K A I
"Hyung!" tawag ko kay Kyungsoo hyung. As usual tiningnan niya lang ako.
"Kapag may naghahanap sa akin sabihin mo wala ako." Sabi ko sa kanya at dali-dali akong nagtago sa ilalim ng mesa.
Umuna na kami dito sa Dining Hall dahil 'yun ang sabi ni Mikmik. Grabe talaga 'yung babaeng 'yun, di man lang niya alam na may gusto si Kyungsoo hyung sa kanya!
"KIM JONGIN!?"
Ito na nga ba ang sinasabi ko! Naramdaman kong papalapit na siya sa akin.
"Hoy ikaw, nakita mo ba si Kai!?" sinigawan niya si Kyungsoo na tahimik lang na naghihintay ng pagkain.
"Nasa ilalim ng mesa." Bored niyang sagot.
Hindi talaga mapagkakatiwalaan itong si Kyung, huehue.
"Aray! Aray ko bae!" napasigaw ako nang may biglang humila sa tenga ko. Nakalabas na nga ako sa ilalim ng mesa at pinagtitinginan kami ng ilan.
"Bakit mo ako tinataguan?!" sigaw niya at marahas niyang binitawan ang tenga ko.
"Naman e!"
"Bwisit ka talaga! Alam mo bang nag-aaway pa kami ng Security guard niyo!"
Akala ko naman hindi na ito babalik at para maging matiwasay na ang buhay ko, pero ito na siya ngayon!
"Akala ko aalis ka na, bakit nandito ka pa?" tanong ko habang hinimas-himas ang tenga ko.
"Nakalimutan ko ang good moral ko!" sigaw na naman niya.
"Bebe ko, 'wag ka ngang sumigaw."
"Bebe ko ka diyan!?!"
"Ehem...magsyota kayo?" sabat ni Kyungsoo hyung at pumagitna sa amin.
"Sino 'to!? Bago mo!?" tanong niya
"H-Ha!? Dy naman e. Kaibigan ko ito." Inakbayan ko si Kyungsoo hyung.
"Ganun ba? Pakilala mo, dali!" utos niya. Itong babaeng 'to talaga, kung makapag utos wagas.
"Dy Anne mahal, si Do Kyungsoo ang mahal ko rin."
"Aba't gusto mo mamatay!?" inis na kumalas si Kyungsoo hyung sa akin at pinandidilatan niya ako! Tsk, pakipot.
Bakit ba pabebe itong si Hyung? *smirks*
"Pakasal na kayo." Ani ni Dy.
"Gusto mo rin mamatay!?" tanong ni hyung sa kanya. May mahal na 'yan Dy, 'yung bestfriend niya.
"Sabay pa tayo!" sigaw naman ni Dy.
"T-Teka, h-huwag naman kayong mag-away." Saway ko sa kanila, at ang tensyon ay parang di mo na maipaliwanag kasi nagtutukan na sila.
"Woah, huwag kasing mag two time Kai!" komento ni Chen na kakapasok lang.
"Siguraduhing wala ang isa." Sabat naman ni Baekhyun.
"Ano bang pinagsasabi niyo!?" inis na tanong ni Kyungsoo sa kanila. Galit na tuloy siya.
"If I know~" sabi ni Luhan hyung sabay upo katabi si Sehun.
"Hoy impakta ka, girlfriend—boyfriend ka ba ni Jongin!?" tanong ni Dy kay hyung.
"Matagal na nga sila e." sagot naman ni Xiumin hyung na lumamon ng ice. Gutom na naman ba siya?
YOU ARE READING
El Dorado Academy (Wattys2017)
Science FictionFIRST TERM AND SECOND TERM Makakapag-aral ka pa kaya kung ang mga kaklase mo ay may mga powers? Powers para asarin ka, Powers para i-bully ka, at Powers para protektahan ka. Magpapa-enroll ka pa ba? #Wattys2015 ...