Chapter Twenty

552 39 4
                                    


A
***
POV







“Ward? Are you okay?” kumatok ako sa pintuan ng kwarto niya, hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo rito
dahil kanina pa siya hindi lumalabas. 

Wala akong ideya kung anong nangyayari sakaniya, bigla kasi ay nag-aya siyang umuwi habang nasa mall kami kanina para sana bumili ng boardgames. Parang nawala nalang siya sa mood all of a sudden and I can't stop worrying.


“Ward?”




“ ... ”



“Papasok na ako, ha?”

Nang hindi ko marinig ang pagtanggi niya ay dahan dahan kong itinulak ang pintuan. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya mula sakin, naalerto lang ako nang makita ko ang bahagyang pagyugyog ng balikat niya.




“Umiiyak  ka ba?”



Mabilis akong lumapit at umupo sa kama niya, hinaplos ko siya sa braso ngunit nanatiling takip ang mukha niya gamit ang isang palad niya. Narinig ko ang pagsinghot niya at mahihinang paghikbi.



“Ward, what's wrong? Bakit ka umiiyak?” I asked worriedly as I gently shook her shoulder.



I know it can't be just because of the guy who bumped into her. Hindi naman siya gano'n kababaw. She rarely cry. Sigurado akong may mas malalim pang dahilan kung bakit siya nagkakaganito.



Several of seconds passed before she removed her hands and showed me her wet face. Bumangon siya mula sa pagkakahiga. Pulang pula rin ang mga mata niya dahil sa kakaiyak. Para namang may sariling utak ang mga kamay ko nang automatiko nitong punasan ang mga luha niya.


“Anong nangyari?” mahinahong tanong ko sakaniya.



Suminghot siya at umiwas ng tingin, nang hindi siya umimik ay hinila ko na lamang siya sa dibdib ko para yakapin at marahan kong hinagod ang likod niya.




“You know I'm here, right?” sambit ko. Makikinig ako palagi.” maingat ko siyang itinulak upang tignan ang mukha niya. Unti-unti ay tumango siya.


“So, tell me, bakit ka umiiyak?” I asked, pinunasan niya muna ang mga mata niya bago siya magsalita.


“I saw my mom...” panimula niya kaya't nanatili akong tahimik.


“It's just... I, I wanted to hug her but my my body refused to do so. Ni hindi ko nga magawang magpakita sakaniya.”



“Bakit naman?” dahil sa tanong ko ay tumingin siya sakin ng deretso. Ang mga mata niyang dati'y malamlam ngayon ay nagbalik sa pagiging misteryoso.

Her Last Flight  | Wangge Fanfic (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon