Chapter Thirty Four

553 46 1
                                    

3rd Person's
***
POV


"Hon, hindi mo pa rin ba kakausapin si Ward?" bakas sa tinig ni Shas ang pag-aalala habang sinusundan ang kasintahan na pumasok sa kwarto.


Kakatapos lang nitong magjogging kaya naman pinagpapawisan at hinihingal pa ito. Isinabit niya sa leeg ang towel at umupo sa gilid ng kama saka tumingin sa nobya.


"I'm sorry, hon, pero hindi pa pwede." Rc answered, stressed as her girlfriend but she'd managed to hide it.



Marahan na ipinagdikit ni Shas ang mga kamay habang may gumuguhit na linya sa kaniyang noo hudyat ng pag-aalala niya. Napansin ito ni Rc kaya nagsalita siyang muli.





"Mag-iilang weeks na tayo rito sa Pinas, hindi natin magawang bisitahin si insan dahil for sure may nakabantay satin d'yan sa labas na tao ni tito. You know how tito William is." may bakas ng inis na pagkakasabi nito.






"I know, kaya nga nag-aalala ako. Can't you just give her a call man lang and inform her that they are looking for her?"







"Anong sasabihin ko? Na pumunta rito si tito William para alamin kung nasaan siya? Maestress lang 'yon, hon. Tsaka isa pa kilala mo naman si Ward eh, pinaka-
ayaw n'yon ay ang ipagpaalam sa mga magulang niya kung nasaan siya ngayon. And besides, Ward knows they're looking for her. Kaya nga siya nagtatago mula sakanila."


"Iyon na nga, hon. Kahit ano namang takas niya sa mga magulang niya, mahahanap at mahahanap pa rin siya nila. Hind natin 'yon mapipigilan. Hindi siya makakapagtago habang buhay." pangangatwiran naman nito.





"Rc, naiintidihan ko si Ward, alam mo 'yan... but my point is, somehow, she have to face her problems, she can't keep on running and running lalo pa't magulang niya pa rin ang mga 'yon. Hindi mo ba narinig ang sinabi ni tito William kanina? He said they're missing their child, who are we to doubt that?"



Natahimik naman si Rc at napahawak na lamang sa batok. Gets niya naman ang punto ni Shas at oo tama siya sa mga sinabi nito. Ang inaalala niya lang naman ay baka sakaling hindi pa handa si Ward na humarap sa mga magulang niya kaya ayaw niya rin ang magpakita. At kung tutuusin ay may pagdududa pa siya noong sinabi ng lalaki na namimiss nila si Ward, kailan ba sila nagkaroon ng pake sa anak nila?





"Halika," sinenyasan niya ang nobya na lumapit, bagay na sinunod nito at hinawakan siya sa mga kamay. Umangat ang tingin niya kay Shas at nagsalita.
"Ganito nalang, tatawagan ko si Ward at sasabihin ko sakaniya ang nangyari and then... bahala na siya, nasa sakaniya na kung gusto niyang magpakita kila tito."




Shas nodded.




"BUT, if she said she doesn't want them to know still, then we're not saying anything, okay? Hahayaan nalang natin siya sa desisyon niya. How about that?"



"Fine" Shas sighed, "Namimiss ko na ang batang 'yon. Kumusta na kaya sila ni Angge?"





Her Last Flight  | Wangge Fanfic (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon