Chapter Sixteen

555 43 11
                                    


A
***
POV


Jelly and I spend our days visiting the nearest tourist attractions. Last na napuntahan namin ay ang Central Park Zoo ng kakaming dalawa lang. Nag-enjoy naman kami at bawing bawi rin talaga.
Sa gabi naman ay nakakausap ko si Ward through messenger, minsan ay nagc-call kami kapag tamad siyang magtype. Puro wala namang kabuluhan ang pinag-uusapan namin, sa totoo nga lang ay puro kami asaran. Minsan inaabot kami ng madaling araw, noong nakwento niya sakin na may insomnia siya ay sinasabayan ko na siya hanggang sa makatulog siya.

“Magkikita ba kayo ni Ward?” lumipat kay Jelly ang atensyon ko nang tanungin niya ito.

Magkakilala na rin si Jelly at Ward dahil noong gabing hinatid ako ni Ward dito mismo sa hotel ay sinalubong ako ni Jelly kaya naman nagkaroon sila ng pagkakataon para magkausap.

“Linggo ngayon ah?"

Marahan siyang tumango siya. “Kaya nga. Hindi ba may birthday ka pang pupuntahan?” tanong niya pa na parang ipinapaala sakin. Hindi ko naman iyon nakalimutan dahil pinaalala rin sakin ni Ward yan kagabi.

I checked Ward's messages first, nagreply muna ako sakaniya bago sumagot kay Jelly. Oum, pero mamayang 6 pm palang naman.” kako.

Intimate celebration lang naman iyon, kumbaga family and friends lang ang inimbita. Natouch nga ako noong si Rc na mismo ang nag-aya sakin na pumunta, may kasamang pamimilit pa iyon. Sasama naman ako kahit hindi niya ako pilitin, makakasama ko ba naman si Ward my sunshine? Wala nang pakipot pa, noh!

Dahil linggo ngayon, ibig sabihin ay last day na namin sa New York.Napag- desisyunan namin lahat na lumabas para mamasyal at kumain kain, bonding na namin bilang magkakasama sa trabaho. Isiningit ko na rin ang pagbili ng gift para kay Rc, ayoko namang pumunta roon ng walang kadala-dala. Pagdapo ng 6 o'clock ay nakapamihis na ako at ready na rin sa paglabas. Sina Jelly at ang iba naman ay magba-bar daw kaya naman magkakasabay kaming bumaba ng hotel.

Habang naghihintay ng taxi, may sasakyan na pumarada sa harap namin. Umatras 'yong mga kasama ko dahil akala nila ay ibang tao, pero kilala ko ang sasakyan na iyan kaya naman wala sa sariling napangiti ako.

Unti-unting bumaba ang bintana ng sasakyan at nakita ko nga ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.

Bagsak ang wavy niyang buhok, nakasuot siya ng cap which is the typical Ward, hindi lumalabas ng hindi nakasuot ng sombrero. Isa na yan sa napansin ko sakaniya.

“Ayun oh! May pagsundo!” asar na sigaw ni Pao kaya naman natawa ang mga ito.

Kumaway si Jelly kay Ward na siya rin namang nagbalik ng ngiti at kaway.

Hays, grabe na itong nakikita kong pagbabago ni Ward. Ang cute ng ngiti niya...

Woy, Angge! Pumasok ka na, anong hinihintay mo? Pagbuksan ka pa ng pinto?” bulyaw ni Jelly mula sa likuran ko kaya sinamaan ko siya kaagad ng tingin.

Hindi ba pwedeng iadmire ko muna 'yong mahal ko?

Wait, anong mahal ko??????

“Get in, Angge” rinig ko ang natatawang boses ni Ward dahilan para bumalik ako sa ulirat.

Nagpaalam muna ako sa mga kasamahan ko bago ako tuluyang sumakay sa sasakyan niya.

Her Last Flight  | Wangge Fanfic (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon