Chapter 8

3.3K 72 14
                                    


---

"I mean, I'll stay in my room too, then." Sabi nito dahil tinignan ko siya ng hindi makapaniwala.

Napairap nalang ako. He's really so weird these days.

Nang matapos kumain ay ako na ang naghugas non. Marunong naman ako, magsasabon lang naman tapos banlaw. Right?

But it took me a long time because it's slippery. The soap!

Si Dirv ay nasa tabi ko, nanonood, hindi ko nga alam bakit siya nanonood eh.

"Lakasan mo pwersa mo, Emiliana." Napaigtad ako ng bigla itong magsalita.

Akala ko manonood lang siya, bakit siya bigla magsasalita. Nakakagulat naman!

Mas diniinan ko doon ang hawak at pagpunas ng sponge just like what he said. Medyo madulas nga lang, kainis naman.

My hands are too small for this big and heavy bowl.

"I'm trying," mataray na sagot ko sa kanya.

Naramdaman ko ang paglapit nito at patagilid na sumandal sa sink sa tabi ko, nakatingin sa hinuhugasan ko. Nakacross arms pa ito habang nanonood.

"Hindi ka pa ba naka paghugas, Emiliana." Hindi makapaniwala na sabi nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

And if I didn't?

"Not my fault our maids wash our dishes." Mataray na sabi ko bago binalik ang tingin sa hinuhugasan.

Konti lang iyon pero ang tagal ko!

"Rich kid na rich kid." Napangiwi ako sa sinabi nito.

"You're saying that as if you're not." Tinaasan niya ako ng kilay sa sinabi ko.

"Ako na nga," sabi nito at inagaw ang bowl at sponge sa kamay ko.

Napanguso nalang ako at medyo napalayo, may mga sabon pa rin ang kamay.

"Change topic," bulong ko at napairap pa.

He glanced at me and made a face, "At least marunong maghugas."

"I don't, but that doesn't make me less of a person." Mataray na sabi ko at hinugasan ang kamay nung buksan niya na ang gripo.

"I didn't say that,"

"Yeah right," Irap ko dito. "Isa ka rin naman ngang matagal mag hugas eh!"

Sabi ko dahil matagal naman talaga yung ginawa niya. Sakin kasi nakatingin, nakataas ang kilay na parang nagtataray rin.

"At least marunong," ulit nito kaya sinipa ko siya sa paa na naiwasan niya naman. "Two Zero."

"Bahala ka nga jan," Pagtataray ko at umalis na doon.

Narinig ko ang tawa niya bago ako makapasok sa kwarto. Crazy.

Nang nakapasok sa kwarto ay nahiga na ako sa kama. Napapairap na lang ako pag naaalala ang pinaggagawa ni Dirv the past days.

Ang fc niya talaga!

Halos two months pa lang naman kaming magkakilala tapos ang fc.

Napangiwi nalang ako bago natulog.

The next days, since weekends ay sa kwarto lang ako nag stay. Lumalabas lang ako pag kakain na. Just like what Dirv said.

Minsan naabutan ko siyang nagluluto so I just fix the table for us, putting plates and utensils.

It was Sunday night when I remembered something. I looked at him while he's eating.

Mukhang napansin niya ang tingin ko kaya napasulyap ito at hinintay ang sasabihin ko.

Vagary Demeanor (T.R.A.V.E.L SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon