엘도라도 23

1.1K 77 39
                                    

"Hahahahahahahaha!" kanina pa sila tawa nang tawa dito at hinahagis nila ang mga CD/DVD na nandun sa shelf ni Suho.

Nandito pala kami ngayon sa kwarto ni Suho, dahil mayaman siya at special star, ay may entertainment room ang sa kanya, may wifi din pero naka lock at siya lang ang nakakagamit 'nun, madamot siya pero pandak naman.

"Ano ba itong thi Thuho hyung, walang rated ang mga palabath." Reklamo ni Sehun sabay hagis ng mga CD at natamaan naman itong si Lay na nakanganga at kaharap ang TV na sobrang laki!

"Thorry Lay hyung!" lumapit si Sehun kay Lay at tiningnan lang siya nito pero nakanganga pa rin.

"Thorry talaga." Sabi ulit ni Sehun at hinawakan ang noo ni Lay.

"Bakit masakit ang noo ko?" tanong ni Lay kay Sehun at biglang napa pokerface ang maknae at pinitik niya ang noo nito at lumayo na siya.

"Ay guys! Kukunin ko muna ang USB ni Kai, marami siyang movie 'dun!" sabi ni Chen.

"Movie? Sigurado ka? Puro 'yun—ahmp!" di na natapos ni  Tao ang sasabihin dahil tinakpan ito ni Kris gamit ang baba niya, aba malufet!

"Kay D.O. nalang kaya?" tanong ni Luhan at binatukan lang siya ni Sehun.

"Ang pangit ng mga movies niya! Puro National Geographic na tungkol sa mga kwago." Reklamo ni Xiumin.

"So ano nalang ang gagawin natin?" tanong ni Baekhyun na medyo na bored, nakakapagtaka e masiyahing bata 'to e? Nawalan siguro ng lapis sa mata.

"Bakit ang tamlay mo Baek?" tanong ni Chanyeol na nagbabasa lang ng libro.

"Wala." Mahinang sabi ni Baekhyun at ayun, dedma lang siya ng iba kaya tumabi ako sa kanya sa couch na kaharap ang TV.

"Baek, share mo naman sa akin." Napanguso ako. Tiningnan niya ako at saka siya ngumiti.

"Hindi ka makakarelate." Pabiro niyang sabi kaya kumunot ang noo ko.

"Bakit?"

"About sa love life ko ito e." aba matindi 'tong hayup na 'to! Anong di makakarelate? Kakabroken lang nga ng puso ko e, dahil pinaubaya ko na si Kai sa bestfriend ko. Nakakaputspa na may handspa lang talaga! Ansaklap ma men!

Hindi ko nalang pinansin si Baek at tumayo na ako, at lumapit si Tao sa akin, bigla niya akong niyakap kaya nabigla naman ako, shet ang cute ko talaga! Maiinggit kayo!

"Thank you so much Mikaela Sakura." Taray nag english si boy puyat.

"Ha? Welcome very you." Sagot ko naman at niyakap ko siya pabalik.

"Hopeless case na itong si Mikmik." Cold comment ni Kris sa amin na nasa harapin namin ni Tao.

"I am so thankful that I have you as my friend, and because of that, I invited you to join on my bed tonight." Dahil sa narinig ko, oo, medyo gets ko ang english niya ay kumalas na ako.

Tumawa naman 'yung iba dahil narinig nila si Tao.

"Ano daw?" tanong ni Lay dahil siya lang naman ang hindi nakinig, utang na loob, palayasin niyo muna si Lay. XD

"Ano?" di makapaniwalang tanong ko.

"Huh?" tanong naman ni Tao saka siya may kinuha sa bulsa niya at isa itong papel na tinupi, "Ito ang sinulat ni Kai e." sabi niya at napasimangot.

Kinuha naman ito nina Chen at tumawa sila.

"Wag ka nga maniwala sa Kai na 'yun, medyo byuntae siya kaya saakin ka magpaturo ng english!" sabi ni Chen at proud na proud talaga siya, nahiya naman si Kris Aquino sa'yo isali natin si Boy Abunduh/Abunda pala.

"Ay ganun ba." Sabi ni Tao saka niya ako tiningnan, umiwas naman ako ng tingin.

"Okay take two!" sabay na sabi nila at niyakap na ulit ako ni Tao.

"Salamat talaga Mikmik ha? Kung hindi dahil sa'yo ay wala ako dito."

"Bakit, siya ba nanay mo?" tanong ni Lay at binatukan siya ni Baekhyun.

"O-Okay lang 'yun Tao, magkaibigan tayo e." sabi ko at niyakap ko siya pabalik.

"Kaibigan lang?" tanong niya at kumalas siya sa pagkakayakap. Ano ba gusto niya?

"Ano ba gusto mo?!" tanong ni Chanyeol at lumapit sa amin.

Nag peace sign lang si Tao saka siya ngumiti ng wagas.

Tumawa naman 'yung iba pero si Luhan 'yung grabe tumawa kasi nababasa niya ang isip ni Tao at Chanyeol, at sa amin rin. Pesteng Ace 'yan Luhan! Pahingi!

May pumasok sa room at si Suho pala ito.

"Suho!" tawag ko pero di niya ako pinansin, o baka trip niya lang? Di bale.

"Suho!" tawag nila at nginitian sila ni Suho. Okay?

"Asan ba sina Kai at Kyungsoo?" tanong ni Kris, oo nga, ilang chapters silang absent! Ipafire mo na nga sila Miss Author! Kasi nagseselos na ako dito e!

"Hindi niyo ba nakita sa Bulletin Board?" tanong ni Suho.

O bakit? Nakakasasya pala silang dalawa 'dun! Amazing! Ma try nga pumasok sa bulletin board na sinasabi ni Suho ;)

"Nakakatamad magbasa." Reklamo ni Luhan saka tumango ang mga admirers—este bespren niyang sina Sehun at Xiumin.

"May wanted na Zombadings sa Academy!" sigaw ni Suho kaya nagulat kami.

"Ano 'yun?" tanong ko pero di ako sinagot ni Suho.

"Zombie na bading," sagot ni Chen sa tanong ko.

Zombie na Bading? Zombading?

"O bakit sila Wanted?" tanong ni Chanyeol at relax na relax na umupo sa swivel chair na malapit sa TV.

"Marami na raw kasing bading sa Academy! Na detect na naman nila ito gamit ang Berdeng Radar nila," sagot ni Xiumin.

"Hindi naman bading sina Kai at Kyungsoo ah!" sabi ni Tao kaya tumango naman kami, ay hindi, sila lang pala, alam kong babae si Kyungie e, naku naman!

"Napagkamalan!" sagot ni Kris at napahawak sa baba niya pero inalis ito ni Lay, kaya nagtaka si Kris.

"Masasaktan ang kamay mo." Sagot ni Lay saka pakita ng dimples.

"Dinadakip nila ang mga bading dito sa Academy saka kukunin nila ang Berdeng Blood nila!" sigaw ulit ni Suho kaya na shock na kami!

Hala si Kyungsoo! Pero bakit wala rin si Kai? Bading rin kaya siya?

WALA NA WALA NA! WALA NA TALAGANG LALAKI SA MUNDONG ITO!

Paano na ako mag-aasawa nito?!?! May plano pa naman ako na magkaroon ng apat na dosenang anak >/////<

Okay. HAHAHA, sa mga nanalo sa "WTF: Wala Talagang Forever?" (tanong para sa EXO), next Chapter na muna kayo ha? Huehue, di ako makapag-isip nang maayos kasi dahil ito sa sexiness sa Love Me Right. HAHAHAHA!

El Dorado Academy (Wattys2017)Where stories live. Discover now