엘도라도 17

1.4K 82 58
                                    

(Ang special child na si Namjoon at si Sir Taehyung na kapatid niya. NASA MM)

"WAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" sigaw ko na naman

"Sige, sumigaw ka pa!"

"WAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!" sigaw ko ulit

"Aishhh! Bakit k aba sumisigaw?"

"SABI MO E, WAAAAAAAAAHHHHHHH-"

Agad niyang tinakpan ang bibig ko kaya di na ako nakasigaw pa! Sa ngalan ng mata ni Kyungsoo, hindi ko matatagalan ang tanong ito!

Kinabahan ako bigla kasi parang sa mga movies lang na napapanuod ko e! Makukulong ka kasama ang opposite sex, ano 'yun? Di bale, kasama mo ang isang lalaki, tapos magse-stay kayo ng isang gabi at pagkalabas, buntis ka na!

Umiling ako dahil baka 'yun nga ang mangyari sa akin! Napayakap ako sa sarili ko at medyo lumayo kay Chanyeol, medyo nag a-adjust na yung paningin ko at hindi naman masyadong madilim pero walang ilaw, hayaan niyo na ako, di ko rin naiintindihan ang pagdedescribe ko.

"O bakit ka lumayo?" tanong niya, at mabalis lang akong umiling.

Napaupo siya sa sahig at gumaya na rin ako, nakakapagod na kasi e. Nagulat ako nang may biglang umapoy sa kamay niya. Napaigtad pa ako at tiningnan niya lang ako.

"Madilim kasi." Biglang sabi niya.

Medyo lumiwanag ng kaonti ang room, at napansin kong parang abandonado na ito. Hindi ko alam kung anong klaseng silid ito pero parang lab siya e. Napalunok naman ako nang maalala ko ang abandonadong lab ng Jurrasic Park! Jusko! Baka may makita akong kalahi ni Chen dito! Ayoko pa namang makain ng buhay!

"Ano na naman ba 'yang iniisip mo at parang takot na takot ka?" tanong niya at tiningnan niya ako.

Pinahiran ko ang malagkit na pawis ko sa noo dahil ang wild ng imagination ko, naiimagine ko na kasi si Chanyeol na kinakagat ng dinosaur 'yung tenga niya, akala nila chicharon! HAHAHAHA! Nakakaaliw talaga! Napangisi nalang ako nang maalala ko 'yun.

"Ngumingiti pa, tanga nga." Komento nito saka niya ako inirapan. Lumapit ako ng kaonti sa kanya at sinapak ko siya.

"Aray!" sigaw niya dahil alam ko namang masakit nga 'yun, pero wala akong pakialam!

"Masakit?" tanong ko

"Ay hindi"

Sinapak ko siya ulit.

"Aray!" sigaw niya na naman

"Masakit?"

"Oo na!" pagsuko niya.

Tumahimik kami bigla at may apoy pa rin sa kanang kamay niya.

"Di ka naiinitan?" tanong ko sabay titig sa apoy.

"Tsk. Bakit naman? Ace ko ito kaya malamang hindi ako masasaktan." Sagot niya at inirapan na naman niya ako.

Binatukan ko siya kaya inis na inis niya akong tiningnan.

"Ano na naman?!" inis niyang tanong

"Last na lang at kukunin ko na 'yang mata mo!" gamit ang baba ni Kris. Di ko nalang sinabi kasi magkaibigan sila, baka isumbong pa niya ako at baka mabutas bigla itong katawan ko!

"Ewan ko sayo." Ang nasabi nalang niya at bumuntong hininga ito.

Hay naku! Ang init init na talaga dito sa loob! Sa ganda ng school na ito, nag-eexist rin pala ang room na ito! Parang impyerno talaga kasi demonyo itong kasama ko e! Mas gugustuhin ko pang makasama si Sehun dito, kahit bulol 'yun, hangin naman 'yung ace niya kaya pwede ng mapakinabangan!

El Dorado Academy (Wattys2017)Where stories live. Discover now