Chapter 5

3.5K 85 27
                                    


---

Parang tumigil ang mundo ko dahil sa nakita. I didn't pass?

Damn it. Now what do I do? Anong gagawin ko para mabawi ang points na iyon!

Napapikit ako ng mariin, naiinis ng sobra. I then looked at my phone when it beeped again.

Coach Kim added you to the group.

Nanlaki ang mata ko nang mabasa iyon. Napaawang ang labi ko, nabigla. Totoo ba to?

Coach Kim: Sorry about that Miss Ortega, I accidentally removed you.

Coach Kim: Anyway, everyone here is accepted. Trainings will be every other day after class.

Coach Kim: Bring extra clothes, please. Snacks are free.

Napangiti ako dahil sa sinabi nito. I really passed! Damn, I'm so happy!

I ate happily tuloy, feeling ko ang sarap sarap ng kinakain ko kahit normal na noodles lang naman iyon na medyo maanghang.

The next day at school, we had a quiz again. And as usual, kaming dalawa ni Dirv ay nakaperfect.

Sa sumunod na subject ay nagpa recit ng biglaan! Gosh.

Good thing I'm prepared.

"Miss Ortega." Sabi ni Sir kaya tumayo ako. "What's the difference between Binary, Octal, and Hexadecimal?"

"In binary, there are only two possible values, it's zero or one. While octal's value is powered on 8's. Hexadecimal is just the same with octal, the difference is that the values are powers of 16." I answered calmly.

He nodded and wrote something on his paper before he called Dirv.

"Mr. Elrod," panimula nito. "How do you convert decimal to binary?"

"In dividing decimals to binary, you divide two on the integer given. If there's a remainder, put 1, if there's none then it should be 0. You should divide until the last quotient results to 0 or 1. Then write all the remainders from the last to first. That's how you'll get the binary."  He explained, he even gestured his hand.

Nakakainis kasi kahit gaano siya nakakainis, when he talks in class, nakakamangha siya.

And he gets your attention rin talaga whenever he talk, maybe because of his deep voice tapos buo rin iyon.

Our prof then called someone else again. Nang matapos ay umalis na ito, giving us a lot of free time bago next class.

"Pano ba yan, Emiliana. Mukhang mas mataas grades ko sayo." Sabi nito kaya napangiwi ako.

"Asa ka Dirvin." Matigas kong sabi kaya napahalakhak siya.

He then faced me while his elbow is on his desk, his hand is on his head leaning on it. Tapos ang isang kamay ay nasa likod ng upuan niya, sa haba non ay umabot rin iyon sa likod ko.

Mabuti at hindi ako nakasandal doon, hindi tumatama sa likod ko kamay niya.

"Target mo maging valedictorian, diba?" Tanong nito kaya ginaya ko siya.

I slightly faced him habang nakalagay rin ang siko sa desk ko, nakapatong ang ulo sa kamay.

"Pake mo?" Sinamaan niya ako ng tingin dahil sa sinabi ko.

"Hindi ka talaga maayos kausap ano?" Nakangiwing sabi nito.

"Maayos ka?" Mataray na sabi ko sa kanya.

"Mas maayos sayo." Sabi nito kaya napairap ako. "Pag natalo kita sa valedictorian, dapat hindi mo na ko sungitan."

"Asa ka naman, hanggang salutatorian ka lang, Dirv." Pang aasar ko dito. Napangisi naman siya.

Vagary Demeanor (T.R.A.V.E.L SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon