Chapter Two

500 38 0
                                    

A
***
POV



Nagmamadali akong pumasok sa airport habang nililibot ang paningin sa paligid, umaasa na makita ko pa siya. Pumunta muna ako sa exit, sa mga gate, kahit yung ibang guard tinanong ko na rin pero wala raw dumaan na kamukha nung picture na pinakita ko gamit ang id. Kaya bumalik nalang ulit ako at dumeretso sa counter desk para ipatawag ang pangalan niya kay Sia, nagdadasal na sana andito pa siya at hindi umaalis without her wallet. Hinihingal na ako at saka parang sasabog na rin itong pantog ko.


"Sia!" tinapik ko ang counter desk para kunin ang atensyon niya.

Lumingon siya sakin, nakataas ang dalawang kilay at nakangiti, "Angelica, bakit?"


"May passenger kasi kaming nakaiwan ng wallet sa banyo, eh ngayon ko lang nakita. Pwede bang paki-notify? Feeling ko nandito pa yun. Reinalyn Ward ang pangalan."


"Ah, sige. Foreigner ba itey?" tanong niya habang inaabot ko sakaniya yung wallet.


Actually, kakakita ko lang sa id niya na half British siya.

"Half British" bulong ko, napapahawak nako sa tyan ko dahil ihing ihi na talaga ako.


"Uy, Sia, ikaw na bahala ah? Magc-cr lang ako, sasabog na talaga ang matris ko!" bilin ko sakaniya habang natatawa naman siyang tumatango.



Nagmadali na akong naglakad papunta sa pinakamalapit na banyo. Kahit ihing ihi ay kailangan maayos pa rin ang posture ko. Pagkarating ko ay pumasok agad ako sa isang cubicle. Wala nang kung ano-ano basta hinubad ko na ang pang-ibaba ko, umupo sa kubeta at napapikit. Doon lang ako nakahinga ng maluwag.

Wala pang isang minuto nang agad naman akong napadilat nang marinig ko ang pagbukas ng isang pintuan ng katabing cubicle at kasunod ay yung pagbukas ng faucet. Maya-maya pa ay natapos na ako at lumabas na rin habang inaayos ang skirt ko. Pag-angat ko ng tingin ay naestatwa ako nang makita ko ang mukha ng babaeng nakaharap sa salamin, si Reinalyn Ward.

Halos libutin ko ang airport para mahanap ka, tapos nasa cr lang ka lang pala all this time?



"Ehem" kunwari'y pag-ubo ko habang lumalapit sa sink.



Mukha namang nakuha ko ang atensyon niya dahil tumigil siya sa paghugas ng kamay niya at tumingin sakin mula sa salamin.

Walang kaemo-emosyon ang mukha niya.

Ngumiti ako sakaniya, "Hi" bati ko. Napakafeeling close ko na ata.


Mukha namang namukhaan niya ako dahil humarap siya sakin, bago pa man siya makapagsalita ay sakto namang umalingawngaw ang boses ni Sia sa mga speaker.



"We're calling for Reinalyn Ward, if you are around here, please come to the counter desk one... I repeat, we're calling for Reinalyn Ward, please come to the counter desk one now."

I saw how Reinalyn's forehead puckered, she's probably confused why they're calling for her name..

I smiled, lop-sided, and pointed at the door using my thumb, "Your wallet" I told her.

Her mouth went agape and her eyes widened a bit at bahagyang kinapa ang bulsa. Nagka-emosyon ng kunti ang mukha niya. Ang cute niya lang magulat....

Nauna siyang lumabas para kunin ang wallet niya habang ako naman ay naiwan para maghugas ng kamay. Alas quatro na at hindi gaanong maaraw, nagredo na rin ako ng make up. Hindi ko man lang napansin na napaka-haggard ko na pala.

Pagkatapos nun ay lumabas na rin ako. Patingin-tingin ako sa relo ko habang naglalakad nang mamukhaan ko ulit si Reinalyn Ward dahil sa damit niya, nasa harap pa rin siya ng counter desk at mukhang may hinihintay. Kumunot ang noo ko, hindi pa rin ba ibinibigay ang wallet niya?

Paglapit ko sa counter desk ay tinanong ko agad siya, "Miss, nakuha mo na ba?" tanong ko sakaniya, gulat naman siyang humarap sakin.


Magugulatin din pala ito.



"Oum..." she seems hesitant to speak so she just nodded as a response.


Napatango nalang din ako. "Okay... So, uhm, is there any problem...?"

Umiling siya.

Medyo kinabahan ako dun. Akala ko naman kung kulang na yung laman ng pitaka niya at ako ang pinagdududahan.


Hindi kasi siya nagsasalita, hindi ko alam kung anong itatanong para malaman kung anong kailangan niya. O baka naman wala talaga siyang kailangan?


"Uhm, okay, Miss. Maybe you're waiting for someone...? I'm just gonna go ahead." I smiled at her, she nodded and just turned her back at me before I could.


Ako ang nagpaalam pero siya ang unang umalis??? Ayos lang ba siya?


Napapailing nalang ako habang sumunod na sa paglalakad. Parang may pagka-masungit pala ang isang yon.













But I guess, that's just how I met her.

Her Last Flight  | Wangge Fanfic (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon