Chapter Thirteen

496 42 8
                                    

A
***
POV



It's been 2 hours mula nang magkita kami ni Ward sa Times Square. Nag-insist din siyang ilibre ako ng lunch pambawi niya raw sa nangyari kahapon kaya hindi nalang din ako nagreklamo. Kung sa tutuusin ay tuwang tuwa pa nga ako dahil ginagawa niya ito, pinapakita niya na kahit papaano ay may pake pala siya sakin.


"Hindi tayo pwedeng gabihin" rinig kong wika niya sa tabi, nakaupo kami ngayon sa bench na nakapwesto sa harap ng fountain. Dito muna kami tumambay pagkatapos kumain ng tanghalian, swerte nalang namin dahil makulimlim ngayon at kunti ang tao dahil nga weekdays.

"Bakit naman? Hindi ba mas magandang maglakad lakad rito sa gabi?" nagtatakang tanong ko naman at humarap sakaniya.

Masaya 'yong late night walk lalo kung si Ward ang makakasama ko. Hihi.


"Angge, we're here in New York." deretsang sagot niya.



"Ano naman?"



Binigyan niya ako ng tingin na para bang gustong niyang maging sarcastic ngunit pinipigilan niya. "Maraming thieves and violence, baka mapagtripan pa tayo lalo na't hindi naman tayo taga rito."


Tumango tango ako. Nakalimutan ko ang bagay na iyan.



"Nga pala, hindi ba't may gusto kang sabihin sakin kaya ka nakikipagmeet?" tanong ko nang maalala ko ang sadya niya.

Kumunot ang noo niya, "That's not the reason...?" medyo gulat ang tono niya.



"Ha? Edi ano?"



"... "



Unti unti namang umangat ang labi ko dahil sa pananahimik niya.


"Yie ikaw ha, gusto mo akong makita no? Nako Ward ha, halatang namiss mo ko wag mo nang itanggi." natatawang pang-aasar ko sakaniya at kunwari'y umiling iling.


"Ikaw ba ayaw mo akong makita?" biglang tanong niya pabalik.



I scoffed, "Gusto pa nga kitang makasama eh!"



Tumaas tuloy ang isang kilay niya, "Edi ikaw pala ang nakamiss sakin?" hindi siya nang-aasar dahil napakainosente ng boses niya! Lintek, kinikilig tuloy ako.



"Ewan ko ba, kahit kailan lang tayo nagkakilala parang gusto ko lagi kitang kasama." mahinahon kong saad.


Nakita ko ang pagngisi niya, "Baka mamaya crush mo na ako niyan" aniya dahilan para manlaki ang mga mata ko. Mabuti nalang at hindi siya nakatingin sa direksyon ko kaya hindi niya nakita ang naging reaksiyon ko.

Nang saktong paggalaw ng ulo niya para tumingin sakin ay mabilis kong iniangat ang tingin, wala sa sariling itinuro ko ang mga ibon sa itaas.


"Ang lalaki ng mga ibon dito, no?" palusot ko habang patagong ngumingiti.



"May mga kalapati din naman sa Pilipinas ah?" tugon niya habang nakatingin sa itaas.

Her Last Flight  | Wangge Fanfic (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon