Chapter Twenty Nine

535 49 4
                                    

Ken's
***
POV





Maaga akong umalis ng hotel para pumunta sa condo ni Reinalyn. Kinakabahan ako dahil sampung buwan din na hindi kami nagkita, isama mo pa't hindi naging maganda ang nangyari. Nasaktan ko siya. Alam kong gago ako, paulit ulit ko siyang sinaktan. I took her for granted. Huli man ang lahat o hindi, gusto kong bumawi sakaniya at ipakita na nagbago na ako.

I really love her. My feelings for her is genuine, it has always been. Mama is right, si Reina lang ang nagmahal sakin at nakaintindi sakin ng ganoon. Sobrang swerte ko sakaniya pero sinaktan ko siya.

But I will do everything para bumalik lang siya sakin.




"Sigurado ka bang gising na 'yon?" kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang babae at lalaki na nakatayo ngayon sa harap ng condo ng girlfriend ko.



Si Kat at Marc ang mga 'yon, hindi ba?
What the hell are they doing here?
Napamura nalang ako, bakit ngayon pa?

"Ward!" masayang sigaw ni Kat nang bumukas ang pintuan. Hiniling ko nalang na sana lumabas si Reinalyn para masilayan ko siya kahit sandali ngunit nakapasok na ang dalawa hindi pa rin siya lumalabas.

Napabuga ako ng hangin at binuksan ang palad ko, dala ko ang engagement ring. Sa totoo lang, itong singsing na ito nalang ang pinanghahawakan ko sa ngayon.

Hindi naman siguro agad ako makakalimutan ni Reina, 'di ba? We dated for almost nine years, naniniwala akong maaayos pa namin ito.








W
***
POV





Alas sais palang ng umaga nang marinig ko na ang pagbukas ng pinto. Maya maya ay naramdaman ko nalang ang paglundag ni Angge sa tabi ko at yumakap. Inilayo ko ng bahagya ang mukha ko sakaniya since kakagising ko lang at wala pa akong hilamos at toothbrush.

"Good morning!" rinig ko ang excitement sa boses niya. Napangiti naman ako at niyakap nalang siya dahilan para ikasubsob niya sa dibdib ko.

"Walang good sa morning, you woke me up." garalgal na sabi ko habang nakapikit.

Hindi siya makasalita kaya nanatiling tahimik ang kwarto ko bagay para makatulog nanaman ako.






I don't know how many hours I am asleep, nagising nalang ako na wala na akong maramdamang katabi.

"Was it a dream?" takang tanong ko sa sarili. I'm so sure that Angge was here earlier.

Pumunta ako sa banyo para maghilamos at magtoothbrush, habang pinupunasan ko ang mukha ko ay parang nakarinig ako ng tawanan. Kumunot ang noo ko at nagmadaling lumabas ng kwarto, may narinig akong nag-uusap na sa tingin ko ay nagmumula sa sala? But when I got there, walang tao, kaya sa kusina ang huling destinasayon ko. And there, nakita ko nga si ate Kat, Daniel at Angge na nagtatawanan!

"Oh, gising na pala ang prinsesa." bati ni Ate Kat, nakaupo siya sa stool kasama si Daniel samantalang si Angge naman ay nasa may stove nagluluto, probably our breakfast.


"Anong... I mean, why are you guys here this early?" naguguluhan kong saad sa dalawa saka naglakad palapit sa bar.


Her Last Flight  | Wangge Fanfic (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon