Chapter 14

2.7K 120 12
                                    

NAPALUNOK LAWAY ako nang magtama ang paningin namin ng mama ni Debbie. Ito kasi yung unang beses na nagkita kami. Hindi naman kasi ito pumupunta sa office, madalas sa phone lang sila nag-uusap ng anak n'ya.

Wala namang kaso sa 'kin na magkita kami, besides, nanay s'ya ng girlfriend ko, pero iba pa rin 'yung pakiramdam dahil may relasyon kami ng anak n'ya.

Tapos bigla n'ya pa akong tinitigan mula ulo hanggang paa na para bang kung sino lang ako. Napansin naman kaagad ni Debbie ang ginagawa ng mama nya kaya tinanong n'ya ito para mapunta sa kanya ang atensiyon nito imbes na nasa akin.

"Ma, bakit po kayo nagpunta rito? May problema po ba?" Tanong ni Debbie. Plano ko na sanang i-excuse ang sarili ko para mabigyan sila ng privacy kaso pinigilan ako ng mama n'ya.

"Wag kang lumabas, Ms. Rivera. Hindi kita pinapaalis." Anya dahilan para matigilan ako't kainin ng labis na kaba.

Nagkatinginan kami ni Debbie at alam kong naramdaman n'ya na hindi ako kumportable. Muli n'yang kinuha ang atensiyon ng mama n'ya.

"Ma, tinatanong ko po kayo."

"Puro ka tanong. Hindi mo man lang ba muna ako yayayaing umupo o aalukin ng kape?" Sabi nito dahilan para mapailing si Debbie.

"I'm so sorry, Ma. Upo po muna kayo." Tumingin sa 'kin si Debbie at nagka-intindihan naman kami.

"Eli, puede bang tumawag ka sa reception at magpaakyat ng coffee and pastries dito sa office ko?" Sabi sa 'kin ni Debbie tapos ningitian n'ya ako kaya napanatag ang loob ko. Akma na akong aalis nang biglang magsalita na naman ang mama n'ya. This time, para na 'yun sa 'kin.

"Ano'ng espesyal sa 'yo para ipagpalit ng anak ko ang asawa n'ya sa katulad mo?" Saad n'ya.

Napatingin ako sa kan'ya at du'n pa lang s'ya tumingin sa 'kin. Muli na naman n'ya akong tinitigan mula ulo hanggang paa.

"Hindi ka naman maganda. Ang baduy mo manamit. Hindi pa mamahalin. Kaya nagtataka ako, ano'ng nakita sa 'yo ni Deborah?"

"Ma, that's enough! Kung iinsultuhin n'yo lang po si Eli, makakaalis na kayo sa opisina ko." Galit na saad ni Debbie tapos nilapitan n'ya ako at tangkang yayakapin. Pero ganu'n na lang ang gulat n'ya nang umiwas ako. Ayokong makita ng mama n'ya na naaapektuhan ako sa mga sinabi nitong insulto sa 'kin.

"Bakit? Totoo naman, 'di ba? Nagtataka ba kayo kung paano ko nalaman? S'yempre, sinabi sa 'kin ni Vincent. Ano ba sapalagay n'yo ang magiging reaksyon ko? Matuwa? Magpa-party kasi may relasyon kayong dalawa? Puede ba, napakalaking kalokohan ng ginagawa n'yong ito!" Sabi n'ya sabay tingin kay Debbie.

"Ikaw, Deborah, ano na lang ang sasabihin sa 'yo ng mga kaibigan namin ng papa mo? Na pumapatol ka sa kapuwa mo babae tapos mas bata pa sa 'yo at secretary mo lang?" Matatalim ang mga salitang lumalabas sa bibig ng mama ni Debbie at alam kong kahit na pilitin n'yang magpakatatag, naaapektuhan pa rin s'ya nito.

"At ikaw, Eli, gan'yan ka ba ka-desperada? Ano'ng palagay mo sa anak ko, sugar mommy mo?! Alam ko na mahirap pa sa daga ang buhay n'yo ng lola mo. Kaya naisip mong patulan ang anak ko para maiahon kayo sa kahirapan, tama ba? Nakakasuka ang mga katulad n'yo!" Sabi n'ya dahilan para makagat ko ang aking pang-ibabang labi.

Ginawa ko 'yun para pigilan ang mga luha ko na mag-umalpas sa aking mga mata dahil hindi ko na kinakaya ang sakit at ang talim ng mga salita n'ya sa 'kin.

Napansin naman ni Debbie na kinakain na ako ng anxiety pero nagdadalawang-isip s'yang lapitan ako matapos kong dumistansya sa kan'ya. May ugali kasi ako na kapag nagkakaganito, mas gusto kong mag-isa para madaling huminga.

"Ano bang nakain mo, Deborah, at nakipag-relasyon ka sa batang 'yan? Kahit saang anggulo mo tingnan, kasalanan ang ginagawa n'yo!"

"Walang may kasalanan dito dahil pareho po naming mahal ang isa't isa!" Bakas ang frustration sa boses ni Debbie.

Always, loving you (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon