엘도라도 10

1.5K 103 50
                                    

Hi Miss Xandria Kim (Principal) @byunslight HAHAHA



"Ngayon niyo na matatanggap ang mga allowance niyo."

Sabi nung mukhang Miss Minchin sa harapan ko. Naku po, siya na naman po. 'Yung biglang naging pusa last chapter! Nalaman kong siya pala si Xandria Kim last chapter! At siya pala principal namin na galit na galit sa akin last chapter! Nag talk back pa ako sa kanya last chapter kaya I'm Dead talaga noong last chapter! Ulit-ulit. Hihi, ang cute ko kasi last chapter at hanggang ngayong chapter at sa susunod pang mga chapter!

Narinig kong napapa "YES!" ang lahat. Teka bakit?? Ano pala ang Allowance? O___O? Regalo? Galing kay Santa, ang aga naman yata?

July pa kaya! Baka ganito talaga sa kanila, maagang nagpapasko.

Kaloka ha! Akala ko pa nga dati kapag may fireworks ay bagong taon na! Nagtalo kami noon ng lolo ko dahil biglang pumutok yung kaldero sa may kusina namin at mukang firework ito kaya sumigaw ako ng, "Happy New Year!"

Sinapak kaagad ako ng lolo ko dahil di pa daw New Year dahil sa December 31 pa daw 'yun. Nainis ako sa kanya kasi diba, 12 o'clock ng 31 ang New Year!?

O edi December 32! Tanga-tanga ng lolo ko! Saan ba ako nagmana!?

So ayun nga, nagtaka ako nag pout, syempre bagay sa aking cute na mukha ang magpout.

"Hoy! Sino kahalik mo diyan?" tanong ni Chen na katabi ko

"Hindi mo pala alam ang pout? Hina mo." Ang nasabi ko at hinampas siya nang mahina sa braso

"Pout? E, diba? Movie 'yan?" tanong niya sa akin

Tanga nito! Pout!? E napanguso 'yan! Shunga siya guys, paki remind sa akin na di ko 'to sasamahan sa susunod na chapter at baka mahawa ako sa katangahan nito!

"Anong movie?" inis kong tanong, sige tutal kaibigan ko siya na medyo bully siya, pakikisamahan ko siya, sa ngayon!

"Harry Pout-ter." Bulong niya at nagpipigil siya ng tawa. Di na ako tumawa at tiningnan ko lang siya na naghe-headbang at naghahampas ng desk. Hinayaan ko na rin ang pagkidlat sa may tenga at batok niya, sanay na ako na ganyan siya.

"Hoy, pikaChen! Tigil-tigilan mo nga ako at baka matawag pa ako ni Miss Kim." Bulong ko

"Miss Mikaela!" sigaw ni Miss Kim

"Tingnan mo!? Tinawag na ako!" inis na sabi ko kay Chen na pabulong lang.

"B-Bakit po Miss Kim?" tanong ko at tumayo na ako, naku! Hindi na talaga ako mag ta-talk back, at baka sure ball at deadu na ako. Mahal pa naman ang bisquit at kape ngayon! Lalo na 'yung mahjongin este mahjong.

"Alam mo ba kung anong rank ng star mo?" naka smirk siya at parang ang laki ng galit niya sa akin.

Ano bang problema nito, ninakaw ko ba ang buto ng isda na kinuha niya pa sa kapitbahay 'nung nag transform siyang pusa!? Hindi naman diba!?

At bakit ko naman aalamin kung ano ang rank ng star ko!? Mi hindi ko nga makita ang star sa katawan ko! Shunga din ito si Miss Kim! Lumalabas lang naman ang star kapag na knock out ka.

Alam kong kanina pa tawa nang tawa si Luhan, bwisit na mukhang tomboy 'yan! Laging nagbabasa ng isipan!

Parang who wants to be a zillionaire ang tanong niya kaya napaisip ako. Naalala ko pa 'nung nililigawan pa lamang kita~ aba, Buko! Ay lintik na, hindi ako nag sa-soundtrip ngayon!

El Dorado Academy (Wattys2017)Where stories live. Discover now