Hi xiuminista :*
BAGO ANG LAHAT. DEDICATED PALA ITO KAY UNNIE-BELLS KO, ANG IDOL KO. CHAROT! UNEXPECTED TALAGA ANG MGA MANGYAYARI SA BOYXBOY EXO FANFICS NIYA, HUEHUE, NAKAKAEXCITE TOLOGO SIYA UNNIE! PINASAYA MO KAMING LAHAT SA HUNHAN MO, NGAYON NAMAN ANG KAISOO! YEHET! NAKAKA-INSPIRE KA UNNIE! I LOVE YOU TOLOGO!
--WALANG TITI-BAG UNNIE AT SUSU-PORTAHAN KO TALAGA ANG MGA PAPARATING MO PANG STORIES! I SARANG YOU UNNIE-CHAN. PAKASAL NA KAYO NI SHOMEN!
M I K A E L A
Masakit na masakit na halos mabiyak ang ulo ko pagkagising ko! Ito na ba 'yung tinatawag nilang hangover? Pero hindi naman ako naka hang? So hindi ito hangover?
Nandito lang ako sa, teka---napalingon ako sa paligid at parang, parang...Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko ang isang malaking pinto na made of gold. Teka? Dito ako nakatulog sa labas?!
Utang na loob? Sino ang naghatid sa akin dito kagabi? Di kaya, naglakad lang ako mag-isa dito?
Mas sumakit lang ang ulo ko habang inaalala ko ang mga nangyari kahapon. Wala naman akong matandaan bukod 'dun sa English na speech ni Chanyeol, parang tatakbo ng president, pa english-english pa kasi? E hindi ko naman naintindihan!
"I love you Chanyeol, sa ngalan ng tenga mo."
SINABI KO BA 'YUN!? O SINABI NI BAEKHYUN? De joke.
Pero parang, teka nga! Inaalala ko pa!
"I love you Chanyeol, sa ngalan ng tenga mo."
"I love you too Sakura, sa ngalan ng katangahan mo."
Tumawa ako bigla! HAHAHA!
"Talaga!? Kiss mo nga ako!" nakangisi kong sabi kaya nilingon niya ako at mabilis niya akong binaba kaya nauntog ang pwet ko sa sahig.
"Kapag ito na flat, lagot ka sa 'kin!" sigaw ko sabay himas sa pwetan ko, bakit ang sakit 'nun? Sabagay, matangkad siya. Kaya dahil na rin sa inertia na may gravity tapos to the power of ekis plus 'y'. Ay wet lang ha? Wet lang muna! Sasabog na yata ang utak ko sa dami kong pinag-aralan!Ayokong matulad sa isang kwagong nerd version 2.0, masyado ng marami ang species ng mga kwago, ayokong dumagdag, sabi naman sa Animal Planet, hindi pa naman endangered ang owl? Teka lang ulit! Ang talino ko na tuloy, mainggit kayo bilis!
Sinamaan ko siya ng tingin pero umiwas lang siya at biglang namula ang pisngi niya. Nakainom rin yata 'to!
"W-Wala kang narinig!" sigaw niya at hindi niya akot iningnan.
Gumapang ako at nilapitan ang paa niya, tumingala ako saka ngumisi. "May tenga ako~" sabi ko at niyakap ang binti niya.
"W-Wag nga! Ang w-weird mo!" sigaw niya tapos umatras siya, pero niyakap ko siya nang mahigpit para hindi ako makawala. Sinandal ko pa nga ang ulo ko at ngumiti, nang umatras na siya ay nadala lang ako kaya ako tumawa at tiningnan ulit siya.
"Ano nga ulit 'yun? Bebe ears~ sabihin mo na, kung anong gusto mo~" kinanta ko pa nga ang sinabi ko.
"Ang sabi ko, tanga ka!"
Umiling ako at tumawa. "Hindi e, iba 'yun e. Sige ka kapag hindi tama ang sagot mo huhubarin ko itong pants mo!" banta ko saka ngumisi na parang mangre-rape.
EVERYBODY SAY NO! 'YUN ANG SINABI KO KAGABI!? Kanina ko pa sinasampal ang mukha ko at inuuntog ko ang noo ko sa sahig, nang biglang bumukas ang pintuan sa kabila ay natigilan ako. Saka dahan-dahang umangat.
YOU ARE READING
El Dorado Academy (Wattys2017)
Science FictionFIRST TERM AND SECOND TERM Makakapag-aral ka pa kaya kung ang mga kaklase mo ay may mga powers? Powers para asarin ka, Powers para i-bully ka, at Powers para protektahan ka. Magpapa-enroll ka pa ba? #Wattys2015 ...