Park Chanyeol?
Nakatayo pa rin siya sa pader at nabigla nalang ako na yung sir na kausap ko kanina ay may bean seed at
WHAAAATTTTAAA?! Tops!?
Biglang tumubo ito at hinampas kay Chanyeol. H-Hala!?
Natumba si Chanyeol at biglang nahulog, nilapitan namin siya kaagad,
"O-okay ka lang?" tanong ko sa kanya at nakita ko ang mukha niya kasi tumilapon yung maskara niya.
"Sinamaan niya lang ako ng tingin." waaah! Nasabi ko pa talaga!
Lumapit yung teacher at nagulat ako na may lumabas na apoy sa kamay ni Chanyeol pero inapakan kaagad ito ng teacher.
"Di basta-bastang makakatakas ang mga estudyante dito." lumuhod yung teacher at lumapit sa mukha ni Chanyeol
"You, p-perverted t-teacher." nahihirapang sambit ni Chanyeol, at may binulong si Sir-di ko alam ang pangalan niya-lol.
Nawalan ng malay si Chanyeol pagkatapos nun. T-Teka? A-Anong nangyari!?
"Guard, pakitawag ng mga medics, at ipasok si Chanyeol sa faculty room." utos niya sa guard na nang-away sa akin.
"Halika na Mikaela, pumasok na tayo, pasensya ka na sa commotion ha?" nginitian niya ako at napatango nalang ako.
Napatanga ako at di ko ma digest ang mga pangyayari.
"Halika ka na."
hinawakan niya ang kamay ko
"Ah, ano po yung pangalan niyo?"
"Ako si Sir Hali Mao."
Hali-maw?
"Sir Hali na lang itawag mo sa akin." pi-nat niya ang ulo ko at sumakay na kami ng kotse, kasama si Chanyeol at yung mga medics.
Nginitian ako ni Sir Hali at mas nagtaka ako,
A-Anong klaseng paaralan ito?!
***
"Umupo ka lang kung saan ang gusto mo." sabi ni Sir Hali, b-ba't ang gwapo niya talaga!?
"O-Okay po."
"Tingnan mo, ang bait niyang matulog diba?" parehas pala kaming nakatingin ni Sir sa natutulog na si Chanyeol.
"Oo nga po." ang nasabi ko nalang, e yung totoo, hindi ko pa naman siya kilala, kilala ko lang siya sa mukha at pangalan niya.
"Maiwan muna kita dito ha? Irereport ko sa mga higher-ups ang pagpasok mo dito sa school."
"Waaah! Ipapakulong niyo po ako?!"
YOU ARE READING
El Dorado Academy (Wattys2017)
Science-FictionFIRST TERM AND SECOND TERM Makakapag-aral ka pa kaya kung ang mga kaklase mo ay may mga powers? Powers para asarin ka, Powers para i-bully ka, at Powers para protektahan ka. Magpapa-enroll ka pa ba? #Wattys2015 ...