---“Who you?” Sagot ko sa tanong niya. Nginiwian naman ako nito.
“Di wag.” Sabi nito at napairap pa.
Hindi ko maiwasang mapangisi, pikunin pala ito eh. Nagdatingan na ang iba kaya umalis na rin naman kami doon.
“Oy ano, kain. Gutom na ko, may kainan jan sa labas.” Sabi ni Irvin.
“Nakalabas ka na?” Sabi ni Ethan.
“Preso ba tayo?” Sarcastic na sabi ni Irvin, nakataas pa ang kilay.
Tuwing nakikita ko siya, naiirita ako sa pangalan niya. Irvin, really? Dirvin kaya, sali yung first letter ng first name niya. Mas ayos pa.
“Si Christian mukhang preso.” Sabi ni Ethan kaya sinamaan siya ng tingin ni Christian. Natawa naman ang dalawa pa, ako ay walang reaksyon.
“May natindang street food sa labas, di niyo ba nakita kahapon nung pauwi tayo?” Tanong ni Dirvin, kulit niya ah, gutom na gutom ba siya.
"Hindi, ano tara na?" Sabi ni Christian.
Sumunod na lang ako sa kanila, si Drake ay gumamit ng phone kaya mabagal lakad niya, halos nagkakasabay tuloy kami.
Umiwas na lang ako ng tingin. Nang makita na ang daan palabas ng building ay tanaw agad ang school bus. Hindi ko alam kung magpapaalam ako or hindi na.
But since hindi naman kami close ay napag desisyunan kong wag nang magpaalam.
I started walking to a different direction, pa left since doon ang pasukan ng cars while sa right ang entrance mismo ng school.
"Hoy, kasama ka." Nagulat ako ng bigla akong hinatak ni Drake pabalik, hawak niya ang wrist ko.
Nanlalaki ang mata ko nang mapatingin sa kanya, nang matauhan ay sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi ako gutom, Dirvin." Napataas naman ang kilay nito matapos akong marinig.
"Anong tawag mo sakin?" Nakangisi nitong sabi kaya napangiwi ako.
"Asungot." Sabi ko kaya biglang sumama ang mukha nito.
"Ayos mo kausap, Emiliana." Sabi nito bago naglakad ng mabilis.
Napanguso ako, nagpipigil ng ngiti pero agad bumalik sa walang emosyon ang mukha ng bumalik ito.
"Naiwan na tayo." Sabi nito at hinila ulit ang kamay ko, nakahawak siya sa wrist ko, ulit.
Napangiwi ako bago hinila pabalik ang kamay. Sinulyapan niya iyon bago siya napangisi at mas hinigpitan ang hawak doon.
"Dirvin, bitawan mo ako!" Madiing sabi ko dito.
"Kakain kasi."
"Hindi ako nakain street food!" Sabi ko.
Bigla siyang napatigil sa paglalakad kaya ako ay napatigil rin, nagulat sa reaksyon niya.
"Hindi?!" Gulat na sabi nito sakin kaya napangiwi ako.
"Ano ba, ang lakas ng boses mo!" Inis na sabi ko dito. Hindi ko na rin matanaw mga kasama namin.
"Pero hindi nga? Sige tikman mo nalang, masarap daw uod dito eh." Seryoso nitong sabi kaya napaatras ako.
Feeling ko nawalan ng kulay bigla ang mukha ko, uod? Anong uod?! Naiisip ko pa lang, gusto ko nang umiyak.
Ayoko kumain non, I'll never eat that!
"No!" Pag aayaw ko, napailing pa.
Napataas naman ang kilay nito sa reaksyon ko at napangisi bago nag simulang maglakad ulit.
BINABASA MO ANG
Vagary Demeanor (T.R.A.V.E.L SERIES #4)
RomanceShiarre Emiliana Ortega is a girl who only follows her parents, she doesn't complain because she doesn't find the need to. Until Drake Irvin Lardizabal entered her life. But it's too late, she knows for a fact that things are complicated for the bot...