엘도라도 12

1.3K 98 19
                                    

Hi @twelvemonsters salamat sa suporta ng storyang ito! Love youuu :****

Guys, try niyo magtanong ng mga kakaibang tanong sa mga EXO Members sa "Wala Talagang Forever?" nasa profile ko po. Pumili lang po kayo kung sino sa mga members ang sasagot ng tanong niyo. Trip2x lang, wag seryosohin!



*pruuuutttt*

Napatingin sa akin si Lay at sumenyas ako na hindi ako 'yun. Naguguluhan 'yung mukha niya at tinuro niya sarili niya, tumango-tango ako at nag approve sign.

Nakakahiya naman kasi kapag umamin pa ako.

Dapat kasi tumawa na ako kanina pa e, ayan tuloy umutot pa ako!

Napahawak si Lay sa pwet niya pero umiling siya nang amuyin niya ang kamay niya, sumenyas siya na hindi naman siya 'yung umutot.

"Putik! Ang baho!" sigaw ni Chanyeol

Napalunok ako ng limang beses, nasa may malaking halaman na nasa corner kasi kami nagtago ni Lay, at alam kong hindi nila kami makikita kasi di ko alam, pero lumaki bigla ang halamang ito nang hawakan ni Lay ang stem nito at pumikit ito, pero medyo nag gimme-gimme muna siya at 'yung mata niya ay puti lang yung nakikita. Di ko alam kung ano trip niya pero pagkatapos 'nun ay lumaki agad 'yung tanim at natabunan na kami.

Inangilan ko si Lay at sumenyas ako na siya 'yung umutot. Kumunot ang noo niya at inamoy ulit 'yung kamay niya, hindi nga raw kasi, kasi umiling na naman siya at tinuro-turo ako dahil ako talaga 'yun!

Lumiwanag bigla at kinabig pala ni Chanyeol ang halaman at natumba ang vase na ito, agad na lumiwanag dahil nawala na ang halaman sa harapan namin.

Tumayo si Lay at sumaludo, "Siya ang umutot!" deklara niya sabay turo sa akin.

Magrereklamo pa sana ako pero biglang tumingin si Chanyeol sa akin.

Napayuko naman ako dahil di ko talaga ma-imagine 'yung mukha niya kanina dahil sumayawa siya.

Isang Park Chanyeol!? Sasayaw ng ganun!? HAHAHAHAHA

"HAHAHAHAHA! Kainis, tumawa na nga ako!" napasigaw ako at nag lean ako sa balikat ni Chanyeol dahil tawang-tawa na ako

"HAHAHAHAHAHA!" tumawa rin si Lay

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA" dagdag ni Kris dahil tumawa na rin ito

Kinabig ni Chanyeol ang kamay ko kaya medyo napasubsob ako sa dibdib niya dahil na out of balance ako.

Umatras naman siya kaya napaayos ako ng tayo.

"Kanina pa kayo dito?!" sinigawan ako ni Chanyeol

"Uyy! Chanyeol ikaw pala!" tawag ni Lay sa kanya at niyakap niya ito nang mahigpit

"Kailan lang balik mo? Diba galing ka Japan, doon 2nd floor?" tanong pa ni Lay at ginulo niya ang buhok ni Chanyeol.

"Last year pa 'yun Lay." Inis na sagot ni Chanyeol at umirap ito.

Tumango naman si Lay.

Ano ba kasing problema ng Lay na ito!?

"Hoy ikaw!" turo ni Chanyeol sa akin

Tinuro ko sarili ko, "Ako?"

"Hindi si Lay!" sarkastiko nitong sabi at tinuro si Lay

"O bakit Chanyeol? Musta galing Japan, doon 2nd floor?" tanong ni Lay at niyakap na naman si Chanyeol

El Dorado Academy (Wattys2017)Where stories live. Discover now