Chapter Three

516 37 1
                                    

A
***
POV



Papikit pikit ako habang marahang minamasahe ang batok ko para kahit papaano ay maibsan ang pagkamanhid. Sumasakit na nga ang ulo ko gawa ng kakulangan sa pagtulog, maging ang mga mata ko ay umiinit at nagluluha na rin.



Pagpasok ko sa condominium building ay hindi ko mapigilang magmadali sa paglalakad. Nasasabik na talaga ang katawan kong makapagligo at preskong matulog.




Tahimik akong sumakay sa elevator at akmang magsasara na ito nang biglang may pumasok na lalaki. Mukhang nagtatrabaho ito sa kompanya dahil sa suot niya. Maya maya pa ay nauna na siyang lumabas. Hanggang 20th floor ang building at nasa 13th floor naman ang condo ko. Actually, isang benefits 'yon ng pagiging flight attendant ko, ang libreng tirahan.


Di nagtagal ay lumabas na rin ako at nagsimula nang lumakad. Second to the last ang condo ko, maswerte ako dahil walang tumitira sa last na katabi ko at sa harap mismo ng condo ko kaya naman tahimik at peaceful dito. Nang marating ko ang pintuan ay agad ko namang tinipa ang passcode ko.




“I told you I'm fine!”




Bahagya akong napaigtad sa gulat nang bigla akong makarinig ng boses babae, ramdam ko mula sa likuran ang malakas na paghahakbang niya hanggang sa tumigil siya sa pinaka-huling condo, which is katabi ko lang. Nakasuot din ito ng nude cream na sombrero, khaki-colored na loose shirt at grey sweatpants at rubber shoes. Hindi ko rin makita ang kabuuan ng mukha niya dahil humaharang ang mahaba at medyo kulot niyang buhok.



“And please stop mentioning that jerk's name! I'm trying to forget him so don't make this hard for me because it's already hard enough only to think about him!” may bahid ng inis at pagkairita ang tono nito, pinaghalo ng sakit at pagkasuklam.


Parang ako pa ang nasaktan sa mga binigkas niya.



Galit niyang ibinaba ang telepono at bigla biglang humarap sa direksyon ko dahilan para magtama ang mga mata namin. Halos lumuwa naman ang mga mata ko sa gulat at biglang uminit ang pisngi ko nang mapagtanto ko kung sino ang babaeng ito na ngayon ay masama ang tingin sakin.



Sigurado naman akong hindi siya galit sakin kundi sa taong kausap niya kanina lang.





Bago pa man ako makapagsalita upang batiin siya, walang kibo siyang bumaling sa pintuan niya at galit na pumasok. Leaving me all dumbfounded.




Bakit parang pati sakin ay galit siya???




Wala sa sariling napapailing nalang ako at pumasok na lamang ng condo at nagbihis ng damit. Tila nawala rin ang antok ko dahil sa pagtatagpong iyon. Talagang hindi ko inaasahan na makikita ko siyang muli.


Bagama't masungit siya, hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam ng kilig dahil sa daglian na pagtama ng mga mata namin. Parang may kung anong kuryenteng dumaloy sa sistema ko kaya naman nawala ang antok at pagod ko.


Ano bang meron sa babaeng Reinalyn Ward na iyon? At saka ibig bang sabihin nito ay kapit-bahay ko na rin siya? Hindi ba't ang swerte ko naman yata kung ganun?



Habang nagmumuni-muni saking balkonahe ay biglang tumunog ang  cellphone kong nasa coffee table. Agad ko naman itong kinuha, sinagot ko ito nang makita kung sino ang tumatawag...



“Angge! Nakauwi ka na ba?” malakas na boses ng babae ang sumalubong sa kaawa awa kong tenga kaya nailayo ko ito ng bahagya.




“Ano ba iyan, Celine! Kailangan mo bang sumigaw nalang palagi kapag tumatawag?” nakangibit kong sambit sakaniya mula sa kabilang linya.


Tumawa ito ng pagkalakas lakas kaya nilalayo ko ulit ang telepono ko. Ni-loud speaker ko nalang ito at nilapag sa mesa saka ako umupo.



“Parang hindi ka na nasanay sa kaibigan mo,” ani Celine, “Nasa condo mo ba ikaw?”



“Yeah, kakauwi ko lang actually.” kalmadong sagot ko at tumingin sa kalangitan. Napakaganda ng langit gawa ng magkahalong kulay na kahel at lila. Maging ang hangin ay napakasarap sa balat.




“Nice! Punta ka dito sa bahay.” nasasabik niyang sabi.



“Bakit? Anong gagawin ko diyan?” may pagtataka kong tanong.


Magbabahay-bahayan tayo ikaw tataypamimilosopo naman niya dahilan para mapairap ako.



Saktong paglingon ko sa harap ay nakita ko ulit si Reinalyn na nakatayo sa balkonahe at nakapikit, tila sinasariwa ang ihip ng hangin. Wala sa sariling napatitig ako sakaniya.




Bakit napakaganda niya?





“Hoy, Angge!” saktong pagsigaw niya ang paglingon ni Reinalyn sa direksyon ko.



Mukhang hindi niya inaasahan na makikita niya ako rito sa balkonahe, maging ako ay hindi naisip na makikita ko siya agad pagkatapos ng pangyayari kanina sa labas. Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nagtitigan basta ako ang unang umiwas ng tingin at kinuha nalang ulit ang telepono. Nagkunwari na lamang ako na busy sa kausap bago pumasok sa loob.


“Celineeee!!” pagtitili ko habang napapapadyak dahil sa kilig at hiya, ngunit mas lamang ang kilig kung kaya't hindi ko makontrol ang sarili.


“Oh anyare sayo?” takang tanong ng kaibigan ko.



Nagkatitigan kami ng bago kong kapit-bahay, gaguuu!”


“Ay, chix ba?”


Tumango ako kahit hindi niya nakikita, “Complete package!” natutuwang sagot ko naman.



Kuhanan mo nga dali” utos nito na may kasamang pagdududa.




“Baliw ka ba? Hindi pwede.”



“Bakit? Nangangain ba yan?” makahulugang sabi niya at tumawa na siya namang sinabayan ko.



“Basta hindi pwede. Saka isa pa, hindi kami close at mukha ring mahirap siyang kaibiganin.” pagsasabi ko ng totoo at pumasok na sa kwarto para maligo.



Natapos ang tawag sa pagpapaalam ni Celine kung anong pakay niya bakit siya napatawag. Pinapapunta niya ako sakanila dahil pinapatawag ako ng daddy niya na ninong ko. Siya na lang ang ninong na kilala ko at kilala ako, the rest ay naglaho nalang. Nanggaling pa si Tito sa Amerika kaya sigurado akong bibigyan ako ng pasalubong.













Her Last Flight  | Wangge Fanfic (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon