Chapter 23

2.9K 66 7
                                    


---

Nakangiti lang ako habang tinitignan ang mga pictures na nandoon sa highlights ni Dirv.

Kanina pa ako dito, pabalik balik.

Ang daming pictures, it reached the maximum photos to be included in a highlight na ata.

Mga stolen shots ko iyon. Ni hindi ko nga napansin na pinipictureran niya ako. Pinakauna ay iyong nasa swing ako, iyon rin ang cover photo nong highlights na iyon.

Tapos may ibang nakatingin ako sa bintana ng bus, sa bintana ng classroom, sa kung saan saan. Basta lahat stolen.

Napatingin ako sa upper part ng phone ko ng may lumabas doon na notification.

@d.irvin: You're online.

I opened the conversation, it was our first convo on this app. Lagi rin naman kasi kaming magkasama so bakit pa mag uusap through phone.

@se_ortega: Sabi mo.

@d.irvin: Did you check it already?

Napatitig ako sa message nito ng may ngiti sa labi.

Nang hindi ako makasagot agad ay nagulat ako dahil tumawag ito bigla. It's a video call! Nanlaki ang mata ko bago umayos ng higa.

I answered it.

"Ayos lang ba sayo yon?"

"Pag sinabi kong hindi, anong gagawin mo?" I asked him.

"I'm gonna remove it." Nakatitig lang ito ng mariin sa phone.

He's hugging a pillow, mukhang nakadapa ito tapos nakatingin sa phone, half of his face is covered with a pillow. And based on what I can see right now, he looks topless.

Hindi na rin naman nakabukas ang ilaw sa kwarto niya kaya hindi kitang kita ang katawan niya. I just can see it maybe because of the light coming from the phone.

"It's your account though." I stated.

"Mukha mo naman iyon."

Napatitig ako sa kanya dahil sa sinabi nito. He's also just staring at me. Nang hindi ako magsalita ay nagsalita ulit siya.

"Are you sleepy?" He asked in a low soothing voice.

"Not yet."

"It's already late, sleep already."

"Hindi pa ako antok."

Napanguso ito at umayos ng pagkaka pwesto sa higaan. This time, buong mukha niya na ang kita.

"What do you want me to do?"

I furrowed my brows at him, "Ano namang gagawin mo?"

He shrugged and just stared at his phone, at me.

"I'll go to sleep na." I told him.

"Akala ko ba hindi ka pa antok?"

"I'll try my best to sleep. Late na diba?" Nakataas kilay kong sabi.

He chuckled, so low, so soft, so soothing. "Goodnight, my love."

I ended the call after that. Hindi na ako nag goodnight back, pinatay ko agad ang tawag after he said my love. Hindi ko maiwasang kiligin!

I slept peacefully that night.

The next days ay dito lang kami sa dorm, we tried finishing our research paper and investigatory project already. Pero hindi kami makausad dahil kailangang mag survey.

So sa pasukan ulit namin ito magagawa. Gumawa na lang kami ng questionnaires.

Yun ang pinagkaabalahan namin sa mga natitirang araw na walang pasok. Hindi na kami lumabas pa dahil nakakatamad na rin naman.

Vagary Demeanor (T.R.A.V.E.L SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon