Chapter Eleven

480 36 1
                                    

W
***
POV


"Dude, just go buy a ticket and come here right now!" Rc scoffs, knowing this cousin of mine, I'm sure Rc is rolling his eyes already. Maattitude din talaga.



"I haven't pack my things yet- at bakit ba kasi parang atat na atat ka riyan? Next week pa naman ang kaarawan mo hindi ba? Lunes palang naman ngayon." I answered simply while checking my closet.


Naka-loud speaker naman 'yong call so tama lang para marinig ko pa rin ang boses niya. Pagtingin ko ng orasan ay magaala una na ng gabi kaya bumalik nalang ako sa kama. Bukas ko nalang pag-isipan ang pagiimpake.


"Maybe because we missed you?" may pagka-sarcastic na sambit niya. "Paaabutin mo pa talaga sa exact day? Ano 'yon makikibirthday ka lang?"

Pagkahiga ko ay sakto namang pagrequest niya ng facetime, walang pagdadalawang isip ko itong inaccept.


"Ward!" mukha agad ni ate Shas ang bumungad sa screen dahilan para mapangiti ako. Magkasama pala ang dalawa at mukhang nasa labas nanaman sila.

Buti pa itong mga 'to, living their best life. Together.



"Hi, ate Shas" I greeted her and waved my hand through the screen.


"Ano ng plano mo, girl?" said ate Shas at inagaw ang cellphone kay Rc.



Napabuntog hininga nalang ako sa tanong niya.


Honestly, I don't really know what I'm gonna do. Or what my plan is supposed to be. Ano bang isasagot ko? Wala pa rin kasi sa isip ko yung mga bagay na dapat ay gawin ko, at kung meron man lagi namang hindi natutuloy. Everytime I wake up, all I can think about is to unwind. To escape.

"Undecided? Or ayaw mo lang talaga kaming makasama? Napaghahalataan na kita Reinalyn ha?" biro niya na may himig-pagtatampo.



"Hindi naman sa gano'n, ate Shas!" mabilis kong pagtanggi, "It's just that..."


I pursed my lips.

Well damn, why do I feel guilty?

Hindi naman sa ayaw ko silang makasama, I missed them as well but I think I'm just not prepared yet. Parang gusto ko muna kasi ang mapag-isa, oras lang para sa sarili ko.



"Come on, dude. Marami kang mahahanap dito oh? Hindi nga lang puro singkit." pagbibiro naman ni Rc
dahilan para batukan siya ni ate Shas.



"Pass na yan sa singkit" rinig kong sabi ni ate Shas na siyang ikinatawa ko ng bahagya.

"Yeah, hard pass." pagsabay ko nalang sakanila.

Her Last Flight  | Wangge Fanfic (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon