tama, nakakatuwa po sila.” Sagot ko habang tinitingnan ang isang batang babae na masayang niyayakap ang regalo n’yang teddy bear. Naalala ko tuloy nang kabataan ko, inuwian ako ni Nanay ng maliit na teddy bear na napulot n’ya raw sa daanan. Nilabhan na lang n’ya ‘yun para matanggal ang putik at pagkatapos ay binigay n’ya sa ‘kin. Hindi ko alam kung kanino ang naturang laruan, pero sa isip ko, sana hindi masyadong malungkot ang totoong may-ari sa pagkawala ng teddy bear n’ya kasi aalagaan ko naman ‘yun at mamahalin. Napangiti ako sa dahil sa alala.

“Matagal n’yo na po bang ginagawa ‘yung ganitong activity?” Tanong ko matapos naming sabay na umupo ni Maggie. Inabutan din n’ya ako ng tetra pack juice at sandwich for miryenda.

“Medyo. Dati, magkasama pa kami ni Vincent na ginagawa ito. Natatandaan ko pa nga na s’ya ang madalas mag-volunteer para magbasa ng kuwento sa mga bata. Alam mo bang tuwang-tuwa sa kan’ya ang mga bata, Eli? Du’n ko naisip na kung magkakaroon s’ya ng anak, magiging mabuting tatay s’ya.” Nang sabihin ‘yun ni Maggie ay agad akong nakaramdam ng lungkot sa puso ko. Napansin din naman ‘yun ng boss ko kaya nagsalita ulit s’ya.

“Sorry kung may nasabi akong hindi mo nagustuhan.” Sinsero ang paghingi n’ya ng paumanhin. Kasunod nu’n ang isang malungkot na ngiti nang tingnan ko s’ya.

“Wala na si Vincent sa bansa, umalis na s’ya.” Saad ni Maggie kaya napa-awang ang bibig ko.

“Pero bago s’ya umalis, nagkausap naman kami. Sinabi n’ya sa ‘kin na gusto na n’yang magsimula ng panibagong buhay at itama ang lahat ng pagkakamali n’ya, lalong-lalo na sa inyo ni Debbie. Wala pa rin s’yang lakas ng loob na mag-sorry sa inyo ng personal pero gusto n’yang sabihin ko sa inyo na nagsisisi s’ya dahil sa mga nagawa n’ya, lalo na sa ‘yo, Eli. Gusto n’yang bumawi pero una n’yang gagawin eh ayusin muna ang sarili n’ya.” Kapwa kami napatingin ni Maggie nang lumapit sa kinaroroonan namin ang batang babae na yakap-yakap ng mahigpit sa isa n’yang kamay ang teddy bear n’ya. Nakasimangot s’ya sa ‘min pero bakas sa mata n’ya ang lungkot. Karay-karay din pala n’ya ang isa pang teddy bear na medyo umog na kung titingnan na dahil sa kalumaan.

“Hi, sweetheart.” Sabi ni Maggie. Pinagmasdan ko s’ya habang iginigilid sa anit ng bata ang ilang pirasong nagkalat na buhok sa mukha nito. Hindi ko tuloy mapigilang matunaw dahil napaka-ganda nilang tingnan. At lalo lang akong humanga sa boss ko kasi napaka-busilak ng puso n’ya.

“Nasa’n po si Kuya Vincent? Kasi hinahap po s’ya nitong teddy bear kong isa.” Sabi nu’ng bata kaya nagkatinginan kami saglit ni Maggie.

“Binigay ba ni Kuya Vincent ang bear na ‘yan sa ‘yo dati?”

“Opo. Love na love ko ‘to. Sabi n’ya sa ‘kin, babalik s’ya para makita ulit ang bear ko. Pero hindi n’yo naman po s’ya kasama. May bago na po akong bear, pero ‘yung bear na bigay n’ya pa rin ang gusto ko.” Kapwa kami natahimik ni Maggie dahil sa sinabi ng bata.  At may kung anong matalim na bagay ang tumusok sa puso ko dahilan para makaramdam ako ng matinding kalungkutan at awa para sa batang babae at sa dating asawa ng girlfriend ko.

Bigla ko tuloy naalala ang madalas na sinasabi sa ‘kin ng lola ko na kung anoman ang resulta ng buhay natin sa kasalukuyan ay gawa ng mga desisyon natin sa nakaraan. Totoo rin ang kasabihan na kung ano ang itinanim natin, ‘yun din ang ating aanihin. Sa kaso ni Vincent, kung desidido na s’yang magbago at maging mabuting tao, wala akong ibang gusto kundi maging mabuti ang kapalaran sa kan’ya.

“Umalis lang ang Kuya Vincent kasi marami pa s’yang mga bata na bibisitahin at bibigyan ng teddy bear. Pero babalik din s’ya para dalawin ka.” Nakangiting wika ni Maggie bago niyakap ang bata na tumango naman bilang tugon.

“Hihintayin ko po si Kuya!” Napangiti na lang ako sa isang tabi bago ko tinusok ang straw ng inumin ko at sumipsip dito. Nakakatuwang panuorin ang isang eksenang napaka-sagrado.

***

NANDITO ako ngayon sa condo unit ni Debbie habang busy ako sa pagluluto sa kusina. Ang maganda kong girlfriend naman ay subsob ang mukha sa kan’yang laptop at dinig na dinig ko pa ang diin nang pagtipa n’ya sa keyboard nito.

“Deb, wag kang masyadong gigil. Kita ko na lumalabas ugat mo sa ulo.” Biro ko kaya sinilip n’ya ako saglit at natawa na lang ako kasi nag-loading pa s’ya. Hindi ko na s’ya hinintay magsalita kasi binalingan ko na ang pinapakulo kong pasta. Pero ganu’n na lang ang gulat ko nang maramdaman ko ang himas n’ya sa bewang ko matapos n’yang ipulupot ang mga braso n’ya’t yakapin ako. Kinilabutan din ako nang isubsob n’ya ang mukha n’ya sa ‘king balikat sabay singhot sa leeg ko.

Nyemas na babae, paka-harot!

“Ang bango mo naman. Mas mabango ka pa d’yan sa niluluto mo, eh. Gusto mo ikaw na lang ang kainin ko?” Agad akong pinamulahan ng pisngi matapos kong maalala kung paano n’ya ako pinaligaya nang nakaraang gabi sa pamamagitan ng kan’yang bibig.

Gosh, hindi lang mabulaklak ang kan’yang dila, magaling din itong trumabaho!

“Babe, we need to eat. Saka pinaghihirapan ko ‘tong niluluto ko tapos iba ang kakainin mo?” Pilya kong maktol. Natawa naman s’ya.

“Syempre, kakainin ko pa rin ‘yang luto mo pero pagkatapos ikaw naman ang gagawin kong dessert. Deal?” Lord, bakit Niyo ba ako binigyan ng manyak na girlfriend? Pero hindi po ako nagrereklamo.

“Deal.” Sagot ko. Nasa ganu’n kaming landian nang kapwa kami mapalingon sa mesa matapos tumunog ang cellphone ko. Nangangahulugan ‘yun na may tumatawag. Agad akong nagpunas ng kamay sa laylayan ng damit ko at kumalas naman si Debbie mula sa pagkakayakap sa ‘kin bago ako nagpunta sa mesa para sagutin ang phone ko. Ewan, kinakabahan ako na hindi mawari. At lalo lang nadagdagan ang kaba ko sa dibdib nang mabasa ko sa caller ID ang pangalan ni Kina.

“Hello, Kina?” Pinilit kong ngumiti at balewalain ang takot na namumuo sa boses ko. Inisip ko na may tsismis lang na isi-share ang best friend ko kaya s’ya tumawag sa ‘kin pero nagkamali ako.

“Hello, Eli?” Narinig ko ang mga yabag ni Debbie na papalapit sa kinaroroonan ko. At sakto dahil nang magtama ang mga paningin namin ay mangiyak-ngiyak ako. Agad na kinain ng labis na pag-aalala ang girlfriend ko.

“Sino ‘yan?”

“Si Kina.”

“Ano’ng sabi n’ya?”

“Si Lola raw, sinugod n’ya sa ospital.” Saad kong nanginginig ang boses. Hindi ko na rin napigilang maiyak ng mga sandaling ‘yun. 

💫✨🌻

Always, loving you (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon