Chapter Thirty Five

859 71 16
                                    

A
***
POV









"Oh. My. God!"







Laglag ang panga ko habang nakatingin sa bahay--- mali, mansion! Mansion nila Ward! Napakalaki at napakataas ng kastilyo, tapos may fountain sa gitna ng foyer na dadaanan bago mo marating ang pinakaloob ng bahay. Feeling ko kakailanganin ng golf cart dahil sa sobrang layo. Hindi, mali, actually kailangan talaga ng golf cart o di kaya ay wheel chair dahil pakiramdam ko babagsak ako sa lupa any moment.

Alam kong mayaman ang pamilya ni Ward pero putcha, hindi ko naman ineexpect na ganito pala sila kayaman!?






"Love, ang laki ng b-bahay niyo..." namamangha na bulong ko sakaniya habang nakatitig pa rin dito.






She snickered, "Bahay ng mga magulang ko."




"Don't tell me silang dalawa lang ang nakatira rito? "




"Hindi naman." tumango ako, buti naman kung gano'n. "May mga helpers naman silang kasama." dagdag niya kaya naman ngumiwi ako.





"Counted ba 'yon? Any family members? Relatives?"



Nagkibit balikat lamang siya saka nagsalita. "Nah. They live for money and business. Even my lola doesn't want to be here also. Masyado silang seryoso at strikto kahit sa sarili nilang pamilya."





Kinakabahan tuloy ako dahil sa sinabi niya. Mamemeet ko na ang parents ng bebe ko pero parang hindi ko kakayanin. What if mangyari sakin 'yong mga napapanood ko sa telenobela? Yung mayaman na nahulog sa mahirap tapos paghihiwalayin kami ng mga magulang?





"What's wrong?" napatingin ako kay Ward, she's looking at me with concern.




Napatingin kaming pareho sa kamay naming dalawa. "Kailan ka pa naging pasmado?" aniya at tumingin sakin.




"Wait, kinakabahan ka ba?"




Ngumuso lang ang labi ko at bumitaw sa pagkakahawak sa kamay niya. Hindi lang palad ko ang namamawis ngayon kung alam niya lang!




"Hindi ba dapat ako ang kinakabahan? You should be brave for me dahil papalakasin mo ang loob ko."

Ngumuso ako lalo habang tinutuyo ang nga palad ko.

"Eh, lovelove, natakot ako sa sinabi mo eh. Hindi mo naman sinabi na mala hari at reyna pala ang mga magulang mo. Tignan mo oh, ang layo ng pinakabahay niyo. Feeling ko mauubos na itong lakas ng loob ko bago pa man tayo makarating." may kabang saad ko saka bumaling sa mala palasyo na bahay ng pamilyang Ward.




"Hindi talaga aabot itong spirit ko sa parents mo, lovelove." dagdag ko pa, tila pinanghihinaan na ng loob.




Bahagya naman siyang natawa. Akala niya yata ay nagbibiro ako.



"Huwag ka nang kabahan, mahal. Hindi ka nila kakainin ng buhay." taas baba ang kilay na sabi niya. "Tsaka ano bang kinakatakot mo eh andito naman ako?"



Her Last Flight  | Wangge Fanfic (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon