A
***
POV
Kasalukuyan akong nakaupo sa pinakadulo ng sofa, nakasandal sa kamay ko ang gilid ng ulo ko habang ang isang kamay naman ay hawak ang phone ko. Kanina ko pa kinakagat-kagat ang labi ko dahil sa mabigat na pakiramdam. Ilang oras na yata akong nakatingin sa pictures na sinend sakin ni Angel, puro ako zoom in sa lahat ng parte ng litrato. Parang.. hindi ako makapaniwala sa nakikita ko eh. Habang tumatagal ay pabigat nang pabigat itong loob ko to the point na gusto ko nang umiyak.
Ang saya ko lang kanina, e.
Pauwi pa lang ako noong magchat sakin si Angel. Halos mabitawan ko yung phone at yung pasalubong na dala ko dahil sa mga pictures na yun, mula sa labas ng building hanggang sa pagsakay ni Reina sa sasakyan ng ex-boyfriend niya. Inisip ko pang edited pero hindi, e. Hindi ko rin alam kung ilang oras na akong nandito sa condo niyang tahimik na naghihintay. Ayokong magalit without hearing her side.
I do trust my girlfriend, but Ken? Hindi ako sigurado.
I've been trying to control myself not to overthink about this matter. Pero anong oras na ni anino niya'y hindi ko pa rin nakikita. Sobrang hirap din pala pigilan ang hindi mag-isip ng kung anu-ano. Lalo na't alam kong hindi kung sino-sino lang ang kasama niya.
Ang mas nakakabadtrip lang ay hindi ko siya matawagan. Hindi ko alam kung lowbat ba siya or what. Did she turn off her phone on purpose?
Agad akong napailing sa naisip ko. Kakasabi ko lang na pinagkakatiwalaan ko si Reina, e. But, fuck! I can't help it. What if she really did turn off her phone para hindi ko siya matawagan? O 'di kaya para hindi ko sila maistorbo?
Tangina! Stop it, Angge!
Wala sa sariling naitapon ko ang phone ko sa sofa at napasabunot nalang sa buhok. Maya maya ay naramdaman ko nalang bigla ang mainit na likidong tumatakas mula sa mga mata ko.
Gusto kong pigilan ang umiyak pero dumadami ang mga naiisip ko at hindi ko na magawang kontrolin ang lumalabas dito. Naghahalo halo na itong nararamdaman ko, e. Hindi ko alam kung anong uunahin; yung pag-aalala ko ba o 'yung takot na baka may nangyayari ulit sakanila na hindi ko alam.
Paanong hindi ko iisipin 'yun? Ken is her ex, her first boyfriend, her first love... Kahit sabihin kong hindi na niya mahal yun, hindi pa rin mabura bura itong pangamba sakin na baka nga biglang bumaliktad ang mundo at magkaayos silang dalawa. What if marealize ni Reina na mahal pa rin pala niya yun? What if bigyan niya ng chance kasi nakikita niyang nagbago na si Ken? Paano na kami? Paano na ako?
I licked my lips and rub my wet face with my palm. Ang bigat talaga.
Please, let's trust her. Magsasabi rin 'yun.
Pagpapagaan-loob ko sa sarili. Ilang beses akong huminga ng malalalim para lang kumalma ako. Ayaw kong madatnan niya akong ganito, ayoko rin malaman niya na may alam ako. Sa ngayon, her explanation is all that I need to make me feel better.
BINABASA MO ANG
Her Last Flight | Wangge Fanfic (On Hiatus)
Fanfic[TAGLISH] "Falling in love with you is the second best thing in the world, because finding you was the first." A flight attendant catches feelings towards a passenger. _____________ ★WANGGE FANFICTION | GIRLXGIRL #1 Ward #5 loveatfirstsight #1 wre...