"Ma, I need to see her. Reina is waiting for me!"
"No, you're seeing no one. You're not going back to the Philippines, Ken Horiuchi. I said what I said." pinaleng utos ng ina sa binata.
Agresibo niyang hinawi ang mahabang buhok dahil sa pagkainis.
"Paano namin maaayos 'to kung hindi niyo ko papayagang kitain siya?! Ma, I need to see her! I need to see my girlfriend!"
"Ken!" sigaw ng ama sa galit, hindi niya maatim na sa ina niya ibinubuhos ang pagkabigo niya gayong kasalanan naman niya kung bakit siya iniwan ng kasintahan.
"Papa, hindi pa ba sapat ang sampung buwan? Hihintayin ko pa bang makahanap siya ng iba bago niyo 'ko hayaan na makausap ang girlfriend ko?" emosyonal na saad nito ngunit matalim lang siyang tinignan nito.
"Do you know the damaged that you've caused to that poor young woman?" seryosong wika ng ina, sa mga titig nito ay nakikita ang galit niya kaya't hindi maiwasan ng binata na itikom ang bibig.
"Napakabait na bata, matalino, maganda, galing sa mayamang pamilya at higit sa lahat nagmamahal sayo... At anong ginawa mo? Pinagpalit mo sa kung sino-sinong babae lang? Nasaan sila ngayon? Iniwan ka! Ngayon nakikita mo na kung ano ang pinagpalit mo?" pigil ang sigaw nito sa anak.
"Napakaswerte mo na kay Reinalyn, anak. Hindi ko alam kung bakit kinailangan mong abusuhin ang kabaitan niyang iyon dahil lang alam mong ikaw lang ang meron siya. Alam mo bang hindi kami sang-ayon ng ama mo sa ginawa mong pagdala sakaniya rito? Inilayo mo siya sa pamilya niya, maging ang mga kaibigan na natitira sakaniya ay ipinagkait mo pero hindi ko siya nakitang nagreklamo. Sana nakita mo ang mga sakripisyo niyang iyon para sayo, para sa relasyon niyo bago ka humiga sa kama ng ibang babae. Maging akong ina mo, mas gugustuhin kong mapunta si Reinalyn sa ibang lalaki na kayang mahalin siya ng tama kesa manatili pa siya sayo..."
Sa katunayan niyan, sa araw ng kasal na hindi sinipot ni Ken si Reinalyn ay nakita nila mula sa cctv ang pag-iimpake ni Ward. Alam nila, ngunit hindi nila pinigilan. Hindi nila sinabi sa anak ang ginawang pagluwas nito sa Pilipinas. Maging sila ay sang-ayon at kampi sa ginawa ng dalaga, hindi dahil ayaw nila rito ngunit dahil alam nilang iyon ang tama. Ngayon na nalaman ni Ken na nasa Pilipinas itong muli, nais niyang puntahan ito, ngunit sa kagustuhan nilang ilayo mismo ang anak sa dalaga ay pinutol nila ang atm cards nito sa lahat ng banko at kung ano ano pang koneksyon na meron siya para lamang hindi ito makaalis sa puder nila. It's ridiculous how they wanted to protect Reinalyn from their own son.
"Akala niyo ba hindi ko naisip 'yan, Ma? I know I fucked up, big time. Hindi ko na mababago ang mga pagkakamaling 'yon. Pero ako, nagbago na ako. Totoong nagbago na ako. I realized I can't live without her, Ma. Iyong sampung buwan na hindi ko siya kasama ay para akong pinapatay. Mahal ko si Reina, Ma, Pa, mahal na mahal. Kaya please, sana hayaan niyo na 'kong bumawi sakaniya."pagmamakaawa ng binata.
"Paano ka makakasigurong may babalikan ka?"
"Paano mo nasisigurong hinihintay ka pa niya?"
"Nakakasigurado ka ba na ikaw pa rin ang mahal niya?"
Tuloy tuloy na tanong ng ama nito habang seryosong nakatingin sakaniya.
BINABASA MO ANG
Her Last Flight | Wangge Fanfic (On Hiatus)
Fanfic[TAGLISH] "Falling in love with you is the second best thing in the world, because finding you was the first." A flight attendant catches feelings towards a passenger. _____________ ★WANGGE FANFICTION | GIRLXGIRL #1 Ward #5 loveatfirstsight #1 wre...