A
***
POVNatapos ang flight ng hindi ko man lang nakakausap si Ward. It was a non-stop flight and it's 16 hours and 35 minutes long. Nakakapang-
hinayang lang, atat na atat pa naman akong makausap siya ulit. Hays. Ewan ko ba, parang namiss ko kasi talaga siya.Kasabay ko si Jelly na bumaba sa eroplano at naglakad patungo sa John F. Kennedy International Airport, malaki laki ang baggage na dala ni Jelly, talagang pinaghandaan niya ito at sigurado akong susulitin niya ng lubos ang NYC.
"Nakasimangot ka nananaman, ngumiti ka naman!" biglang sabi ni Jelly dahilan para magitla ako sa gulat. I zoned out.
Napakamot nalang ako sa ulo, "Sorry. Masaya naman ako eh, 'wag mo kong pansinin." nahihiyang sambit ko sakaniya.
"Ipakita mo kasing masaya ka!" medyo pasigaw niyang sabi, sinenyasan ko siya agad na hinaan ang boses kaya't sabay kaming napatingin sa paligid.
Nakakahiya rin minsan itong babaeng ito eh, napakafeminine ng dating pero kung magsalita minsan akala mo nanghahamon ng away, akala mo palaging galit sa mundo. Isa yan sa hindi ko nasabi sainyo.
Nilawakan ko ang ngiti ko at itinuro ang bibig ko sakaniya, "Ayan nakangiti na ako, okay na ba?" sarkastikong saad ko.
Inikutan niya lang ako ng mata, "Ikaw ha, super affected ka kay british passenger." ika niya at nagpatuloy na kaming muli sa paglalakad.
"Hindi kaya..."
"Anong tawag mo diyan?" mapang-hamon niyang tanong sa mukha kong hindi ko napapansin na nakasimangot nanaman.
"Eh ano... Hindi ko lang maiwasan ang makaramdam ng lungkot," pagtatapat ko, sakto namang pagpasok namin sa airport. Nilibot ko ang paningin, silently wishing na makita ko si Ward kaso mukhang malabo. Marami-rami ang tao kahit na weekdays, pero dahil malawak naman at malaki ang JFK airport ay para lang kaming mga langgam na may distansya sa bawat isa.
"Bakit?" tanong niya.
"Syempre, akala ko naman kasi ay kaibigan na rin ang tingin niya sakin. Nalungkot lang ako na para lang akong hangin sakaniya kanina."
"Hindi ba't ganun naman talaga siya from the start?" sabi ni Jelly dahilan para matikom ko ang bibig ko. May point siya.
"Pero ano kasi eh, noong gabing 'yon parang ano na eh..." hindi ko alam kung paano ito sabihin, marahil ay nag-assume lang din ako at pinangungunahan ang nangyayari.
"Ano?"
"Iyong parang gumaan kahit papano ang loob niya sakin? Nag-expect ako na kahit papano ay may magbabago. Tignan mo ngayon, kahit pagpunta niya ng New York ay hindi niya rin binanggit sakin. Kahit iyon lang sana." saad ko, di namamalayan ang pag-nguso.
Hindi ko lang maiwasan ang magtampo, siguro ay nagexpect din talaga ako na kahit sandali ay ngitian man lang niya ako o di kaya ay tanguan bilang pagbati. Kanina kasi ay parang hindi kami magkakilala, iyon ang nakakalungkot para sakin.
Rinig ko ang paghagikhik ng katabi ko, "Kailan lang naman kayo nakapag-sama ng ganun, hindi ba? Malay mo ay hindi pa siya masyadong komportable gayong hindi pa naman kayo magkakilala ng lubos. Kahit naman sa friendship ay may mga process din." sabi niya at lumapit pa sakin para marinig ko ang sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
Her Last Flight | Wangge Fanfic (On Hiatus)
Fanfiction[TAGLISH] "Falling in love with you is the second best thing in the world, because finding you was the first." A flight attendant catches feelings towards a passenger. _____________ ★WANGGE FANFICTION | GIRLXGIRL #1 Ward #5 loveatfirstsight #1 wre...