---Inaayos ko ang mga gamit ko para maitago na ito sa bag bago pa man ako lumabas ng classroom.
Nakakainis teachers, magbakasyon na, tapos na ang exams and all tapos kailangan pa namin pumunta dito for our clearance!
Tapos sa english subject kailangan pa namin makarating sa isang specific color with our SRA, a reading program.
Hindi mapipirmahan kung hindi!
To be honest, hindi ko makita sense non. May grades na kami so bakit pa? Gosh, why do I even have to have my clearance signed?
I mean, if hindi nila pirmahan edi mababawasan students na magiging parte ng exchange students program nila. It'll be in South Korea.
I was included since I'm the top 1 in our batch. Muntik pang hindi! Lamang ako doon sa isa ng point something lang. 0.21 ata iyon.
Ang hassle nga because next year, 4th year na ako. Tapos magiging parte pa sa program nila.
Nakakairita talaga!
I just rolled my eyes before going out of our room. Finally, makakauwi na.
Pero isa rin pala don, ayoko rin sa bahay. The only thing that keeps me sane when I'm in our house is when my parents are not home.
Kaya di ko rin maiwasang maexcite na pupunta akong korea because I can finally have freedom.
Isang taon.
Kumapa ako sa bulsa ko for snickers pero agad nairita ng wala doon, wala na, ubos na!
I went to the canteen tuloy.
Papasok na sana ako sa canteen ng biglang may makabunggo sakin.
"Putangina, bakit kasi nanunulak eh." Sabi nung isang lalaki.
Napakunot noo nalang ako. The first thing that came out of his mouth was a curse! Really? In front of me?!
Napangiwi nalang ako at napairap bago inayos ang backpack.
"Sorry, Miss." Sabi nitong hindi ko nalang pinansin.
"Yun yong nakatalo sayo oy, kilala mo? Yung top 1!" Sabi nung isang lalaki.
Napataas tuloy kilay ko, I can clearly hear them because when I left, agad naman silang naglakad and I think we're going on the same place. Cafeteria.
Malamang, sa pinto papasok kami nagkabungguan eh.
"Pake ko?" Sabi nung lalaki, hindi ko alam sino.
"Sayang, kung star section ka sana, may privileged kang makakuha ng mataas na grades, talo mo sana yan!" Sabi ng isa pang boses.
Napakunot noo ako, why are they talking as if hindi ko sila naririnig?!
"Psh, puro aral don." Sabi ng boses na nagsabi kanina ng pake ko.
Napabuntong hininga nalang ako habang naglalakad, nagtitimpi.
"Edi sana talo mo siya. Mukhang mas matalino ka na-" Bigla akong humarap sa kanila.
"Excuse me, talk about me when I'm not around. God, mukhang hindi ka na nga kasama sa top 10, wala ka pang alam sa simple etiquette." Sabi ko sa panay salita kanina pa.
I then turned around, rolling my eyes. Nakita ko pa yung isang pinakamatangkad sa kanila na medyo payat, napa ngisi. Not totally payat, parang tama lang.
Ewan. Wala akong pake.
"Deserve," rinig ko pang sabi ng isang babae dito.
"Ano ka ngayon Michael." Sabi ng isa pang lalaki bago sila nagkatawanan.
BINABASA MO ANG
Vagary Demeanor (T.R.A.V.E.L SERIES #4)
RomansaShiarre Emiliana Ortega is a girl who only follows her parents, she doesn't complain because she doesn't find the need to. Until Drake Irvin Lardizabal entered her life. But it's too late, she knows for a fact that things are complicated for the bot...