Chapter Thirty Two

559 51 3
                                    

W
***
POV






"Ken?!"





"Bal" galak na sambit nito.





Nang mapansin ko ang paghakbang niya ay mabilis kong isinarado ang pinto, kasunod n'yon ang magkakasunod-sunod na katok mula sakaniya.




What the fuck is he doing here?
Paano niya ako nahanap?
Halos magdikit ang mga kilay ko kakaisip dahil sa unexpected na pagpapakita niya sakin. He really got the nerve.




"Bal... Reina, mag-usap tayo, baby please?"

Unti-unti ay tila bumalik sakin ang lahat. From how he was once the love of my life to the worst thing that happened in my life. Ilang buwan na sakit at pagpapakalugmok, kung ano-anong bagay ang pinaggagawa ko para lang makalimot. Sa lalim ng sugat na iniwan niya at pagmukhain akong tanga... Ngayon ay may lakas pa siya ng loob para magpakita?



Wow!





"Reinalyn, hear me out, please! Nandito na ako, pumunta ako rito para makausap ka kaya please..." pagmamakaawa niya.

Totoo talaga ang sabi nila, kung kelan maayos ka na ay saka sila babalik ulit.


Huminga ako ng malalim. Hinawakan ko ang door knob at unti-unti itong pinihit. Di nagtagal ay nakita ko ang kabuuan niy at ang liwanag sa mga mata niya nang makita ako.

Akma sana siyang lalapit ngunit agad ko siyang pinigilan. "Umalis ka na." malamig na sambit ko sakaniya.


He shook his head as his eyes were tamed. "Bal- give me a chance para magpaliwanag. Mag-usap tayo, please?"


"Para saan? Akala mo ba all this time naghihintay ako ng paliwanag mula sayo?" Di ako makapaniwala. Tumawa ako ng mapakla.




Tumungo siya at suminghot, kahit makita siyang umiiyak ay wala na akong pakealam. I know I've moved on. He can't affect me anymore. Hindi na niya ako madadala sa mga paawa awa effect niyang 'yan dahil gaya ng sinabi ko, tapos na ako roon.




"A-alam kong nasaktan kita, but trust me, nagbago na talaga ako. Reina, kung kailangan kong lumuhod para mapatawad mo, gagawin ko. Luluhod ako ngayon-"


"Umalis ka na. Iyon lang ang kailangan mong gawin, ang umalis." seryosong sabi ko sakaniya ngunit umiling siya at humakbang palapit.


"Don't. Come. Near. Me, Ken. I'm warning you."




He stopped and stared at me for God knows how long. Nang sandaling iyon ay saka ko lang napansin na pumayat ito lalo, kitang kita ang dark circles sa mga mata niya pati ang mga pisngi niya ay parang lumubog ng kunti. Maging ang buhok niya ay halos umabot na rin sa balikat niya, nagmumukha siyang sanggano sa paningin ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sakaniya pero wala na akong pakealam pa roon. Kahit kaawa awa ang itsura niya ay bahagya ko pa rin siyang itinulak palayo sa pinto ko.





Her Last Flight  | Wangge Fanfic (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon