Hi @sunlight- *kaway-kaway* Labyu saeng, XD
M I K A E L A
Hindi siya nagsalita kaya kumalas na ako saka umalis, hindi ko alam! Hindi ko na talaga naiinitindihan ang bestfriend ko! Pumunta nalang ako ng classroom at nakita kong dismayado ang mga lalaki kong kaklase.
Nakita kong maraming lalaking nakapalibot kay Luhan at makikita mo sa mukha niya na naiinis ito. Mga manliligaw niya kaya ang mga ito?
"Luhan naman e!" sigaw ng isa
"Bakit umalis bigla ang ate mo? Diba mag qui-quiz pa tayo?!"
"Oo nga!"
"Sayang, ang ganda pa naman niya na maging sub-teacher!"
"Aish! Tigil-tigilan niyo na nga ang ate ko!" sigaw ni Luhan kaya bumalik naman sila sa mga kani-kanilang mga upuan.
Anong quiz? At anong ate? Hala! Hindi pala ako nakasali sa lesson kanina, may kumuha nga kasi sa amin ni Chanyeol na mga zombadings, ayy-ayoko ng bumalik sa ganun, nakakainis kasi si Chanyeol e! Sarap putulan ng tenga tapos ipi-prito para gawing chicharon!
"Baekhyun! Notice me senpai!" sigaw ng isang babae na kanina pa niyuyugyog si Baekhyun.
Sino kaya itong babaeng ito? Tiningnan ko ang babae at halos matanggal ang panga ko dahil kamukhang-kamukha ni si Chanyeol! Hala? Female version!? Malaki rin kaya ang tenga nito?
Nakita ako ni Baekhyun kaya mabilis niya akong inakbayan!
"Whutt!?" ang swaeggg ah?
"Si Mikaela pala, kaibigan ko!" pagpapakilala ni Baekhyun sa akin kaya sumimangot ang mukha ni Chanyeol-na-babae-na-hindi-malaki-ang-tenga!
Tiningnan ako ni Chanyeol-na-babae-na-hindi-malaki-ang-tenga mula ulo hanggang paa, boset, bakit magkahawig sila ni Chanyeol!? At kung kumilos rin kasi ay siyang-siya talaga! Di kaya si Chanyeol 'to tapos nag wig lang?
"Ano naman ngayon?" tanong ni Chanyeol-na-babae-na-hindi-malaki-ang-tenga tapos inirapan niya ako.
Bumuntong-hininga si Baekhyun saka niya ako tiningnan, ngumiti rin siya sa akin.
"Sino siya?" bulong ko, since nakatalikod si Chanyeol-na-babae-na-hindi-malaki-ang-tenga ay tinuro ko siya.
"Oppa!" sigaw ni Chanyeol-na-babae-na-hindi-malaki-ang-tenga tapos nilapitan ang papasok na Chanyeol-the-original-flavor-flavor? Tsk!
"Kapatid ni Chanyeol, si Alexis Park." Sagot ni Baek habang nakatingin sa magkapatid.
Napatingin naman ang lahat sa eksena.
"Oppa! Saan si Yura unnie? Bakit ikaw lang ang nandito?" tanong ni Alexis saka niya niyakap si Chanyeol. Nagulat pa nga ako kasi di niya tinaboy si Alexis-hindi naman sa ganun pero ngayon ko lang nakita si Chanyeol na hindi nagsusungit sa isang babae, akala ko kasi masamang tao siya at walang pakealam sa mundo.
"Nasa kabilang building, since matanda na 'yun." Sagot ni Chanyeol
"Ganyan talaga si Chanyeol sa kapatid niya, mabait na siya sa state na 'yan." Sabi sa amin ni Luhan.
"Akala ko masama si Chanyeol." Komento habang nakatingin pa rin sa magkapatid. Nasa kili-kili line lang yata si Alexis kay Chanyeol, wala ba siyang naamoy?
"Anong masama!? Hindi siya masama okay? Sadyang cold lang ang panlabas niya pero HINDI siya masama!" sabi ni Baekhyun at hinawakan ang magkabilang braso ko saka niya ako niyugyog.
YOU ARE READING
El Dorado Academy (Wattys2017)
Science FictionFIRST TERM AND SECOND TERM Makakapag-aral ka pa kaya kung ang mga kaklase mo ay may mga powers? Powers para asarin ka, Powers para i-bully ka, at Powers para protektahan ka. Magpapa-enroll ka pa ba? #Wattys2015 ...