Hi sa anak kong si @chantutss , anak namin siya ni Chanyeol. HAHAHA! Suportahan niyo sana stories niya. ^___^
Anak ko! Uuwi diyan ang Appa-Chanyeol mo kaya linisin mo nang mabuti ang bahay natin ha? Diyan din siya matutulog, paki-ayos ng kama ha? LOL
Chanyeol
Masama na nga ang araw ko, mas naging masama pa dahil sa babaeng magiging kaklase namin! Alam ko naman kung bakit nandito siya, simple lang, para makita niya kami. Ganito naman kasi ang lahat ng mga rason sa mga babaeng nandito e, pero ewan lang kung bakit sila nakapasok, pero yun na nga dahil may mga wala silang kwentang 'ace'.
Ayoko naman talagang pumunta sa paaralang ito dahil alam kong ginagamit lang nila ang mga ace namin para makatulong at makapagpayaman sila sa industriya, ewan ko ba at kung bakit marami ang gustong pumasok dito, dalawa lang naman ang choices e, maganda ang school o sadyang gwapo lang talaga ang mga nag-aaral dito, pwede na ring both, at kasali na ako dun, tsk. Wag pumalag! Sususunugin ko bahay niyo! Mga boset!
Sigurado ako na 'yun ang rason ng babaeng 'yun. Ano nga ulit pangalan 'nun? Ah ewan! Wala akong pakealam sa kanya! Bakit ko naman siya pagtutuunan ng pansin?! Wala lang siya, isa lang siyang pangit na transferee, at feeling ko wala naman siyang ace e, di kasi halata sa mukha niya!
Basta, yun na yun. WALA AKONG PAKIALAM SA KANYA! AS IN WALA! MUKHA NIYA!
"Saan na 'yung malanding 'yun!?" napatanong ako dahil nawala nalang bigla dahil kay Jongin o Kai.
"Nag teleport siya kasama ni Jongin." Sagot naman ni Kris habang nagvavandal sa kanyang kamay. Kawawa naman, wala siguro itong papel. Tsk. Dukha!
Napansin kong basa pa rin ang damit ko at mukha ko dahil sa lintik na babaeng 'yun! Tanga-tanga niya! Alam naman niyang may flame akong ace, shunga talaga!
Inis akong napatingin sa mga kaklase kong babae dahil kanina pa sila nakatingin sa akin at nagbubulong-bulungan! Alam kong bumakat ang katawan ko sa basang polo ko! Aba putek!
"'Wag nga kayong mag kwentuhan at tutukan ako! Susunugin ko talaga buhok niyo!" sigaw ko sa kanila kaya bumalik na sila sa kina-uupuan nila.
"Init ng ulo ah!" lumapit si Baekhyun sa akin at umupo sa desk ko.
"Matagal na mainit ulo niyan!" sabat ni Chen at ngumisi sa akin, inirapan ko nalang.
"Saan kayo 'yun dinala ni Jongin?" nagtatakang tanong ni Suho at umupo sa may sahig malapit sa akin.
"Hoy Suho pandak, wag na wag mo ng bitbitin yang mamahaling hose mo dahil pagnagkataon, matutunaw ko na talaga 'yang lintik na 'yan!" gigil na gigil akong nakatutok sa hose na hawak-hawak ni Suho.
"Oo na, pero asan na kaya 'yun si Mik2x." tanong ni Suho sa amin--sa kanila pala. Wala nga akong kasali sa usapan nila dahil di ko feel.
"Mik2x? HAHA! Kailan pa siya nagkaroon ng nickname?" tanong naman ni Tao at lumapit sa amin.
"Ngayon lang 56 seconds ago." Seryosong sabi ni Suho
"Di ko mabasa ang utak ni Jongin ngayon! Baka may ginawa na naman 'yun!" pasigaw na sabi ni Luhan sa amin.
Baka pinagdiskitahan niya si Mik2x--aba bwisit! May pangalan ang gaga!
Tiningnan ako ni Luhan saka siya tumawa, medyo hinayaan nalang siya dahil siya lang naman ang may telepathy sa amin. Inirapan ko nalang siya, bwisit! Susunugin ko talaga pag-iisip niya kung lagi nalang siyang nagbabasa ng isip!
BAKLA KA LUHAN! ANG INGAY NIYO NI SEHUN KAGABI! MUKHANG BABAE!
Take that!
Umiling lang si Luhan at biglang namula!
BAKLA BAKLA BAKLA!
"Natha room yata thila." Sabat ni Sehun na bulol, gwapo nga, pero hanggang tingin lang ang pwede niyong gawin, bawal makipagkwentuhan sa kanya dahil di na seryosong pag-uusap ang kalalabasan kundi parang nag jojoke lang siya.
"At bakit mo naman alam?" tanong ni Chen sa kanya
"Malamang, thaan pala dadalhin ang mga babae kapag natitigathan thila?!" balik na tanong ni Sehun kaya napatango-tango nalang si Chen.
"Balita ko, girlfriend siya ni Kyungsoo."sabi ni Baekhyun at kaharap na naman niya ang cellphone niya, tsk. Girlfriend na naman niya ang inaatupag niya, wala ng panahon sa amin! Itapon ko phone niya e!
"Kailan pa nagkagirlfriend si Kyungsoo? Mukhang di naman niya pinapansin 'yung babae ah!" --Xiumin
"Girlfriend niya 'yun, 'yung babae kasi kilala siya at kilala rin 'yun ni Kyungsoo, mukhang di lang siya nagpahalata pero sila talaga." Deklara ni Baekhyun kaya nag react yung ibang babae.
"Bagay sila." Nakangiting sabi ni Luhan at nilingon nila si Kyungsoo na nagbabasa.
Sila ba talaga? Grabe ang landi naman ng babaeng 'yun! Nandito boyfriend niya tapos bigla siyang sumama kay Kai! Aba bwisit lang! Kailangan namin silang puntahan ngayon!
"Sigurado ka?" tanong ni Luhan
Kainis talaga itong tomboy na ito!
"Babe!" may biglang sumigaw kaya napatingin kami sa papalapit na babae.
"Hi bhe!" sigaw ni Baekhyun at bigla niyang niyakap ang kung sino mang babaeng 'yun!
"Ah, guys, si Ayan pala. Girlfriend ko." Pakilala ni Baek sa girlfriend niyang lagi niyang inaatupag!
"Hi Ayan!" bati ng lahat, tumango lang ako nang makita niya ako.
"Pucha ka Baek! Seryoso ka na ba diyan!?" tanong ni Chen
"Oo naman," sagot ni Baekhyun
"Nakailang gerlpren ka na, pero siya na ba talaga?" tanong naman ni Suho na kanina pa naka-upo sa sahig, anyare sa pandak na ito!? Natatae ba siya!?
"Oo nga sabi. Seryoso ako sa kanya." Bigla niyang inakbayan 'yung Ayan, ayun, alright...Namula naman si Ayan kaya napa-irap ako.
Ang OA naman nila na magshota!
Napatingin ako kay Luhan na kanina pa nakatingin sa akin.
BAKLA! BAKLA!
Nag mouth siya ng 'B-I-T-T-E-R' kaya inangilan ko lang siya. Bitter niya mukha niya! KUNG ALAM NIYA LANG NA MAY GF NA RIN SI SEHUN!
Tiningnan ko siya ulit, at nakasimangot na siya. Hah! Buti nga!
"Ay teka, si Kai!" sigaw ni Tao
Muntik na namin 'yung makalimutan!
"Alam niyo, bagay sina Kyungsoo at Mikaela." Change topic ni Xiumin.
"Oo nga, bagay na bagay na bagay nga, sa tingin mo Chanyeol?" nakangisi na naman si Luhan sa akin, kaya napatingin silang lahat sa akin, pati na rin si Ayan. Nagtataka na sila sa amin ni Luhan dahil kanina pa kami nag tutukan at nag-aaway.
Saan banda ang bagay 'dun!? Isang nerd at isang tanga!? Saan 'dun!? At tao naman kasi sila, hindi pala...mga hayop pala! Yung polka-dotted panty girl na yun! Aba! Landi niya talaga!
WALA NGA KASI AKONG PAKIALAM SA BABAENG 'YUN! AS IN WALA NGA! BAHALA SIYA 'DUN KAY KAI!
"Puntahan natin sila baka ano na ginawa ni Kai 'dun." Sabi ko kaya napanganga sila. O ano bang meron!?
"Nakalimutan niyo bang perverted charcoal ang isang 'yun!?" sabi ko pa kaya bigla silang tumawa at tumango.
YOU ARE READING
El Dorado Academy (Wattys2017)
Science FictionFIRST TERM AND SECOND TERM Makakapag-aral ka pa kaya kung ang mga kaklase mo ay may mga powers? Powers para asarin ka, Powers para i-bully ka, at Powers para protektahan ka. Magpapa-enroll ka pa ba? #Wattys2015 ...