Special Chapter (4) (finale)

2.3K 53 6
                                    

"DEB?" Napatingin sa 'kin ang wife ko at agad n'yang tiniklop ang kan'yang laptop. Tumayo s'ya sa kinauupuan n'ya at naglakad papunta sa 'kin.

"What's wrong, Baby?" Bakas ang pag-aalala sa boses n'ya.

"Tingnan mo si Pegasus. Ang tamlay n'ya." Sabi ko na ang tinutukoy ay ang pusang regalo sa 'kin ng wife ko last birthday ko.

"Hala, oo nga." Hinimas-himas ni Debbie ang ulo ni Pegasus at nag-lean naman ang pobreng pusa sa kan'ya.

"Kawawa naman." Sinang-ayunan ko si Debbie sa sinabi n'ya at nang magtama ang aming paningin ay nag-pleading face ako.

Busy kasi sa trabaho ang asawa ko kaya lagi s'yang nakasubsob sa laptop n'ya. Kahit nasa bahay na s'ya, nagwo-work pa rin s'ya. Gets ko naman pero nami-miss ko na ang mahal ko. Tapos nagkataon na matamlay ang pusa namin kaya kailangan ko s'ya.

"Okay, magbibihis lang ako tapos dadalhin natin sa vet si Pegasus." Anya sabay halik sa noo ko. Ngising-aso ako pero nag-wo-worry pa rin ako sa alaga namin. Kaya nga kinarga ko na si Pegasus at naglakad na ako papunta sa 'ming kotse.

Fast forward, nandito na kami ngayon sa animal clinic kung saan mangilan-ngilan lang ang client, thanks goodness, kaya in-accommodate kami kahit walk in lang. Nakikipag-usap pa si Debbie sa information desk kaya naman naupo na lang ako sa sofa habang ginagala ang aking paningin sa kabuan ng lugar.

Hindi ko mapigilang maaliw sa mga naka-display na picture frame ng mga aso at pusa sa pader ng clinic. Sila 'yung mga kung tawagin ay "star client" na feature ng naturang klinika. Nakakatuwa at nakaka-inspire ang maiksing life story nila na nakalagay sa bawat picture frame.

"Wait na lang daw tayo ng 10 minutes, Eli." Sabi ni Debbie tapos ay tinabihan n'ya ako sa upuan. Dumikit naman ako agad sa wife ko't sinandal ang aking ulo sa balikat n'ya.

"Nag-wo-worry ako kay Pegasus. Paano kung may malala pala s'yang sakit..." Agad hinawakan ni Debbie ang kamay ko't pinisil-pisil 'yun.

"Matapang si Pegasus. Magtiwala lang tayo na magiging okay din s'ya." Sabi n'ya bagay na sinang-ayunan ko. Basta si Debbie ang nagsabi, nagtitiwala ako.

Pareho kaming napukaw sa mahinang pag-uusap namin nang may marinig kaming paparating na yabag. At nang tiningnan namin ang nagmamay-ari nito, kapuwa kami napangiti nang magtama ang aming mga paningin.

"Hello, ma'am. My name is Liway and I'm your assistant vet." Sinundan ko ng tingin nang dumako ang kan'yang mga mata sa cage ni Pegasus.

"Hi, Pegasus." Anya sabay upo sa sahig para ma-check si Pegasus. Nagkatinginan kami ni Debbie at natawa matapos n'yang mag-baby talk sa pusa namin.

"Hello, sweetheart. How are you?"

"Miyawww..."

Parehong lumambot ang ekspresyon ng mga mata namin ni Debbie nang sumagot si Pegasus sa tanong ni Liway. Pero bakas ang panghihina sa boses n'ya kaya naman hindi ko mapigilang malungkot at mag-alala.

"Okay, sweetlove. Maya-maya lang magiging okay ka na. Pero sa ngayon, che-check-up-in ka muna namin, ha?"

"Miyaw." Nang sumagot si Pegasus ay tumango si Liway bago tumayo at tumingin sa 'min ni Debbie.

"Kunin ko na po muna s'ya para ma-check na ni Doc. Balitaan ko na lang kayo in the meantime." Anya.

"Thank you, Liway." Sabi ni Debbie na sinegundahan ko rin ng pagpapasalamat. Tapos pinanuod namin si Liway na kinuha at dinala sa loob ang baby naming si Pegasus.

AFTER 20 MINUTES

"Mrs. and Mrs. Alvarez?" Napukaw kami ni Debbie matapos kaming tawagin sa front desk kaya naman tumayo kami at lumapit doon.

Saktong lumabas sa emergency room si Liway at nakangiting sinalubong kami. Natuwa rin kami ni Debbie matapos naming makita si Pegasus na mahimbing na natutulog sa cage n'ya.

"Hi, Baby..." Agad kong sabi matapos kunin kay Liway ang kulungan ng alaga namin.

Nakita kong nag-usap sila ni Debbie pero hindi ko na masyadong inintindi, naka-focus kasi ako kay Pegasus.

"May mga bibilhin lang kayong gamot. Nakasulat na rin sa reseta ang schedule ng pagpapainom nito kay Pegasus para tuloy-tuloy na maging okay s'ya. Good thing na nadala n'yo s'ya kaagad sa vet. Don't worry, gagaling din s'ya." Sabi ni Liway bagay na ikinatuwa namin ni Debbie.

Matapos naming mai-settle ang bill, dumiretso na kami sa kotse. Maingat kong inilagay sa backseat ang cage ni Pegasus. Ayokong maistorbo ang mahimbing n'yang tulog. Pagkatapos kong masigurado na okay na s'ya, tinabihan ko na ang wife ko sa driver seat.

Pero bago kami umalis, napagdesisyunan ni Debbie na mag-takeout muna ng milktea sa shop na malapit lang sa clinic at puedeng lakarin. Nagki-crave kasi kami kaya pagbigyan na.

At bilang isang gentlewoman, si Debbie ang lumabas para bumili.

Ilang minuto pa lang ang nakakalipas simula nang iwan ako ng wife ko sa kotse ay nakita ko naman ang pagdating ng isang estudyanteng babae sa clinic.

Sa tantya ko ay nasa early twenties s'ya, maamo ang mukha, mahaba ang buhok at maganda. Di nagtagal, pumasok s'ya sa loob ng naturang establisyimento at pagkaraan ng ilang minuto ay lumabas s'ya doon kasama si Liway.

"Hi." Napukaw ako sa boses ni Debbie. Hindi ko napansin ang pagdating n'ya kasi naka-focus ako kay Liway at sa babaeng kasama n'ya.

"Huy, ano'ng tinitingnan mo d'yan?" Usisa ng wife ko sabay marites. Natawa tuloy ako kasi pinagduldulan n'ya pa talaga ang ulo n'ya sa bintanang tinitingnan ko.

"Feeling ko mag-jowa sila." Sabi ko sabay nguso sa dalawang babae na nagtatawanan sa labas ng clinic.

Malakas ang radar ko kasi ang lagkit din ng tinginan nila at 'yung pagkakahawak ni Liway sa likod nu'ng kasama n'yang babae eh katulad din nu'ng kung paano ako hawakan para alalayan at protektahan ni Debbie.

"Oo nga. At ang sweet nila. Parang mas sweet pa sila sa milktea na binili ko!" Nagkatawanan kami ng asawa ko at pagkatapos ay tinigilan na namin ang panunuod sa lovebirds. Sa halip ay nag-focus na kami sa inuming binili n'ya.

Ugh, so refreshing.

Bago buhayin ni Debbie ang makina ng kotse ay hinalikan n'ya muna ako sa labi. Tapos sakto nang tumingin kami kina Liway, nakita naming hinalikan n'ya sa pisngi ang jowa n'ya.

Kapuwa kami napa-awww ni Debbie at todo ngising inalala kung paano kami nagsimula noong araw bilang magkasintagan bago kami nagpakasal at naging mag-asawa.

"Happy Pride month, Eli. I love you so much." Sabi n'ya sabay hawak at halik sa kamay ko.

"Happy Pride month, Debbie. I love you more." Sagot ko.

HAPPY PRIDE MONTH MGA ACCKLA! 🏳️‍🌈

🌹🌷💐

Always, loving you (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon