Thank you very much @berryeol for the cover ^___^
Mikaela
Napahinga naman ako nang maluwag dahil nawala nalang bigla yung shadow, katakot siya grabe! Kailangan ko na palang magpadala ng mga tropang potchi este tropang SAFF dito para ma protektahan nila ako sa mga masasamang aura! Lalo pa't di ko naaninagan yung lalaking nagdala sa akin kanina! Kailangan ko pa yata ng betamax o kaya flashlight.
Napatingin naman ako sa paligid, kwarto nga itong napasukan ko. Napaupo naman ako sa kama at laking gulat ko pa, "Hala! Kumunoyyy!" napasigaw pa ako at biglang umalis ang pwet ko sa kamang 'yun, lintik na, bakit ang lambot!?
Parang nasukat ko na sa mata at tantsang-tantsa ko na malaki ito, kung alam lang nila, kasing laki ito ng Municipal Hall namin, tapos dito kwarto lang! Putik lang talaga!
"Hi."
"Ay Nesfuutahh real na real!" napasigaw na naman ako dahil malamang sa nagulat ako!
Siya na naman! Nakalimutan ko ang pangalan ng lalaking 'to, ewan ko ba at bakit? At bakit pasulpot-sulpot nga siya? Kaluluwa? Ah tama ganito nga kasi ang mga anino.
Napamaang nalang ako nang lumiwanag bigla yung mukha at katawan niya,
"Taray naka gluta." daebak! Anyarii!?
Lumapit siya sa akin at napaatras naman ako bigla, nagsmirk siya, naku naku naku! Alam na diss! Ito kasi yung mga nababasa ko sa wattpad! Naku, naku, naku! Aatras ako tapos ma co-corner ako tapos nakahawak na siya sa wrist ko tapos lalapit pa siya ng kaunti para halikan ako, tapos, naku, naku, naku! Alam ko na talaga kung ano ang mangayayari!
Kaya agad akong humiga sa kama.
BAKIIITTTT SA KAMAAAAAA?! Langyang pag-iisip! Dapat pala sa C.R. muna! Aba!
Tumawa pa siya at nilapitan niya ako, hindi pala humiga rin siya! Tiningnan niya ako (ayon sa peripheral vision ko!) aray! Lumuwag yata ang turnilyo ng utak ko bhe! Bakit ako naka ingles!?
Nakatutok lang ako sa kisame, aba! Walang mga to-to (Visayan word ng Lizard LOL)
"Ready ka na pala." ngumisi siya kaya, napalunok ako ng bato,
"DARNAAAAAA!"
Pero syempre imagination ko lang 'yun! Loka! Ang ganda ng lola niyo dre!
"R-Ready s-saan?" nauutal ko pang tanong
"Dito." ti-nap niya ang kama
Hindi pa ako nakapagsalita at bigla nalang siyang pumaibabaw sa akin. Double Kill na ang virginity ko! Walanjo! Impaktong negro!
"Sisimulan ko na ha?" sabi niya pa kaya waaah! Hate ko na ang buong pagkatao ko kasi napapikit ako! Iaalay ko nalang siguro, tutal di na ako virgin kani-kanina lang, edi ipapaubaya ko nalang! Sa ngalan ng panty!
"Ready?" tanong niya
Hindi na ako nagsalita at napakagad labi pa ako.
Naramadaman kong tumawa siya nang mahina at huminga nang malalim, unti-unti....wag naman po....
"Ang..."
"Ang El Dorado Academy ay may iba't-ibang Ace o kaya powers." pagsisimula niya
Napadilat naman ako ng di oras. Nginitian niya ako at nagsalita na siya ulit, pero ganun pa rin ang position namin. Ang awkward naman ng position namin! Parang mag-asawang bubuo ng bata!
"May Latent type, Somatic Type, Technical Type, Special Ability, at Dangerous Ability, hindi ko na ieexplain pa sa iyo ang mga meaning nila, di kasi ako pumapasok ng klase e, kinuha ko lang 'yan sa google. Search mo 'Gakuen Alice, fanfic lang tayo bhe tapos EXO Version, kaya nga nagtataka ako kung bakit ka nandito. Si Sir Ash nalang mag elaborate ng ganun."
Hindi ako nakapagsalita kasi mas lumapit ang mukha niya sa tenga ko,
"Anong type ka? Kasi ako, type kita." he said in a husky voice
Panshet na may kalamanshet! Busheeeetttt!
Biglang bumukas ang pintuan kaya sabay kaming napalingon, marami sila, yung mga reaksyon nila ay iba-iba, may nagulat, may mas nag push ng pagiging kwago ang mata, may natatawa, may natatae.
"Hoy! Ano naman ba? Kay aga-aga yadong inaatupag mo!" sigaw ni sino nga ito? Waaaah! Kyungsoo!
Agad kong tinulak si -- mamaya na hindi ko pa siya kilala nakalimutan ko name niya -- at tumakbo ako papalapit kay Kyungsoo.
"KYUNGSOOOO!" biglang tumugtog ang Open Arms!
"So now I come to you, with Open Armssss~" live yata ang kumanta, nakita kong kumakanta sina Baekhyun na may kaakbay na babae at Chen na parang pikachu kasi kumikidlat habang siya ay bumibirit.
Biglang nawala ng music background dahil sinilaban ni Chanyeol ang cellphone ng kung sino man ang may-ari. "Lakas maka Air Supply." komento niya at inirapan ang dalawa.
Di naman air supply ang kumanta 'nun? Journey ba? Search ko nalang din sa google mamaya.
Hindi ko nalang din tinuloy ang pagyakap kay Kyungsoo dahil bigla niya akong tinalikuran.
"Aba, Kyung. Pansinin mo naman syota mo." reklamo ni Baekhyun
"Sila nga ba?" tanong ni -- aish! Bakit ba siya umeeksena e alam naman niyang di ko alam pangalan niya kasi nakalimutan ko!
"Kai name niya." sagot ni Luhan
Napatango nalang ako dahil nagugulat pa rin ako kung bakit sumasabat si Luhan, telepathy nga kasi!
Okay...Tanong ni Kai
Teka? Bakit napagkamalan nilang kami ni Kyungsoo? Sabi na nga ba e, bagay kami! LUUUL.
Napansin kong may binulong si Luhan kay Chanyeol since magkatabi lang naman sila.
"Bagay mo mukha mo." inis na sambit ni Chanyeol
Nakiki telepathy rin si Channyuuul!? Ebe!? De begey!?
"Teka, bakit kayo nandito?" tanong ko sa kanila
(Sa mga pag-iisip ng lahat except kay Mika: 'Edi sinagip siya, baka re-rape-pin siya ni Kai)
"Ewan ko sayo! Napadaan lang kami! Diyan ka na nga!" sinigawan ako ni Chanyeol at bigla nalang silang umalis pati na rin si Kai.
Nice to meet you Kai. XD
YOU ARE READING
El Dorado Academy (Wattys2017)
Science FictionFIRST TERM AND SECOND TERM Makakapag-aral ka pa kaya kung ang mga kaklase mo ay may mga powers? Powers para asarin ka, Powers para i-bully ka, at Powers para protektahan ka. Magpapa-enroll ka pa ba? #Wattys2015 ...