Chapter Eight

491 35 1
                                    

W
***
POV




“The number you have dialed is not available right now—”

Hindi ko alam kung ilang beses ko nang cinontact ang numero ng mga dati kong kaibigan, hanggang ngayon ay ganyan pa rin ang naririnig ko.

Frustrated. Dismayed. Regret. Pain. Mixed emotions. I don't really know what to feel. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa.


Alam kong galit silang lahat sakin. Noong una palang ay hindi na sila boto kay Ken, bukod sa hindi ko na nga sila pinakinggan, pinili ko pa silang iwan para lang sakaniya. I can't blame them. Siguro nga ay binura na rin nila ako sa mga buhay nila gaya ng ginawa ko noon para lang sa lalaking yon. And now here I am, regretting my decisions in life.


Gusto ni Rc na ipagpaalam na sa parents ko ang nangyari pero hindi ako pumayag. Hindi rin nila alam na andito na ako sa Pilipinas bukod kay Rc na pinsan ko. Rc is a lesbian, may girlfriend siya which is si ate Shas. Silang dalawa nalang ang laging nangangamusta sakin at alam kong may pake sakin, gusto ko rin silang makasama ngunit wala sila sa Pinas ngayon.

Nawala ako ng apat na taon, Ken didn't let me to have a communication with my friends kasi alam niyang ayaw nila sakaniya. Ang sabi niya ay sisirain lang nila ang relasyon namin, and I believed him. Hindi ko naman aakalain na siya pala ang sisira ng lahat, maging ako ay sinira niya. Kung pwede ko lang ibalik ang oras, sana mas pinili ko nalang na lumayo sakaniya. But I can't bring back the time, kahit ano pang gawin ko ay hindi n'yon mababago ang mga nangyari. Nagkamali ako sa pagpili sakaniya, and that's the sad truth.

Dahil hindi nanaman ako makatulog, naisipan ko nalang munang tumambay sa balkonahe. Dapit-hapon na kaya nakikita na ang paglubog ng araw. Siguro ito na ang paborito kong lugar, ang balkonahe. Dahil nasa mataas na lugar ako at kitang kita ko ang ganda ng tanawin, pakiramdam ko ay malaya ako. Napakasarap pagmasdan ng langit. Kahit papaano ay nababawasan ang bigat ng dibdib ko.


Narinig ko ang ingay ng pagbukas ng sliding door mula sa kabila kaya napalingon agad ako, nakita ko naman ang kapit-bahay kong babae na lumabas habang hinahalo ang laman ng tasa na sa tingin ko naman ay kape. She's still wearing her pajama, nagpalit lang siya ng damit.

“Uy hi! Andiyan ka pala!” bati niya agad the moment na nakita niya akong nakatingin.

“Hi” I greeted back and looked at her cup, may tatak kasi ito ng sailor moon.

“Gusto mo ng coffee?” alok niya kaya bumalik sakaniya ang tingin ko. Marahan naman akong umiling.


“No thank you. I prefer iced coffee.” saad ko at nginitian siya ng tipid.


Nanatili kaming tahimik habang pinagmamasdan ang buong kapaligiran. Maiingay na sasakyan. Nagtataasang mga gusali. Huni ng mga ibon mula sa itaas at ang buong kalangitan. Nasa pilipinas na nga talaga ako.

23 na ako pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin pinupursue ang gusto kong trabaho. Nawawalan ako ng gana dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Masyado akong nasanay na may Ken sa tabi ko, ngayon mag-isa nalang ako.

Gosh, Reina! Stop thinking about him!

Kumuyom ang mga kamao ko at wala sa sariling napailing. I want to get him out of my mind, out my heart, out of my system and yet I keep thinking about him. Can someone tell me if I'm ever gonna be over him?


Her Last Flight  | Wangge Fanfic (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon