W
***
POVIt's almost eleven in the evening and Angge and I are still watching. This is how we always bond, everytime na uuwi siya ay magbibinge watching kami while cuddling. Saktong nag-end ang pinapanood namin, habang hinihintay ang susunod na movie ay bumangon muna ako para iligpit ang mga kalat namin sa mesa.
“Oh, ayaw mo na?” Angge asked tsaka umupo sa sofa.
“Ililigpit ko lang.”
“Tulungan na kit—”
Sinamaan ko siya agad ng tingin, “Sit”
Para naman siyang natakot dahil bigla siyang umupo.Pumunta na akong kusina at inilapag ang mga nagamit na plates sa lababo, saktong pag-open ko ng faucet ay narinig ko ang pagsigaw niya. “Ligpit mo lang, Wardo, ako na ang maghuhugas mamaya!”
Natatawa ko nalang na pinatay ang faucet. Nagdala nalang ako ng dalawang baso ng apple juice at inilapag ito sa mesa. Umupo ako sa tabi niya at inilapag sa hita ko ang plushie na bigay niya kaya naman niyakap ko lang ito. Sakto namang nakita ko ang title ng sumunod na movie.
“Friendzone? Pinili mo ba yan?” natatawang baling ko kay Angge. Nagpout lang siya at kinuha ang remote.
“Hindi ah, iyan talaga 'yong next... palitan ko na nga!” may himig-pagtatampo na sabi niya at akmang itututok ang remote sa tv pero mabilis ko namang hinawakan ang kamay niya at ibinaba ito.
“Okay na 'yan, wala naman akong sinabing ayaw ko panoorin.” matawatawang sabi ko sakaniya.
Excited niyang inilapag ang remote sa mesa saka sumandal sa balikat ko. I looked at her and she's smiling. I wonder kung iniisip niya rin ba ang tungkol sa usapan namin last week. Why is she not asking me about it?
We stayed like that until the movie was finished. Pumalakpak siya habang proud na nakangiti sa tv screen.
“I knew it! Yung magbestfriend ang magkakatuluyan!” ngingiti ngiti niyang sambit. Natatawa nalang ako sakaniya.
Pagtingin ko sa orasan ay lagpas ala una na. Wala sa sariling humikab ako dahilan para makuha ang atensyon niya, “Antok ka na?”
Kinusot ko ang mata ko, kahit sabihin kong hindi pa for sure pipilitin niya pa rin akong matulog. Tumango ako sakaniya kaya naman kinuha niya ang remote at pinatay ang tv.
“Sige na, matulog ka na. Maghuhugas lang ako tapos aalis na rin ako.” nakangiting sabi niya at pinat ako sa ulo.
Pinanood ko siyang maglakad papunta sa kusina. Nagtataka ako. Bakit hindi niya pinapaalala ang usapan namin? Bakit hindi niya ako tinatanong?
Narinig ko ang pagbuhos ng tubig hudyat na naghuhugas na siya pero nanatili akong nakaupo sa sofa. Parang nawala rin ang bigat ng mga mata ko dahil sa pagtataka, and at the same time ay pag-aalala.
BINABASA MO ANG
Her Last Flight | Wangge Fanfic (On Hiatus)
Fanfiction[TAGLISH] "Falling in love with you is the second best thing in the world, because finding you was the first." A flight attendant catches feelings towards a passenger. _____________ ★WANGGE FANFICTION | GIRLXGIRL #1 Ward #5 loveatfirstsight #1 wre...