A/N; marami pang ganap soon, wala pa sa tunay na exciting part ;)
_____________
A
***
POVHindi ko maiwasan ang hindi kabahan. May part sakin na sana huwag muna matapos ang linggong ito para mabigyan pa ako ng oras na ihanda ang sarili ko sa anomang sagot ni Ward. Gosh, akala ko ba nakausap ko na ang sarili ko tungkol dito?
Trust me, ginawa at sinabi ko na ang lahat sa sarili ko ang kailangan nitong marinig. Pero ang hirap iwasan, hindi ko dapat pangunahan ang mga mangyayari. Hindi dapat ako umasa. Sa lahat ng bagay na nakakatakot sa mundo, iyon ay ang disappointment.
Huwag kang umasa, Angge, parang awa mo na!
Pero tangina, kapag kabaliktaran talaga ang sagot niya mula sa gusto kong marinig, ewan ko nalang. Pagalingan nalang sa pagpanggap na ayos lang.
Kumalma ka lang Angge, total hindi naman ito ang first time mong mareject!
"Excuse me, miss?" Nalipat ang atensyon ko sa lalaking nagtaas ng kamay mula sa kinauupuan niya. Huminga ako ng malalim, ito 'yung lalaking kanina pa nagriring ng call bell at ginagawa akong waitress. At sa totoo lang, itong kabang nararamdaman ko kanina ay napapalitan agad ng pagkainis kapag tinatawag niya ako.
Ngumiti ako ng peke at naglakad papunta sa direksyon niya.
"Yes, sir? Can I help you?" I asked, trying so hard to be polite.
Hinawi nito ang mahaba niyang buhok saka inabot sakin ang piraso ng papel, nakangiti ko itong tinanggap para tignan.
"Do you live in Makati City?"
Kumunot ang noo ko sa nabasa ko. Wait, is this passenger...asking me what? Seriously?
Nilingon ko siyang muli, sinusuri nang mabuti ang kabuuan niya dahil baka mamaya ay intoxicated pala ito o 'di kaya ay problematic. I'm not being judgemental, sadyang may mga passengers lang talaga na nakakapasok kahit nakainom pa kaya importante rin na marecognize namin agad to avoid further conflicts.
Tumikhim ako at itinago ang pagka-asar, "I'm sorry, Sir, but we do not give personal information to our passengers." palusot ko, wala naman talaga kaming gan'ong rule. Narinig ito ng katabi niya kaya parang nahiya siya.
Pilit siyang ngumiti, "N-no, it's not what I..." he fumbled his words, he bit his lip and just snatched the piece of paper. Rude.
"Thanks." he said coldly and crumpled the paper.
Ngumiti lang ako at hindi na ulit ito nagtawag kaya tinapos ko na ang pagr-round-walk bago ako bumalik at sumampa sa cabin namin.
"Oh? Frustrated, ah?" natatawang pansin ni Pao.
"Yung isang passenger kasi eh, ginawa akong waiter!" inis na bulong ko.
"Baka kasi type ka?"
Inirapan ko siya sa sinabi niya, "Ang weird niya kaya, isipin mo pagkatapos akong utusan nang utusan, biglang interesado kung saan ako nakatira?" pagrarant ko bagay na ikinatawa naman niya.
"Type ka nga!" galak na sabi niya, may pagpalakpak pa kaya sinamaan ko siya agad ng tingin.
"Baka gusto niyang magsabunutan kami? Layu-layuan ako ng mga lalaking 'yan, sinasabi ko na talaga-"
BINABASA MO ANG
Her Last Flight | Wangge Fanfic (On Hiatus)
Fanfiction[TAGLISH] "Falling in love with you is the second best thing in the world, because finding you was the first." A flight attendant catches feelings towards a passenger. _____________ ★WANGGE FANFICTION | GIRLXGIRL #1 Ward #5 loveatfirstsight #1 wre...