HINDI ko na ide-detalye ang naging bakasyon namin ni Debbie sa mala-paraisong lugar na 'yun dahil tumagal lang din 'yun ng dalawang araw. Sobrang nabitin kami pero hindi naman s'ya puedeng mawala ng matagal dahil meron s'yang kailangang asikasuhin sa kompanya n'ya. Pero sa loob ng dalawang araw na 'yun, mas nakilala ko s'ya, hindi bilang amo kundi bilang girlfriend.
Wag n'yo nang itanong kung may nangyari sa 'min du'n dahil wala po. Sabi ni Debbie, hindi s'ya nagpunta du'n kasama ako para sa bagay na 'yun. O, 'di ba, 'yan talaga nagustuhan ko sa kan'ya. Kung sa lalaki, "maginoo na medyo bastos."
"Hoy, Eli, napaka-daya mo talaga! Absent ka na nga ng dalawang araw, wala ka pang pasalubong sa 'kin! Sa'n ka ba nagpunta nu'n? Alam mo bang absent din ang amo mo? Aminin mo, magkasama ba kayo?" Sunod-sunod na tanong ni Cara. Duda ako kung nakuha n'ya pang huminga o kumurap man lang ng mga mata. Bakas din sa ekspresyon ng mukha n'ya na nagta-tampururot s'ya.
Di ko s'ya masisisi, hindi ko binanggit ang rason kung bakit ako naka-leave. Napag-usapan namin ni Debbie na i-sikreto muna sa mga tao sa kompanya n'ya ang aming relasyon, syempre liban na lang kapag nasa opisina n'ya kami. Hehe. Kaya pasensya, Cara, hindi ko puedeng i-tsismis sa 'yo. Imbes na sumagot, nagkibit-balikat lang ako saka pinagpatuloy ang pag-nguya sa kinakain kong sandwich.
Lunch break kasi ngayon at magkasama kami ni Cara dito sa pantry. Busy si Debbie sa meeting n'ya kasama ang mga department heads at dahil ayaw n'ya akong malipasan ng gutom, pinalabas na n'ya ako ng board room para makakain na ng pananghalian.
Naks, hindi lang maganda at malambing ang girlfriend ko, maalalahanin din s'ya!
Sabi n'ya sa 'kin, aalagaan n'ya ako kasi ako daw ang baby n'ya.
"Ganyanan na, ah? Sana masaya ka." Pangungunsensya ni Cara pero tinawanan ko lang s'ya.
"Pero alam mo, girl, noong wala kayo rito ng boss mo, pumunta rito yung asawa n'ya." Pagkasabi nu'n ni Cara ay agad akong nahirinan sa kinakain ko. Bigla tuloy s'yang nataranta kaya mabilis n'yang na inabot ang bottled water sakin na inubos ko naman sa isang lagukan!
"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong n'ya sa 'kin.
"Oo. Ikaw kasi, kung ano-anong sinasabi mo." Inis kong wika.
Naningkit naman ang mga mata ni Cara na tila nagdududa sa biglang bago ng mood ko matapos n'yang banggitin ang tungkol kay Sir Vincent.
"Bakit daw nagpunta rito si Sir?"
"Ewan. May dala s'yang flowers o pagkain. Kaso nu'ng nalaman n'yang wala nga kayo ritong mag-amo, biglang nagbago 'yung mood! Hindi na maipinta 'yung mukha. Tapos narinig ko tinanong n'ya 'yung HR Manager natin na kaibigan nga ng boss mo. Sinabi sa kan'ya ni Ma'am na may business trip daw si Mrs. Cervantes pero hindi ka kasama kasi may sarili ka ring lakad. Kaso mukhang hindi naniniwala. Gusto ko sanang matawa dahil bakit hindi n'ya alam ang whereabouts ng asawa n'ya, 'di ba?"
Kung alam lang sana ni Cara na hindi na sila mag-asawa. At kung may ideya lang sana ang kaibigan kong ito na abusive person si Sir Vincent. Pero ang pinagtataka ko, bakit s'ya may pa-flowers kay Debbie? Ibig bang sabihin, nililigawan n'ya ulit ito at gusto n'yang magka-ayos sila?
"Mag-iingat ka sa taong 'yun, Eli. Nakaka-sense ako ng hindi magandang awra sa kan'ya. Para bang ang init ng dugo n'ya sa 'yo tapos ready s'yang makipag-bardagulan lalo kapag nakikita ka n'yang malapit sa asawa n'ya." Babala ni Cara dahilan para pa-simple akong matawa.
"Ako ang secretary ni Debbie. Pa'nong hindi kami magiging malapit sa isa't isa?" Sabi ko sabay tiim-bagang. Pero kaagad nagbago ang seryosong mood ni Cara at bigla akong siniko sa tagiliran! Punyeta, ang sakit!
"First name basis na lang, ah?" Anya sabay hagikhik. Natawa na lang din ako dahil sa kagagahan namin pareho.
***
"GOSH, I miss you, Babe. Kumusta ang lunch break n'yo ni Ms. Atienza? Grabe, nakaka-inggit naman. Buti pa s'ya nakasabay kang kumain samantalang ako bore na bore du'n sa meeting namin! Kahit talaga kailan hindi maaasahan ang mga taong 'yun." Natawa ako dahil ang cute ni Debbie habang naiinis at nagrereklamong nagkukuwento.
Pasado alas kwatro na ng hapon pero katatapos lang ng meeting nila. Hindi sila nakapag-proper lunch pero may snacks naman in between. Nakita ko kasi na may nag-deliver ng pizza sa board room. Pero heto, naka-simangot pa rin ang girlfriend ko. Hindi kasi s'ya mahilig sa fast food kaso wala s'yang choice dahil hindi naisama ng receptionist ang order n'yang salad. Hindi na rin s'ya um-order ulit dahil nawalan na sya ng gana.
"Gutom na gutom ako. Sa sobrang gutom ko, ikaw 'yung naiisip kong kinakain kanina." Pilya n'yang sabi sabay kagat-labi. Nag-blush naman ako at kaagad s'yang hinampas sa braso. Hindi ko napaghandaan ang tirada n'yang 'yun!
"Napaka-manyak mo talaga." Natatawang sabi ko.
"Manyak sa 'yo." Pagdidiinan n'ya. Tapos bigla n'ya akong hinigit palapit sa kan'yang katawan sabay hinalikan. Hindi na ako pumalag dahil aaminin ko, na-miss ko rin ang labi n'ya sa labi ko. Kaya ginawa ko ay ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg n'ya saka sumampa at umupo sa lamesa n'ya. Ibinuka ko rin ang mga hita ko para makapuwesto s'ya sa gitna nu'n.
"Ano kayang pakiramdam kapag ihiniga kita sa table ko tapos hinubaran at sinimulang..." Napaungol ako nang gumapang papunta sa leeg ko ang mga halik n'ya.
"...mukbangin?"
Gusto ko sanang humagalpak ng tawa dahil sa choice of word n'ya pero napalitan 'yun ng mas malakas na ungol nang idampi n'ya ang palad n'ya sa pagkababae ko!
Shit, shit, shit! Binabaliw n'ya ako!
"Deb..." Habol-hininga kong wika.
"Basang-basa ka na, Babe. Mukhang hindi lang pala ako ang excited dito. Ikaw din." Anya at mas lalong ikiniskis sa private part ko ang kamay n'ya. Muli kaming nagsalo ng isang marubdob na halik habang gumagapang sa kung saan-saang parte ng katawan ko ang mga palad n'ya.
"Sabihin mong tama na, titigil ako." Sabi n'ya pero kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para hindi ko masabi ang mga salitang 'yun!
"You naughty girl. Gusto mo rin talaga, 'no?" Tanong n'ya matapos n'yang ipasok ang kan'yang kamay sa blouse ko at pagkatapos ay sinalat n'ya doon ang isang dibdib ko nang hindi inaalis ang suot kong bra. Tapos hinigit n'ya ako papalapit sa kan'yang katawan hanggang makababa ako sa mesa, isinandal n'ya ako dun at pinabukaka bago ipinasok sa pagitan ng mga hita ko ang isa n'yang hita. Tapos ay ikiniskis n'ya ito sa pagkababae ko dahilan para lalo akong makaramdam ng matinding sensasyon at init sa katawan!
"Mind if I take you here?" Garalgal ang boses n'ya nang tanungin n'ya ako at tanging tango na lang ang naisagot ko.
Wala akong pakialam kung hindi romantic sa pananaw ng iba ang lugar kung saan n'ya ako aangkinin. Mangyari na ang dapat mangyari basta sa kan'ya lang at s'ya lang ang kasama ko, walang kaso 'yun sa 'kin! Ngayon pa ba ako magho-hold back samantalang horny na ako?
Kaya lang bago pa tuluyang uminit ang ang mga nagaganap sa pagitan namin ni Debbie, bigla kaming nakarinig ng malakas at sunod-sunod na katok sa pinto ng opisina n'ya! Tapos ganu'n na lang ang gulat n'ya nang marinig ang boses ng isang babae sa kabilang pinto.
"Deborah, bakit naka-kandado ang pinto ng opisina mo? Buksan mo nga ito ngayon din!"
Nagkatinginan kami ni Debbie at nabasa ko ang magkahalong pagkabigla at pag-aalala sa kan'yang mga mata.
"Si Mama."
🌼💐🌷
BINABASA MO ANG
Always, loving you (gxg) (COMPLETED)
RomanceSimple lang naman ang pangarap ni Eli, 'yun ay ang magkaroon sila ng maginhawang buhay ng kanyang lola. Ito na kasi ang nagpalaki sa kanya simula nang maaga syang maulila sa ina at iwan sya ng kanyang ama. Kaya gagawin nya ang lahat para maitaguyod...