HINDI ko maintindihan pero lately laging pumupunta sa opisina namin si Sir Vincent. May point na may bitbit itong flowers and chocolates o kaya minsan nagpapa-deliver ng pagkain sa asawa n'ya.
Para silang nagliligawang-ibon kaso mukhang pa-hard-to-get si Debbie dahil pinagtatakhan n'ya o 'di kaya kinaiinisan n'ya 'yung mga unexpected na regalo at gestures ng asawa n'ya sa kan'ya. Sa isip ko, bakit? Hindi ba s'ya masaya dahil naalala s'ya ng mister n'ya?
Pero hindi na nabigyan ng sagot ang mga tanong ko dahil aaminin ko, napapangibabawan ako ng panibugho sa tuwing pinapamukha sa 'kin ni Sir Vincent ang lugar n'ya sa buhay ni Debbie.
Natural, maramdaman ko 'yun dahil nga mahal ko ang asawa n'ya, 'di ba?
Alam ko maraming magsasabi na kagagahan itong feelings ko para kay Debbie dahil kasal na s'ya, pero pa'no ko ba pipigilan ang pesteng damdamin na 'to na sa sobrang tindi parang kinakain na ako ng buhay?
Isa lang ang solusyon na naisip ko para makontrol ko ito- ang iwasan s'ya. Kaya kahit alam kong imposible dahil boss ko s'ya at secretary n'ya ako, ginawa ko pa rin ang lahat para magpaka-propesyunal sa harap n'ya. Bukod du'n, hindi ko na rin s'ya sinasamahan sa mga lakad n'ya lalo kung wala itong kinalaman sa trabaho dahil ayokong isipin n'ya na lagi akong available para sa kan'ya. Magpasama na lang s'ya kay Sir Vincent, total, asawa naman n'ya ito, ano lang ba ako sa buhay n'ya,'di ba?
Kaya lang sinong niloloko ko? Sarili ko lang din. Kasi akala ko unti-unti kong matuturuan ang puso ko na wag na s'yang mahalin lalo, pero sa tuwing hindi ko nakikita 'yung ngiti n'ya kapag may kinukuwento s'ya sa 'king mabababaw pero nakakatawang bagay, parang pinipiga ang puso ko! Tapos iniisip ko pa lang na si Sir Vincent ang kasa-kasama n'ya sa mga lakad n'ya, naninikip na ang dibdib ko!
May isang beses sa sobrang lutang ko, at sa sobrang broken hearted kahit walang kami, hindi ako pumasok sa trabaho at sinabi kong may sakit ako. Pero ang totoo, kumakain lang ako ng pancit canton kasama si Kina na pinapunta ko sa bahay after ng shift n'ya sa café.
"Kina, naranasan mo na bang ma-in love?"
"Ha?"
"Sabi nila, masarap daw sa pakiramdam. Para kang lumulutang sa ulap. Tapos puro masasaya at magagandang bagay lang daw ang nakikita mo." Wala sa wisyo kong sabi sabay subo ng pancit canton na tininidor ko.
"Sinong may sabi sa 'yo na ganu'n ang pag-ibig? Abay, gago 'yun! Saka ano ulit 'yung tanong mo? Kung na-in love na ako? Syempre, oo! Nakalimutan mo na ba 'yung kinuwento kong ex ko na niloko lang ako at pinagpalit sa matanda? Simula nu'n, binura ko na sa isip ko na ang love eh katulad ng mga sinabi mo. Masaya, maganda, nakalutang sa ulap. Hindi 'yun love, inday, naka-shabu ka lang." Anya sabay tawa. Paka-bitter, lintek! Inismiran ko s'ya dahil napaka-siraulo n'ya!
"Para ka talagang gaga. Ang tino ng sinasabi ko, wina-walang-hiya mo 'ko!"
"Bakit ba kasi gan'yan ang mga linyahan mo? Teka, wag mong sabihing in-love ka? Oh my gosh, Lola, inlababo po ang apo n'yo- aray! Ba't mo naman ako binatukan?!" Sabi n'ya sabay himas sa ulo n'yang kinutusan ko. Epal kasi masyado. Buti nga.
"Tumahimik ka, ha? Mamaya sumugod dito si Lola, maki-tsismis pa sa 'tin!"
"Tsismis is life, Bes." Ngumisi muna s'ya bago nagpatuloy sa pangungulit n'ya.
"Pero totoo nga, Eli? In love ka na? Aminin mo, aminin mo!" Tinangka ko s'yang sabunutan dahil pinaghahampas n'ya ako habang sinasabi ang pamosong linyahan na 'yan na napanuod n'ya sa social media, pero mabilis pa sa kidlat na naka-distansya ang walang hiya kong kaibigan. Sinamaan ko na lang s'ya ng tingin sabay tutok ng tinidor sa kan'ya. Tapos naisip kong agawin 'yung pancit canton n'ya at kainin bilang parusa n'ya.. Tawang-tawa naman ako sa reaksyon ng mukha n'yang parang nalugi.
BINABASA MO ANG
Always, loving you (gxg) (COMPLETED)
RomanceSimple lang naman ang pangarap ni Eli, 'yun ay ang magkaroon sila ng maginhawang buhay ng kanyang lola. Ito na kasi ang nagpalaki sa kanya simula nang maaga syang maulila sa ina at iwan sya ng kanyang ama. Kaya gagawin nya ang lahat para maitaguyod...