Chapter 4

4K 82 26
                                    


---

Napakagat labi nalang ako pagkatapos ng klase. Si Dirv partner ko, paano ko siya matatalo if we'll have the same grade at the end of this year?

Babawi na lang talaga ako sa math and other subjects. And extracurricular ones.

"So, hi partner." Biglang sabi nito kaya napairap nalang ako, di siya pinansin.

Tumayo na ko at inayos ang gamit. Nang matapos ay kinuha ko lang ang phone ko at wallet. Yung airpod ay hindi na, isa lang iyon eh!

"Sabay tayo lunch, partner." Sabi nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Stop with the partner tingy." Sabi ko dito.

"Then what? I'm guessing you're not my Emiliana anymore as we're now partners." Napangiwi ako sa mapang asar na sinabi nito.

"You wish, Dirv." Sabi ko dito. Napahalakhak siya bago tumabi sakin sa paglalakad.

Napairap nalang ako at hinayaan siya.

Pumunta na ako or should I say, kami, sa canteen. Gaya lang ng nakaraang araw, kami lang ulit magkasama sa table. Sunod sunod kasi ang isang ito, dinaig pa buntot.

"Kailan pasahan ng research title?" Tanong nito habang kumakain kami, hindi siguro kinaya ang katahimikan.

"Wala namang sinabi." I answered and shrugged my shoulders.

"Anong topic natin?" Tanong nito kaya napataas ang dalawang kilay ko.

"Let's research first before deciding."

Tama naman, so we'd see a basis. This is our first time writing a research paper, I don't have any idea how it works pero I hope it's easy.

Though at the end of the year pa naman daw defense namin. This is like a preparation for us for college because we're gonna have a lot of research papers there daw.

And then every quarter, we'll make progress. Like, the first quarter is for the title and some common information about research papers like the font, font styles, font size, spacing, etc. Also chapter one.

"How about in science? What do we do with it?" Napaisip tuloy ko sa tanong nito.

"Hindi ba sila magbibigay topics natin?" Kuryoso kong tanong.

Because if they'll let us, mahirap iyon. Dahil Science is so big, it's hard for it na maging specific.

Kaya sana bigyan na lang nila kami ng topic para organized ang class.

"We'll see in the next few days." Sagot nitong tinanguan ko lang.

So the next few days, they really started discussing it. Halos same progress lang rin naman pala ang gagawin sa Science and English research papers.

Sa Science, it's not literally a research paper but an investigatory project. And then, our topic is to know the ph levels on certain products. They then assign us what ours would be and those are knowing the ph level on orange flavored drinks. Sa iba ay apple flavor, iba iba each pair.

It's been two weeks since we started the school year here. Ang dami na ring gawain. Damn reportings, I really hate being with people in activities.

Bakit ba hindi sila nakakakusa gumawa ng sariling part? Why does someone always have to remind them?!

Nakakainis talaga.

Nang matapos ang araw na iyon ay napabuntong hininga nalang ako. Finally.

Tomorrow's a Saturday, walang pasok.

"Hoy, start na tayo sa research paper." Sabi ng katabi ko nang tumayo ako.

"Wala pa nga tayong title!" Sabi ko dito.

Vagary Demeanor (T.R.A.V.E.L SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon