Chapter Eighteen

469 45 0
                                    

W
***
POV



It's been six months since Angge and I became friends. Our friendship isn't something like the kind of friendship that I used to have. Simula noong umamin sakin si Angge tungkol sa pagiging bisexual niya, there's a change, I don't know what it is but I know there is a change.


Flashback

"Ward... Can we talk?" Angge asked as she looked up to me.

"Hm? About what, Angge?"

"Uhm, hindi ko alam kung paano sisimulan ito without being awkward or what..." then she looked away. I can see the nervousness showing in her face, she's fidgeting her fingers too.

"Go ahead, Angge. What is it?" I asked and smiled softly to reassure her.

She swallowed and met my eyes, "I- I'm... I'm bisexual, Ward. I like... boys... and girls."

Hindi naman ako nagulat, wala akong ibang reaksyon dahil wala naman akong makitang mali sa sinabi niya.

Nakayuko si Angge habang nilalaro pa rin ang mga daliri. Ngumiti ako at marahang hinawakan siya sa kamay dahilan para tumigil siya sa kakalaro nito, dahan-dahan niyang iniangat ang tingin sakin.

"Why are you nervous?"

"Eh k-kasi... baka pan-"

"Angge," I cut her off softly, "Hinding hindi ako mandidiri sa mga taong tulad mo, there's nothing wrong with you." saad ko na ikinatahimik niya.

"Look Angge, I'm not homophobic, neither am neutral. I always support those people who's belong to LGBTQIA. I have Rc and ate Shas, you know that..."

Kahit may parte sakin na nasaktan dahil iyon pala ang ikinakatakot niya. Ang pandirihan ko siya. I mean, gano'n ba ang tingin niya sakin?

"I know, Ward, I'm sorry... Natakot lang ako na- na baka hindi ka na maging komportable sakin kapag sinabi ko sayo."

Nginitan ko siya at tumango, "Nothing will change, okay? You're still my best friend, Angge. I like you the way you are and I like you for who you are..."



Ako ang nagsabing walang magbabago pero bakit parang meron? It was comfortable yet uncomfortable to be with her... hindi ko ma-explain. Simula noong umamin siya ay mas naging close pa kami. I could tell that she's become more herself. Hindi ko mapigilan ang hindi matuwa dahil nakikita ko na talaga ang totoong Angge. Hindi na siya nagaalinlangan, sa katunayan ay hindi na nga rin siya nahihiya sakin. Natutuwa ako dahil alam kong komportable na siya bilang siya.

Nakakapanibago lang dahil hindi kami kagaya noon na tila may pagitan saming dalawa. Ngayon ay dikit na dikit kami. Nagtatabi sa pagtulog. Nagyayakapan. Nagho-holding hands. Nagsusubuan. Sinusuot ang damit ng isa't isa, minsan dito na rin siya naliligo kahit nasa kabila lang naman ang bahay niya.

Natatawa nalang ako dahil hindi ko inaasahan na mas gugustuhin ko na gano'n kami. Sa mga pinapakita niya sakin, lahat ng iyon ay dalisay.

Her Last Flight  | Wangge Fanfic (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon