Special Chapter

6.6K 128 45
                                    


---

"Love, tara na."

Sabi ni Dirv na nakaupo sa kama, nakatingin sakin at naghihintay.

I'm still drying my hair kaya iningusan ko ito. Kanina pa ako naiinis sa kanya! May lakad kami ngayon pero hindi man lang ako ginising ng maaga!

Sabi niya ay nagluto muna daw siya bago ako gisingin.

Nakakainis, pwede niya naman akong gisingin bago siya magluto! Gusto niya daw sabay kaming maligo! Kaya ayon, pinagsarhan ko ng pinto.

And now, sinasadya kong bagalan ang pag aayos. Bahala siya jan.

"Love..." He sighed.

Napairap ako at tinapos na ang pagtutuyo ng buhok. I then put clips on both sides tapos nag iwan ng konting strands as bangs.

Nang nilingon ko siya ay tumayo na ito. Hindi ko siya pinansin at kumuha muna ng sandals bago lumabas na.

Dumiretso ako sa kwarto ng kambal, anak namin. It's still early so they're really asleep pa.

I kissed both their foreheads before leaving the room. Ganon rin ang ginawa ni Dirvin bago sumunod na sakin.

Alam niyang galit ako kaya hindi siya maingay. He's always like that, papalipasin niya muna ang galit ko bago manuyo.

Sa tatlong taon namin bilang mag asawa, nakuha niya na rin ang attitude ko. I know I'm sometimes annoying and I'm really thankful he understands me. Pero kahit sobrang thankful ako, di pa rin nawawala ang inis ko sa kanya ngayon!

Puro kasi sexy time ang target, ayan tuloy, pareho kaming late sa get together with his friends.

"Love, galit ka pa?" Sabi nito nang makapasok kaming pareho sa kotse.

He didn't start driving yet. Sa labas ako nakatingin pero ang mukha ko ay nakangiwi sa kanya.

I bit my lips when he leaned over. Akala ko hahalikan niya ako but he put seatbelt on me pala! Napahinga ako ng malalim, medyo nawala ang galit ko dahil doon ah!

Pero hindi pa rin naman ito nagsimulang mag drive kaya nilingon ko siya. I saw him staring at me, his lips are kind of pouted, mukhang pinag aaralan ang mukha ko ngayon.

"What?"

"Galit ka pa?" Tanong nito at inilagay pa ang kamay sa lap ko.

"Tingin mo?" Nakataas kilay kong sabi.

Marahan niyang hinaplos ang legs ko at lumapit ulit. He gave me a kiss on the cheeks.

"Hindi na?" Malaki ang ngiti nito sa labi.

Napanguso tuloy ako. Ang gwapo. I rolled my eyes at him nang maramdamang wala na ang galit ko. That fast!

Ugh, kakaiba ka talaga Dirvin!

"My love, hindi ka na galit?" Dumampi ulit ito ng halik sa pisngi ko.

Nilingon ko siya, magsasalita sana ng labi ko naman ang lapatan niya ng halik.

"Galit ka pa, mahal?"

Sinamaan ko ito ng tingin. Now that he can read me fully, my actions and my mind, lagi niya na ginagamit iyon sakin so he can weaken me!

Gaya niyang mahal! Pag hindi ko siya pinapansin, iyan ang ginagamit niya at tinatawag sakin! He realized I like being called like that!

He chuckled, "Hindi tayo aalis dito hanggang hindi pa tayo bati."

"Malelate tayo."

"We're already late." Nakangisi nitong sabi at dumampi ulit ng halik sa labi. "Baka saan pa mapadpad ang mga halik ko kaya bati na tayo, mahal. Kung hindi, baka hindi talaga tayo makaalis dito."

Vagary Demeanor (T.R.A.V.E.L SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon