Hi @ChanyeollieXOXO :))))))
(Si Miss Kim pala nasa MM, HAHAHAHA, BigBang 'yan)
Napalunok na ako, hindi ko na alam kung ilang laway na ang nalunok ko because counting is not my style. Hihi
Lumingon ako kay Suho at nasa terrace siya kausap si Miss Kim-este-mama niya pala. Sigurado akong galit na galit sa akin si Suho at baka bibilhin niya bahay ng lolo ko para wala na kaming matitirhan!
Saan na kami pupulutin nito? Dito ko nalang siguro patitirahin lolo ko, sana may ace din siya. :(
Hindi ko na kinaya dahil sa sobrang kaba ko, hindi ko pa gaanong kilala si Suho, retsked daw kasi siya at baka gangshhhter ang tatay niya.
Gangster ang Daddy niya? Whaaaat!? Gangshter.
Ewan ko ba kakapanuod ko lang ng KathNiel e, sorry naman, hindi ako gaanong fan ng loveteam nila. Ay sorry naman. 'Wag kayo magalit sa akin! Promise, isasakripisyo ko ang EXO para sa inyo, ibibigay ko sila sa inyo 'wag lang kayong magalit sa akin. Sino ba kasi bias niyo at ipapadala ko na siya sa mga tahanan niyo, may damit ba o wala? Hihi.
Ok, proceed na ako.
Napatayo ako kaya nagtaka sila.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Lay sa akin.
"Sa attic." Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at lumabas na ako.
"Kalamanshet." Ang nasabi ko nalang at bumalik na naman ako sa loob.
"Saan ba ang patungong attic dito??" ngumisi lang itong si Sehun at tumayo na sina Xiumin at Kai. Napansin ito ni Kyungsoo kaya tumayo na rin siya. Hindi pala, tumayo na pala silang lahat.
"Suho!" tawag ni Luhan
"Wait lang ma...O bakit Luhan?" tanong ni Suho
Napalingon si Suho sa akin kaya agad akong napayuko, tutal matangkad naman sila, matatabunan lang nila ako.
"Una na kami." Ang sabi ni Luhan at lumabas na nga kami.
"Malayo pa ba?" tanong ko habang nanginginig ang mga kamay ko.
"Kalalabas pa nga lang natin ng room e." sabi naman ni Tao. Ay oo nga naman. Sorry ha? Matulog ka nga muna. Tsk.
"Saan ba kasi ang attic?" tanong ko dahil kanina pa kami lakad nang lakad.
"Sa taas." Simpleng sagot ni Lay
"Alam ko oy." Singit ko naman.
Bumaba na kami at nakasalubong ko si Chanyeol. "Yo, Chanyeol, aalis na kami." Pagpapaalam ni Chen.
"Ano naman ngayon?" tanong nito, kaya napailing nalang si Chen.
Umakyat na nga siya.
"Di naman ganun si Chanyeol dati." Komento ni Baekhyun.
"Huh?" tanong ko
"Masungit siya, oo. Pero di naman ganun." Sabat naman ni Xiumin
"Baka meron?" tanong ni Lay kaya tumawa si Tao
"Shunga talaga 'to." Sabi nalang ni Tao at inakbayan si Lay.
Nang makaapak na kami sa 3rd floor ay 'dun ko pa nakita na may elevator.
"Aba boset ha." Ang nasabi ko kaya napalingon sila sa akin.
"May elevator naman pala!" naiinis kong sabi, pero ngumisi lang sila.
"Hanggang dito lang 'yan. Wala ng elevator sa 4th floor." Sabi ni Kai
"Oh, kayo na bahala kay MikMik!" sabi bigla nina Xiumin.
YOU ARE READING
El Dorado Academy (Wattys2017)
Ciencia FicciónFIRST TERM AND SECOND TERM Makakapag-aral ka pa kaya kung ang mga kaklase mo ay may mga powers? Powers para asarin ka, Powers para i-bully ka, at Powers para protektahan ka. Magpapa-enroll ka pa ba? #Wattys2015 ...