El Dorado Academy ; SC 003

645 42 54
                                    

K Y U N G S H O H (may SH kasi pabebe siya)


"Kyungsoo~"

Shit. Ayan na naman siya, hanggang kailan niya ba ako titigilan!?

"Kyungsoo~"

Hindi ko alam pero ang tono ng boses niya ay 'yung nakakabagot, 'yung nakakabwisit, 'yung nakaka -- nakaka -- teka, sinabi ko na bang nakakabwisit siya? Oo, tama! Nakakabwisit siya!

"Kyungsoo~"

"Ano ba Jongin?!" inis ko siyang hinarap pero parang mas nainis ako dahil hindi pala siya nakatingin sa akin, nakatingin siya sa phone. Nakatalikod siya at naka upo sa dulo ng kama namin -- 'wag kayong ano diyan, si Miss Pingaynism kasi, kinuha ang room ko, gagamitin niya raw 'yun para 'dun tumira ang bagong aso niya, tapos ako naman pinalipat sa room ni Kai, nakaka-inis diba?

Nagparequest na nga ako ng double deck e pero ngumisi lang si Miss Pingaynism saka umiling ang sabi niya pa, "Anong double deck? Hindi ko alam 'yan." napairap nalang ako sa kawalan saka lumabas ng office niya, mana talaga si Mikaela sa katangahan niya!

"Ha?" napatingin si Jongin sa akin, pi-nause na saglit ang pinapanuod saka niya ako tiningnan, nagtutupi kasi ako ng mga brief na bagong laba, nasa dulo rin ako ng kama at napailing nalang ako. Medyo nahiya naman ako kasi akala ko tinatawag niya ako. 

Boses niya kasi niya 'yung nasa phone, pero hindi ko alam kung bakit niya ako tinatawag ng ganun? 'Yung parang nang-aakit siya and I so hate it! Like duh~

"A-Ano ba 'yang pinapanuod mo?" nacurious naman ako bigla pero ngumisi lang siya saka umiling. Nagdududa na ako baka may ginawa na siya sa akin!

"Hoy, Kim Jongin! 'Wag mo akong simulan! Kainis ka, ang bestes me." (Hi nanay xiuminista, love na love ko ang twisted fate~ huhu! Naalala ko sila bigla)

"H-Ha?" medyo namula -- hindi nag violet siya dahil maitim siya!

"Akin na 'yan!" kukunin ko na sana pero nagteleport siya. Kainis! Saan na kaya 'yun?

"Hyung."

"Ay impaktong charcoal naman Jongin! Bakit ka ba sumusulpot!?" napasigaw ako at napahawak ako sa dibdib ko -- ay wait, parang may umbok na? Umepek na ba? -- Jusko, ano ba itong pinag-iisip ko, hindi naman ako tumira ng pills e! Pero sorry na, mas malaki pa pwet ko sa boobs ni Mikaela. Saan kaya siya 'nung namimigay ako ng dede!? 

"Hyung,"

"Huwag mo nga akong tawagin ng ganyan." umiwas ako ng tingin, hindi ko alam pero parang kinakabahan ako.

Napapakit ako, baka ready to kiss e, pero hindi naman pala. Nagkamali na naman ako. Bigla na lang kasi siyang nawala. I heave a deep sigh, bakit iba ang feeling ko, kay Mikaela lang naman itong puso ko pero bakit parang may kaagaw na? -- Sa bagay, ako 'yun kasi puso ko ito e, malamang!

"Kyungsoo." Dumilat ang mata ko dahil nasa harapan ko na siya, sa gulat ko ay natapon ko ang brief na hawak ko at napunta sa ulo niya, tumawa siya habang inaalis 'yun, saka inamoy -- hindi, tinapon niya pala sa kung saan-saan. Eng brip ke~ peburit ko yen kese mey foam yen pang dagdag ng pwet!

Hindi ko na alam ang nangyari at ito ako nakahubad na.

Hubad na hubad na ang medyas ko sa paa dahil sa sobrang likot ko, hindi kasi ako komportable ngayon e.

Bigla niya akong tinulak at napahiga ako sa kama. Nasa ibabaw siya at titig na titig siya sa mga mata ko.

"Hyung, hanggang kailan?"

"Eneng kalan? Hende pe eke neglelete."

"Kyungsoo naman e, hanggang kailan mo ba ako sasagutin?" teka, nanliligaw pala ito!?!?

Kumunot naman ang noo ko.

"Tapos na ang exam mo diba? Kaya ako naman ang sagutin mo." sabi niya pa at mas nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

"J-Jongin," umiwas ako dahil loyal rin naman ako kay Mikaela kahit na may kaagaw akong daga. Nasa science naman e na kinakain ng kwago ang daga, pero, ew~ kakainin ko si Chanyeol? No way~ at saang parte? Mas no way~ ayokong may ChanSoo. LaSoo kasi dapat e. (mikaeLA at kyungSOO)

"Hyung, kailan mo ba ako mamahalin?" seryosong tanong niya.

Kinabahan ako at napatingin ng di oras sa mga mata niya. Shit, ang brown pala ng mata niya, mana lang sa kanya. 

"Kung magpapalit na ng damit si Nathaniel." sabi ko at tinulak ko siya. Hindi naman siya makapagsalita, tumayo na ako at nakatingin lang siya sa akin.

Nathaniel, haha! Lagi naman 'yung naka yellow e! 'Yung anghel na sobrang cute? Lakas maka Pnoy.

"Bibilhan ko talaga si Nathaniel ng Wolf 88 para mapalitan na ang yellow na suot niya." seryosong sabi ni Jongin saka nagteleport.

Hayup na Jongin, gagawin ba namang KPOP ang anghel!?


--

Ang lame. HAHA lagi naman.

Na-miss ke keyeng lehet. HUHUHU. Part 2? Ipopost ko ang Prologue dito, hahaha! Hintay lang kayo. Okay lang ba na may bagong character? Ang Long-lost sister ni Mikaela. Yuhoo? Sino kaya? HAHAHAHA! Mag-aagawan ba sila kay Chanyeol? Ay ewan ko. HAHAHAHA!

Osige, ingat kayo lagi ah! Mahar na mahar ko kayo! Ingat kayo sa school at fighting sa mga stories niyo, kapag nagka time ako, babasahin ko ang mga 'yun. Pasensya kung inactive na ako masyado. Tao lang at magan-duh, sorrna hahaha! :P :D ^__^


El Dorado Academy (Wattys2017)Where stories live. Discover now