Aba 'tong tengang 'to, parang nireregla yata! Kinuha ko ang sapatos kong medyo manipis na dahil sa kakalakad at tinapon ko ito sa kanya!
Ayun! Headshot! Bumilog naman ang mata ko dahil sa gulat dahil nagbreak na.
Nagbreak na yung sapatos ko at 'yung swelas niya! Humiwalay bigla! M-My sapatos! Why? Waeyo? Wae? Wae honja saranghago honjaseoman ibyeolhae! I need u girl!
Aba boset? Lakas maka BTS?
Nagulat naman ako nang lumapit si Chanyeol sa akin. Bitbit niya 'yung sapatos kong pwede na i-cremate! Sa dinami-raming oras na ginamit ko ang sapatos ko, ngayon pa ito nasira!
Inabot ni Chanyeol sa akin ang sapatos ko at sinapak ko siya.
"O bakit na naman?!"
"Kasalanan mo 'to! Bakit kasi ang tigas ng ulo mo?! Ayan tuloy!" sinigawan ko siya at niyakap ko ang sapatos ko, nag-iisa na lang ito, binili pa ni Lolo ito sa ukay-ukay kasi bagsak presyo, t-tapos? Masisira lang?
"Kapal ng mukha mo no? Nahiya naman ako." Sarkastiko nitong sabi kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Tiningnan ko lang ang sapatos ko, hindi na talaga siya magagamit! Kainis lang talaga!
Hinila niya ako bigla at dire-diretso lang siyang naglakad, hindi ko alam kung saan kami pupunta, baka ililibing lang naming itong sapatos ko kasi deads na. Buti naman at may mabuti siyang kalooban.
Nagulat nalang ako nang huminto kami sa isang hallway na light pink ang pintura, at tiles na granite na pink rin. Anong klaseng lugar ito?
Naglakad na ulit siya at nadala naman ako kasi hinihila niya pa rin ako, medyo mahigpit 'yung pagkakahawak niya at parang hihiwalay na ang kamay ko sa katawan ko.
Malakas niyang kinatok ang sa pinakadulo ng hallway, mukhang room ito. Napalingon-lingon ako at may nakikita akong mga babaeng pumapasok at lumamabas ng pintuan. Di kaya?
Doll house ito?
"Teka lang!" sigaw ng babae sa loob ng room.
Pagbukas nito ay nakakita lang naman ako ng isang Chanyeol na mahaba ang buhok. Aba? Matindi? B-Bakit niya kamukha ang isang 'to?
"Chanyeol, bakit ka nandito? Girlfriend mo?" tinuro niya ako at umiling ako nang mabilis.
"Asa siya." Sagot naman ni Chanyeol.
"Nagmamadali kami, bigyan mo nga ito ng sapatos." Diretsahang sabi ni Chanyeol at tumango lang 'yung babae. B-Bakit ang sungit-sungit niya? Hindi pa ba ako nasasanay?
Kinulbit ko siya at masama 'yung tingin niya sa akin, nagtataka na talaga ako dahil bakit ganyan siya makatingin sa akin? Kasalanan ko na naman ba? Ano na naman ba ang nagawa ko sa kanya?
"Saleslady siya?" tanong ko at inirapan niya lang ako.
"Ito na~ Sure naman ako na same size lang kami." Sabi nung babae at inabutan niya si Chanyeol ng notebook?
"Notebook ang gagawin kong sapatos?" mahinang sabi ko at tiningnan ang notebook na nasa kamay na ni Chanyeol.
"Ah hindi~ gagawin ko pa ang shoes." Sagot naman nung babae. Tumango lang ako pero di ko pa rin gets?
Ano daw?
"Ako nga pala si Park Yura!" pagpapakilala niya sa akin at nakipagshake hands siya sa akin.
"Mikaela Sakura pala." Bati ko naman.
"Ate niya pala ako." Sabi niya at napa weh-mukha-mo-look lang ako. Ngumiti lang siya at tumango-tango lang siya.
YOU ARE READING
El Dorado Academy (Wattys2017)
Ciencia FicciónFIRST TERM AND SECOND TERM Makakapag-aral ka pa kaya kung ang mga kaklase mo ay may mga powers? Powers para asarin ka, Powers para i-bully ka, at Powers para protektahan ka. Magpapa-enroll ka pa ba? #Wattys2015 ...