Chapter 27

1.5K 55 5
                                    

HUMAHANGOS akong huminto sa tapat ng kuwarto kung saan malayo pa lang ay nakikita ko nang palakad-lakad si Kina. Niyakap n'ya ako agad nang makita n'ya ako tapos ay tinanong ko kung kumusta si Lola at ano ang nangyari. Sinabi ni Kina na nadatnan daw n'ya ang lola ko na walang malay sa bahay namin nu'ng nagpunta s'ya. Du'n na s'ya tumawag ng mga kapitbahay para tulungan s'yang isugod sa ospital ang lola ko. Mangiyak-ngiyak ako habang idini-detalye ni Kina na unresponsive si Lola kahit hanggang makarating sa ospital. Kulang-kulang kalahating oras din ang lumipas bago lumabas ang doktor sa silid na kinaroroonan ng lola ko para sabihin sa 'kin ang nangyari.

Ayon sa doktor, over fatigue raw ang dahilan kung bakit hinimatay si Lola pero nagsasagawa pa sila ng mga medical tests para malaman kung meron s'yang underlying illness tulad ng heart disease, thyroid disorder o diabetes. Sa ngayon, okay naman ang vitals ni Lola at bumabawi s'ya ng lakas sa pamamagitan ng pagtulog.

Takot na takot ako at hindi ko na nga 'yun napigilan nang umiyak ako habang yakap-yakap ni Debbie.

Mahal na mahal ko si Lola. S'ya na lang ang pamilyang meron ako. Hindi ko kakayanin kung pati s'ya ay mawawala sa 'kin katulad ng nanay ko. Hindi ako perpektong apo pero hindi nagalit, nagsawa o nadismaya sa 'kin ang lola ko. S'ya ang inspirasyon ko kung bakit ako nagpapatuloy sa buhay at nagsisikap na umasenso. Marami akong pangarap para sa 'min, isa na du'n ay ang maiahon s'ya sa kahirapan at maranasan man lang n'ya ang kaginhawaang pinagkait sa kan'ya simula kabataan n'ya.

Alam kong malayo pa ako sa puntong 'yun ng buhay ko kaya gabi-gabi ay nananalangin ako sa Diyos na wag muna Niyang kukunin sa 'kin ang lola ko. Na kung maaari, hindi sa taong ito o maging sa susunod. Na sana pahabain pa N'ya ang panahong ilalagi ni Lola para makasama ko.

"Debbie, natatakot ako. Paano kung hindi na bumuti ang kalagayan n'ya? Paano kung iwanan na n'ya ako? Paano na 'ko?" Garalgal ang boses kong saad kay Debbie.

"Hindi mangyayari 'yun kasi gagaling si Lola. Di ba, sabi ng doktor, natutulog lang s'ya? Mamaya o bukas baka magising na rin s'ya, Eli." Sinserong saad ni Debbie dahilan para pumanatag ang dibdib ko. Pero aaminin kong hindi pa rin mawala-wala ang takot sa loob ko para sa kaligtasan ng kaisa-isang pamilyang meron ako.

"Natatakot pa rin ako." Pag-amin ko.

"Lahat tayo natatakot, ako rin. Pero magtiwala tayo kay Lola na hindi pa n'ya tayo iiwanan. Na lalaban s'ya kasi gusto ka pa n'yang makitang nagtatagumpay sa buhay." Muling namuo ang luha sa mga mata ko.

"Sinabi n'ya sa 'kin na proud s'ya sa 'kin kahit ganito lang ako, Deb."

"Ano'ng gan'yang ka lang? Eli, hindi ka gan'yan lang. Saka sang-ayon ako kay Lola, proud din ako sa 'yo kasi kinakaya mo. Yun bang wala man sa inyo ang lahat ng bagay sa mundo pero punong-puno naman kayo ng pag-asa at pagsisikap. Ang totoo, hanga talaga ako sa 'yo at sa determinasyon mo." Napangiti ako matapos sabihin sa 'kin ni Debbie ang mga katagang 'yun. Thankful ako kasi nasa tabi ko s'ya habang pinagdaraanan ang ganitong pagsubok sa buhay ko.

"Natakot din ang lola mo noong ma-ospital ka. Kasama ko s'yang nagbabantay sa 'yo kaya kitang-kita ko ang pag-aalala n'ya. Pero lagi n'ya akong kino-comfort, Eli. Lagi n'yang sinasabi sa 'kin na hindi ka ganu'n kabilis sumuko. Na hindi mo 'ko iiwanan. Na babalik ka para makasama ko. Tapos nangyari nga kasi nagising ka. Ngayon na s'ya naman ang nandito sa ospital, gusto kong maniwala tayo na lalaban si Lola. Na babalik s'ya sa 'tin para makasama pa natin ng mas matagal, lalo ka na." Hindi na ako nagsalita pa dahil agad ko nang niyakap nang mahigpit si Debbie. Naramdaman kong bumuntong-hininga s'ya at napanatag kaya tinugunan din n'ya ng mas mahigpit at mainit ang pagkakayakap n'ya sa 'kin.

***

"BEZ, ba't nga pala kasama mo 'yang boss mo? Diba, hindi ka na nagtatrabaho sa kan'ya?" Tanong ni Kina kaya napatingin ako sa kan'ya. Magkasama kami ngayon sa convenient store at katatapos lang naming magbayad ng mga pinamili namin sa cashier. Si Debbie ang naiwan sa ospital para magbantay kay Lola.

"Uhmmm..." Maalala ko lang, hindi ko pa pala nakukuwento kay Kina na kami na ni Debbie. Siguradong sasabunutan n'ya ako kasi late na s'ya sa chika. Naghiwalay na nga kami at nagkabalikan, 'di ba?

"May hindi ka ba sinasabi sa 'kin? Grabe, nakakatampo naman! Baka nakakalimutan mo, best friend mo 'ko!" Sabi na sasabihin na naman n'ya ang pamosong linyahan na 'yun eh. Syempre, hindi ko nakakalimutan na bff ko s'ya kaso life happens. Anyway, ang ending, kinuwento ko na nga sa kan'ya na girlfriend ko na si Debbie na dati kong boss. As usual, gulat na gulat si gaga at kulang na lang ay balatan n'ya ako ng buhay kasi hindi ko agad chinika sa kan'ya. Lalo na 'yung naghiwalay daw kami, edi sana na-comfort n'ya raw ako things like that. In my defense, hindi ko naman sinasadya na i-chepuera s'ya.

"Hindi ka ba disappointed sa 'kin kasi ganito ako?"

"Ha?" Napatingin ako kay Kina kasi takang-taka s'ya sa tanong ko.

"I mean, na magkakagusto ako sa kapwa ko babae tapos sa mas matanda pa sa 'kin at dati ko pang boss?"

"Hindi, ba't naman ako madi-dissapoint?" Anya kaya napangiti ako. Kasalukuyan na kaming naglalakad sa pasilyo ng ospital papunta sa kuwarto ni Lola.

"Wala lang. Naisip ko lang kasi never naman nating pinag-usapan 'yung sexual orientation ko." Sabi ko. Natawa naman s'ya.

"Inaasar-asar pa nga kita sa boss mo dati, 'di ba? Ibig sabihin, ayos lang sa 'kin. And honestly, tanggap kita kung 'yan ang gusto mong marinig. Tanggap kita maging sinoman ang gustuhin mo, que se jodang babae o lalaki 'yan basta wala kang inaapakang ibang tao. Hindi ka kabit o mang-aagaw. Proud of you, bezy! Mapapa-sana all na lang talaga ako."

"Sana all ka d'yan?" Natatawa akong tanong.

"Eh, syempre, si Debbie na 'yan eh! Maganda, mayaman, hottie! Grabe, masarap ba s'yang humalik? Magaling ba s'ya sa kama? Nababasa ko kasi sa wattpad 'yung mga gan'yang may edad na expert na expert na raw sa pagpapaligaya sa mga baby nila— aray!" Hindi ko na s'ya pinatapos sa sinasabi n'ya kasi kinaltukan ko na s'ya.

Diosmio, ang halay!

"Charot lang naman, eh."

"Kaka-wattpad mo 'yan." Pero gulat din ako sa katotohanan na nagbabasa s'ya ng ganu'ng klase ng babasahin sa social media! Omg, tea. Pero next time na.

Nang tumapat kami sa pinto ng kuwarto na kinaroronan ni Lola ay sabay kaming napatingin ni Kina sa doorknob nang kusa itong pumihit mula sa loob. Tapos iniluwa ng pinto ang napakaganda kong girlfriend. Aandap-andap ang dibdib ko nang magkatitigan kami pero nawala ang focus ko sa kan'ya nang marinig naming nagsalita si Lola!

"Si Eli na ba 'yan? Pakisabi gutom na ako, balak ba n'ya akong patayin ng wala sa oras?"

OMG.

Lola ko 'yan!

🌷🍁🍃

Always, loving you (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon