Dahil 1K Votes na ito at 1K comments, ito na ang NOT SO SPECIAL CHAPTER sana magustuhan niyo. XD
"When Kyungsoo found the El Dorado" -ay wait, hahahahahahaha! Natatawa ako. LOL. Sige na ito na.
K Y U N G S O O
Sumakay na ako ng limo-n Ice Tea ay? Limo lang pala.
Naalala ko ang pag-iyak ni Mikaela, 'yung babaeng 'yun! Tsk! Iyak nang iyak, paano ako makakapag-aral nito na siya nalang lagi ang inaalala ko?
Nakarating na kami sa gate at nakita kong gorilla ang statue sa labas, naalala ko si Mikaela na sumasayaw ng 'eureoreong, eureoreong, eureoreong dae' alien language 'yun e kasi alien siya.
Agad kong binaba ang bintana saka ko kinuhaan ng picture.
Nakaabot kami sa isang malaking building at maraming estudyanteng nakatambay sa labas.
Bumaba na ako at di na ako mag eexpect na hindi nila ako papansinin, iba ang school na ito. Alam ko ang school na ito ay may mga special abilities, di naman ako tanga no? At may ace rin ako, nalaman ko ito 'nung 1 year old pa ako, tungkol ito sa strength/gravity pero wala pa akong alam at hindi ko na aalamin ang pangalan ng ace ko dahil dudugo ang ilong niyo. Dejoke. Peace yoww.
"We cheer to win! So now let's begin! We cheer to say, the cats wants to play, go meowies!"
napalingon ako sa tili ng parang dagang prinito tapos naputol ang buntot. Kumunot ang noo ko dahil dalawa lang pala sila tapos mga lalaki pa talaga, pero tili sila nang tili tapos nagtatawanan.
Di ko maiwasan pero lumapit ako sa kanila, gusto kong makipagkaibigan dito, para naman medyo minimal na lang ang pag-aalala ko kay Mikaela kulet. Para hindi ako maging nerd o loner dito, ayoko 'nun.
"New pet oh." Turo sa akin ng teka lalaki ba ito? Parang babae na flat?
"Ako?" turo ko sa sarili ko.
"Penguin ka kasi." Tumawa 'yung isa na halos mawalan na ng mata dahil sa eyeliner.
Tumawa sila ng pa-Maleficent ang style, mga bruha pala ito.
"No gurl, he's kwago! Kokorooo, kokorooo!" sagot naman ng isa saka niya ginaya ang tunog ng isang owl.
"K.die." tipid kong sabi saka nag walkout.
"O-Oy, wait lang!" tinawag nila ako pero di ko na sila nilingon.
Kinabukasan, pumasok na ako sa Class B, galing ako sa Faculty Room at kinausap ako ng mga teachers pati na si Miss Kim. Hindi na ako nag entrance exam kasi matagal na akong nakapag take dito.
Simula pa 'nung Grade 1 ako ay nagtake na ako at sinuri nila kung may ace ba talaga ako, they even talked to my parents na mag leave ng school at pumasok sa bagong school na malayo sa lugar namin, 'yun bang probinsya gud. xx
No choice ako kaya 'dun na ako nag-aral at nameet ko si Mikaela Sakura ang tangang babae na nakakasuka dahil sa kagagahan. Harsh e no? Ayoko talagang mapalapit sa kanya, pero di nagtagal naging ka close ko na siya simula 'nung kumanta kaming dalawa sa isang amateur singing contest, ang balak ko dati ay ipahiya siya dahil akala ko panget ang boses niya pero akala ko lang pala. LOL. Nakaka...nakaka...okay fine, maganda na ang boses niya.k.
Pagkapasok ko ng classroom ay di na ako nabigla na maraming gumagamit ng ace, katulad nalang ng pagkanta tapos nabasag ang lahat ng salamin, panghuhula, nagtatransform at naging dinosaur, may isang bumubuga pa ng apoy tapos umiyak 'yung nasunugan ng buhok, ewan ko.
Nakita kong may bakanteng upuan sa harapan kaya 'dun na ako umupo. Ilang sandali pa ay may tumabi na sa kanan at kaliwa ko. Napairap ako dahil sila na naman.
YOU ARE READING
El Dorado Academy (Wattys2017)
Bilim KurguFIRST TERM AND SECOND TERM Makakapag-aral ka pa kaya kung ang mga kaklase mo ay may mga powers? Powers para asarin ka, Powers para i-bully ka, at Powers para protektahan ka. Magpapa-enroll ka pa ba? #Wattys2015 ...