W
***
POV
"SEE? I TOLD YOU SO!" Mahal exclaimed as she clapped her hands in triumph.
Pagkatapos namin magmukbang para sa vlog niya ay hindi ko na rin napigilan ikwento sakaniya ang mga pangyayari noong gabing 'yon, including the kiss. I couldn't sleep last night because of it. Lalong lalo na iyong halik na ngayo'y pinapabilis ang tibok ng puso ko everytime na naiisip ko. It feels weird.
"So, what's your plan? Umamin na siya, eh." dagdag niya ngunit seryoso na ang tingin.
Nagkibit balikat lamang ako. "Yes she did, pero lasing siya no'n." sabi ko naman dahilan para ikutan niya ko ng mata.
Tama naman hindi ba? Maaaring nadala lang siya ng alak? Although I don't know how to explain her lockscreen...
Yes, that night, I accidentally saw her lockscreen when it lit up inside her pocket. Ilang beses ko nang nakita ang lockscreen niya, nabubuksan ko pa nga, pero ngayon ko lang nakita iyon. Marahil ay pinapalit-palitan niya ito sa tuwing umuuwi siya... Kung hindi ko lang kilala si Angge, talagang kikilabutan ako.
"Don't me nga, Ward! Stop denying things, alam kong alam mo na totoo ang mga sinabi ni Angge." ika niya, and I have to agree with her. Wala akong maalala na nagsinungaling si Angge sakin o kahit sino man, she's not that type of person. "Sabi nga nila di ba, nagiging honest ang isang tao kapag nakainom!" mabilis na dagdag niya at tinignan ako na para bang tangang tanga siya sakin.
Am I being denial? Hindi ba pwedeng ayoko lang maging assuming? Ayoko mag-assume dahil ayoko ng disappointments? I mean, it's not that I'm assuming, pero-ah basta! I can't even explain it myself! Never pa akong napunta sa ganitong sitwasyon, lalong lalo na sa babae pa- at sa bestfriend ko pa!
"Ano bang naramdaman mo noong umamin siya?" tanong niya na nagpabalik sakin sa ulirat.
"I don't know. Kinabahan? Nagulat? Like, I really did not expect it you know..."
"Hindi mo talaga nahalata? I mean, Angge have been so obvious kaya. Lahat nga kami nakikita 'yon."
"I'm serious, Mahal. Ni isang beses hindi pumasok sa isip ko 'yon." seryosong sabi ko naman.
"Kahit noong umamin siya na attracted din siya sa babae? Hindi ba parang kahit papaano maiisip mo rin na baka magkagusto sakin to or-"
"No," I cut her off, "She's always been like that, she's naturally sweet, caring, clingy, maeffort, understanding-"
"Exactly!" sigaw bigla ni Mahal at tinuro ako, "Sayong sayo lang siya ganyan! Napaka-brutal kaya n'on pagdating samin."
"Girl, alam mo 'yong ano, parang may special treatment si Angge pagdating sayo?" dagdag niya pa na nagpatahimik sakin.
Maya maya ay tumabi sakin si Mahal at saka nagsalita, "I know you're straight ha? And alam mo? wala namang problema samin kahit magkaroon pa kayo ng relasyon, mas matutuwa pa nga kami dahil pareho naman kayong greenflag at mukha namang magwowork-so anyway, ang point ko lang, anong balak mo sakaniya?"
Napailag ako sa mga sinabi niya, ang advance niya ah? Kunot noo ko siyang tinignan. Kailangan ba talaga may plano ako?
"Sa totoo lang, Mahal, hindi ko alam kung seseryosohin ko ang mga sinabi ni Angge. I want to believe everything that she said that night, but part of me don't want to believe her." I answered expressively.
BINABASA MO ANG
Her Last Flight | Wangge Fanfic (On Hiatus)
Fanfiction[TAGLISH] "Falling in love with you is the second best thing in the world, because finding you was the first." A flight attendant catches feelings towards a passenger. _____________ ★WANGGE FANFICTION | GIRLXGIRL #1 Ward #5 loveatfirstsight #1 wre...