Chapter One

847 50 1
                                    

A
***
POV







"We ask that you please fasten your seatbelts at this time and secure all baggage underneath your seat or in the overhead compartments. We also ask that your seats and table trays are in the upright position for take off." I announced gracefully.


Malawak na ngiti ang pagbati ko sa mga pasahero. Nang makita ko namang maayos na ang lahat ay akma ko nang sesenyasan ang taga-radio ng piloto na si Cyd nang bigla kong marinig ang pangalan ko.

"Gegante!" pabulong na tawag sakin ng kasamahan kong stewardess na si Jelly, habang ito'y lumalakad palapit sakin.



"There's still one empty seat." she informed so I followed her gaze toward the empty seat next to the window. Katabi ang isang babaeng japanese na sa tingin ko ay nasa sesenta na, seryoso itong nagbabasa ng diyaryo.



I peek at my wristwatch and sighed, it's 8:15 am. "8:30 ay magte-take off na tayo" sabi ko at napakamot ng kilay. Five minutes more at magsasara na ang gate, maaring hindi na rin siya umabot. Kapag wala pa siya ay wala kaming magagawa kundi umalis na on time. Gayong isang liparan lang ito mula Japan papuntang Pilipinas, walang stopover di gaya noong unang flight.




Saktong paglingon ko sa labas ay may babaeng nagmamadaling pumasok, nakayuko at bahagyang tinatakpan ang mukha gamit ang sombrero nito, sabay namin siyang binati ngunit dere-deretso lamang siyang tumungo sa upuan niya at walang hirap na ipinasok ang maliit na bagahe sa overhead compartment. Agad namang sinundan ni Jelly at kinausap ang babaeng naka black hoodie, grey sweatpants at sombrero. Mahaba ang itim niyang buhok at may pagka-wavy ito.




"Pst, Gegante" nalipat ang tingin ko kay Cyd nang senyasan niya ako ng dalawang thumbs up, kaya naman tumango ako hudyat na maayos na ang lahat at ready na sa pagtake off.



Lumipat si Cyd sa tabi ko, umupo sa may gilid ng threshold at isinuot ang seat belt. Nagsimula na rin ang pag-announce ng piloto mula sa speaker. Habang naglalakad ako papunta sa cabin, hindi ko maiwasang tingnan ang babaeng nakayuko pa rin habang kinakausap ni Jelly. Mukhang may sinabi si Jelly dahilan para umangat ang ulo nito para tignan siya. Kasabay ng pagtigil ng heels ko ang unti-unting pagkunot noo ko.

Her eyes were made up with heavy black eyeliner, basang basa ang kaniyang mukha at kitang kita ang pagkalat ng itim na marka sa maputla niyang mga pisngi. Inabutan naman siya agad ni Jelly ng panyo, tumango tango ito sa mga sinabi ni Jelly bago siya makaalis. Sinenyasan ako nito kaya't sumunod na rin ako sakaniya papunta sa cabin namin. Di nagtagal ay ramdam ko na ang paglipad ng eroplano, ngunit ang isipan ko naman ay nauna pang lumakbay dahil sa pasaherong iyon na umiiyak.





"Anong meron doon?" pag-uusisa ko kay Jelly, nakaupo siya ng maayos sa tabi ko.




We actually sit on our hands, mahalaga kasi na nakatago ang mga kamay namin upang maiwasan na maattract at masali ng cabin crew sa pagbilang ng mga passengers, especially on busy flights.




"Not sure, pinakalma ko lang siya. But I think... it's about a guy" may pagka-maarte ang pananalita ni Jelly pero sadyang ganun talaga siya magsalita.


"Paano mo naman nasabing tungkol sa lalake?" may pagtataka kong tanong.


"Well, hindi ko sinasadyang makita 'yong iniiyakan niyang wallpaper kasama ang isang guy."




"Ahh" yun na lamang ang nasabi ko at tumango.



Malamang ay may hindi magandang nangyari...






Her Last Flight  | Wangge Fanfic (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon