A
***
POV
“Mamaya ko nalang ikwento sayo, okay? Baka pagising na rin 'yon.” saad ko kay Celine mula sa kabilang linya habang nakangiting hinahalo ang hangover soup na ginawa ko para kay Reinalyn Ward.Tumili muna ito bago ibaba ang tawag. Napapailing ako habang pinupuno ng sabaw ang bowl na para sakaniya. Ginising ko talaga si Celine para lang magpatulong kung anong luto ng soup ang ginagawa niya kapag may hangover ako. Baka rin pupunta si Celine mamaya rito dahil nabanggit ko sakaniya ang tungkol sa kapit-bahay kong lasing na natutulog ngayon sa kama ko. Ang isa pa namang 'yon ay mahilig sa chismis lalo na kung tungkol sa lovelife ko ang pagchichismisan.
Maaga talaga akong nagising kahit pa kulang ako sa tulog,gusto ko lang makapagluto ng breakfast at magawan ko siya ng hangover soup. Alas sais palang ay gising na ako at nag-grocery nang mabilisan dahil walang kalaman laman ang ref ko kundi mga chocolates, ice cream at beers in can. Ewan ko ba kung bakit ko ito ginagawa, masyado na akong mabait pero sabi naman ni Celine ay nagpapaimpress lang daw ako sa dalaga.
Mas marunong pa talaga siya.
Kalmado pa ako gayong mamaya ay maari siyang magtanong nang magtanong kung paano siya napunta sa bahay ng kapit-bahay niyang hindi niya lubos pinapansin.
Inayos ko na ang lahat sa mesa at nagtimpla na rin ako ng kape ko. Ang gagawin ko nalang ay... teka, gigisingin ko ba siya o hihintayin ko nalang siyang magising???? Tanong ko sa sarili habang kinakagat kagat ang pang-ibabang labi.
Maya maya ay nakarinig ako ng kuskus mula sa likuran. Agad naman akong umikot at mabilis na natagpuan si Reinalyn, walang kibo na nakatingin sakin. Kung tao lang siguro ang malaking question mark malamang ay siya na iyon.
Tsaka kakagising lang ba talaga nito? Bakit napaka-natural naman ata ng ganda niya umagang umaga pa lang?
“You don't remember anything, don't you?” I asked and just chuckled. She swallowed and walk closer.
Ipinaghila ko nalang din siya ng upuan para sabihin na sabayan na niya akong mag-umagahan. Di na rin naman siya nagpakipot pa at umupo na rin sa harap ko.
“I made you a hangover soup to ease your headache.” nakangiting saad ko at inilapit sakaniya ang bowl at kutsara.
Tumingin siya sakin na parang sinisigurado kung mapagkakatiwalaan ba ako o hindi. I mean, hindi niya ba ako naaalala? Medyo na-offend ako pero okay lang, atleast tinitignan niya ako. Hihi.
“You speak tagalog?” tanong ko sakaniya habang tahimik siyang humihigop.
Tumigil siya upang tumango.
Eh bakit hindi ka nagsasalita?
Hindi ko na siya hinintay na matapos dahil nagsimula na rin akong kumain para nga sabay kami. Minsan ay panakaw nakaw ako ng tingin sakaniya habang siya naman ay abala sa pag-ubos ng inihanda ko sakaniya. Gandang ganda ako sa bawat paggalaw niya...
Mamaya ay natapos na kaming kumain at sa kalagitnaan nun ay naikwento ko na rin sakaniya ang buong pangyayari.
BINABASA MO ANG
Her Last Flight | Wangge Fanfic (On Hiatus)
Fanfiction[TAGLISH] "Falling in love with you is the second best thing in the world, because finding you was the first." A flight attendant catches feelings towards a passenger. _____________ ★WANGGE FANFICTION | GIRLXGIRL #1 Ward #5 loveatfirstsight #1 wre...