MABILIS NA LUMIPAS ang dalawang buwan, masasabi ko na nakakapag-adjust na ako sa trabaho ko bilang secretary ni Debbie. Unti-unti, nagagamay ko na ang job description ko at lalo rin kaming nagiging close ng boss ko.
Bukod kasi sa regular task ko sa office, may mga "special task" akong ginagawa kasama s'ya. What I mean is, since sinamahan ko s'ya noong uminom sa place n'ya, although s'ya lang talaga ang nagpakalasing, naging at ease na kami sa isa't isa.
Iginagalang ko pa rin s'ya bilang boss ko, pero after working hours, nawawala na 'yung title at para na kaming magkaibigan. Sumasama na rin ako kapag niyayaya n'ya akong kumain sa labas, o 'di kaya mag-shopping, kahit na s'ya lang naman 'yung may binibili dahil 'di kaya ng budget ko 'yung mga trip n'yang items.
Iba talaga ang mayayaman. Pa-swipe-swipe lang!
Bukod du'n, nakakapag-open up na rin s'ya sa 'kin ng mga kuwento ng buhay n'ya, madalas tungkol sa pamilya at pangarap n'ya sa sarili. Pero never n'yang nabanggit ang relasyon nila ng asawa n'yang si Sir Vincent. Maalala ko pala, hindi sila magkasama sa bahay pero may times na pumupunta sa office ang asawa n'ya para sunduin s'ya.
Kaso ewan ko kung ako lang 'yung nakakapansin na parang hindi sila masayang makita ang isa't isa? Ayoko naman makisawsaw sa kuwento ng buhay nila pero may mga naririnig akong tsismis na battered wife raw ang boss ko! Kaloka, wala sa hitsura ni Sir Vincent ang nananakit ng babae pero sakaling totoo man 'yun, aba, dapat pinatu-Tulfo s'ya!
"Eli, laway mo tumutulo." Napakurap ako ng mga mata at nang rumehistro sa tenga ko 'yung sinabi ni Cara kaya kaagad kong hinawakan ang bibig ko if ever ngang tumutulo ang laway ko. Pero wala naman! Tapos narinig ko na tumawa s'ya. Kita pa ang ngala-ngala ng gaga.
"Wag ka lang talaga mabubulunan sa kaning ningunguya mo kasi imbes tulungan, iwanan kita rito." Banta ko sa kan'ya.
"Napaka mo naman! Akala ko ba magkaibigan na tayo? So, bakit hindi mo 'ko tutulungan sakaling mabulunan ako?" Maktol n'ya dahilan para matawa ako. Kahit kelan itong si Cara, napaka-abnormal. Nga pala, baguhan din s'ya na katulad ko. Isa s'ya sa mga nakasabay ko noon sa interview na eventually tinawagan din ng HR para maging office staff. Tapos nang magkita ulit kami, naging close na kami instantly. S'ya ang kasa-kasama ko sa mga lunch break 'pag busy si Debbie, tulad ngayon. Nasa office kasi n'ya ang husband n'ya. Kaya nag-give way ako.
"Alam mo, hindi maganda ang kutob ko d'yan sa asawa ng boss mo. Simula pa lang nang makita ko s'yang umaali-aligid dito sa office, itim na talaga ang awra na sumusunod sa kan'ya." Sabi ni Cara dahilan para humagalpak ako ng tawa. Pinagtinginan pa nga kami ng ibang empleyado na kumakain dito sa pantry dahil sa tawa ko. Parang gago ang wala.
S'ya nga pala, self-proclaim "spiritualist" ang babaeng 'to. Akala ko nagbibiro lang s'ya na nakaka-sense s'ya ng awra mula sa mga tao pero mukhang pinangangatawanan na n'ya ang mga pinagsasabi n'ya. On the other hand, may point din naman s'ya kasi hindi rin maganda ang pakiramdam ko kapag nasa paligid si Sir Vincent. Wala naman akong personal na galit sa kan'ya o ano pa man pero nu'ng magkita ulit kami dito sa office kanina, aba, ang sama makatingin! Akala mo inaagaw ko ang asawa n'ya sa kan'ya.
"Seryoso ako. Yung tabas ng mukha n'ya, hindi mapagkakatiwalaan. Tapos 'yung galawan n'ya, parang— ay!" Pareho kaming napasigaw ni Cara dahil may bumagsak na stainless na baso sa sahig. Tatawa-tawa pa 'yung lalaking empleyado na nakalaglag pero ewan ko ba't hindi maganda ang pakiramdam ko kaya imbes matawa, nakasimangot lang ako. Tapos naisip ko na uminom na ng tubig at mabilis na niligpit ang baunan ko kahit hindi pa ako tapos mag-lunch. Nawalan na rin kasi ako ng gana, ime-meryenda ko nalang 'yung natira para 'di sayang.
"Hoy, tapos ka na agad? Hindi pa nga nag-iinit ang pwet ko sa upuan! Hindi pa rin nangangalahati itong pagkain ko, o?" Reklamo ni Cara. Kaso hindi na ako nagpapigil dahil masama ang kutob ko. Iniwan ko sa panrty si Cara at mabilis akong naglakad papunta sa office ni Debbie. Pero hindi pa man ako nakakalapit sa pinto, bumukas na kaagad ito at iniluwa noon si Sir Vincent. Nagsalubong kaagad ang mga tingin namin at damang-dama ko na parang hinuhusgahan n'ya ako! Hindi naman panget ang suot ko. Nakapagsuklay naman ako ng buhok kahit paano. Ano bang problema n'ya? Tapos napalunok-laway ako nang magsimula s'yang lumakad papalapit sa 'kin. Tumigil pa s'ya sa harap ko dahilan para mailang ako. Pero sa kabila ng lahat, hindi ako nagpa-apekto. Tinapangan ko ang tingin sa kan'ya dahil s'ya naman ang naunang tumingin ng masama! May mga mata rin naman ako, 'no?
"Ikaw ba secretary ng wife ko?" Anya. Ginapangan ako ng kilabot sa katawan dahil parang napaka-mapang-akusa ng tono ng boses n'ya.
"Y-yes, Sir. I'm Eli. Nice to meet you po." Syempre, kahit pagbali-baliktarin ko ang mundo, husband pa rin s'ya ng boss ko kaya kailangan ko pa rin s'yang i-respeto. Hindi lang ako nakapagtapos ng college pero hindi ako bastos.
"Hindi ko alam kung anong nagustughan n'ya sa 'yo samantalang wala ka namang binatbat kumpara sa 'kin. Napaka-simple mo. Walang espesyal sa 'yo. Pero kung ituring ka n'ya, daig mo pa ang isang babasaging porselanang pigurin na nagkakahalaga ng bilyones." Sabi n'ya dahilan para ma-blanko ang utak ko. Hindi ko alam ang isasagot dahil hindi ko napaghandaan ang sinabi n'ya. Pero isa lang ang nangingibabaw sa 'kin ngayon, gusto ko s'yang tuhuran dahil napaka-mapangmataas n'ya! Malayong-malayo sa ugali ng wife n'ya. Pa'no ba s'ya nagustuhan ni Debbie? Oo, gwapo s'ya, mayaman, pero nakalimutan n'ya yata ang manners sa kung saan!
Nasa ganu'n akong pag-iisip nang sabay kaming mapalingon dahil bumukas ulit ang pinto ng opisina ng boss ko. At mula du'n, lumabas si Debbie. Kitang-kita ko na nagulat s'ya dahil magkausap kami ng asawa n'ya pero nawala rin 'yung reaksyon n'yang 'yun, at sa halip, naglakad s'ya papalapit sa 'min.
"Sorry to keep you waiting..." Kitang-kita ko kung pa'no s'ya hinigit ng asawa n'ya sa bewang para magdikit ang mga katawan nila. Pagkatapos, hinalikan s'ya nito sa labi dahilan para mapasinghap s'ya sa gulat. Nagtatanong ang mga titig n'ya sa asawa n'ya.
"What are you doing?" Pabulong n'yang tanong pero dinig na dinig ko pa rin.
"Showing affection to my wife. Bakit, masama ba? Besides, secretary mo lang naman ang nandito with us. What's wrong? Unless, she's jealous." Huwaw!
"That's enough, Vincent. Let's go. Ayokong mahuli tayo sa gala screening." Nakita kong lumambot ang mga tingin n'ya nang dumako ang atensyon n'ya sa 'kin.
"Eli, puede ka nang umuwi pagkatapos ng office hours. Wag ka nang mag-overtime para naman maka-bonding mo ang lola mo. Sweldo n'yo ngayon, ibili mo s'ya ng pasalubong." Anya dahilan para mapangiti ako sabay tango. Nabanggit ko kasi sa kan'ya kaninang umaga na panay reklamo sa 'kin ni Lola kesyo hindi ko na s'ya nakakasamang manuod ng tv o kahit man lang sabayan sa pagkain dahil napapadalas ang OT ko. Ewan, nakonsensya yata si Debbie kasi s'ya ang dahilan ng mga unplanned overtime ko nitong nakalipas na linggo. Na hindi ko naman ikinasasama ng loob kasi masaya ako kapag kasama s'ya sa ibang bagay aside sa opisina.
Pero naputol ang iniisip ko nang biglang umubo si Sir Vincent. Tapos bumalik ulit 'yung tensyon sa pagitan naming tatlo. Most of the time, kagagawan n'ya kung bakit ka maiilang. Malapit na tuloy akong maniwala kay Cara na may sa itim ang awrang nakapalibot sa kan'ya.
Bago sila tuluyang naglakad papalayo, tiningnan pa ako ulit ng masama ni Sir Vincent. Hindi ko alam ang trip n'ya pero hindi na ako mapalagay. Isa pa, ang higpit ng pagkakakapit n'ya sa bewang ni Debbie nang magsimula na silang maglakad. Di ko alam kung sinasadya n'ya bang ipakita sa 'kin na ganu'n sila kalambing na mag-asawa. Nagkabati na ba sila? Sa isip ko, ano'ng paki ko? Pero at the same time, gusto ko rin magkaroon ng pakialam.
At ano nga ulit 'yung sinabi n'ya? Nagseselos? Ako?
Nu'ng hinalikan n'ya si Debbie, aaminin ko, medyo masakit sa mata. Nu'ng hinigit n'ya ito sa bewang, medyo nailang ako. Tapos knowing na magkasama sila ngayon sa gala screening, parang naninikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga.
Oo, nagseselos nga siguro ako kasi nasanay ako na ako palagi ang kasama ni Debbie. Pero ano nga bang karapatan kong magselos?
Si Sir Vincent pa rin ang asawa n'ya. At ako? Hamak lang na secretary n'ya.
🏵️🍂🌹
BINABASA MO ANG
Always, loving you (gxg) (COMPLETED)
RomanceSimple lang naman ang pangarap ni Eli, 'yun ay ang magkaroon sila ng maginhawang buhay ng kanyang lola. Ito na kasi ang nagpalaki sa kanya simula nang maaga syang maulila sa ina at iwan sya ng kanyang ama. Kaya gagawin nya ang lahat para maitaguyod...