Chapter 31

3.6K 97 66
                                    


---

Napataas ang kilay ko ng bigla nalang takpan ni Dirv ang bibig ni Agezho at sinamaan ito ng tingin.

"Tangina mo." Sabi nito kay Agezho.

Inalis niya ang kamay ni Dirv para tawanan ito.

"Chill, oo na, di na ko magsasalita tungkol doon. Tsk, tsk." Napailing iling pa ito. "Basta bukas ha, sa restaurant nina Ellie, kami na bahala tol."

Tinapik pa ni Agezho ng malakas ang balikat ni Dirv kaya sinamaan siya nito ng tingin.

"Huwag ka—"

"Oo, huwag kang magreklamo dahil napag iiwanan ka na." Agezho rolled his eyes at him. "At ikaw, bukas, 8 pm, sharp."

Turo nito sakin, nginiwian ko siya. Hindi niya ba alam ang pinaggagagawa niya, bakit kami pa talaga ang napagtripan ng lalaking to?

It's so awkward na nga!

"You know I can't—"

"Oh you can, Shiarre. Ditch your fiancé already." Nakangising sabi nito.

Iningusan ko siya, "As if that's easy. And will you please stop saying that, pag narinig ka ni Daddy, pareho tayong lagot."

Sinipa ko pa ang paa nito na ikinatawa niya. Pero pareho kaming natigilan ng may magsalita sa likod.

"Marinig what, Shiarre?" Boses ni Daddy iyon.

Nanlaki ang mata namin at biglang napaharap kay Daddy. We became formal too.

"Congratulations on your wedding," sabi ni Daddy kay Agezho at kinamayan pa ito.

Agezho then kissed Mommy's cheeks na ngayon ay nakatingin kay Dirv.

"Nothing, Dad." I answered kahit alam kong hindi naman na kailangan.

"Where's your fiancé?" Tanong nito.

"Hospital."

Natahimik si Agezho na kanina ay sobrang ingay. Sino ba naman kasing hindi eh masyadong nakakatakot si Daddy. And si Daddy lang rin talaga ang kinakatakutan niya simula pa noon.

Lagi siyang hinahayaan ng mga magulang niya pero pag sama sama kami, hindi siya makapag reklamo dahil alam niyang papagalitan siya ni Daddy.

"You didn't invite him?"

"I did but he said he's in the middle of... something." Napakunot noo ako ng maalala iyon, in the middle of making a baby!

"How about his parents?"

"Hindi ko po nakausap."

Napataas ang kilay nito, akmang magsasalita pa sana ng tinawag sila ng parents ni Agezho.

Sabay kaming nagbitaw ng malalim na buntong hininga ni Agezho matapos makaalis nina Daddy sa harap namin.

"Shit, mabuti nalang talaga at hindi kita kapatid, Shia!" Napahawak pa ito sa puso niya.

I rolled my eyes at him, napadpad ang tingin ko kay Dirv na nandito pa rin pala at nagtatakang nakatingin samin ni Agezho!

I looked away when he looked at me.

"I'm happy you're not my brother too." Mataray na sabi ko.

He laughed, "Hindi ko rin naman kakayanin ang Daddy mo. Si Drake pwede pa, kaya niyang maging father in law si Tito."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Ayan na naman siya! Bakit ba kasi hindi ko nasabi sa kanya ang tungkol samin noon?! Pero kung sinabi ko naman baka mang asar lang siya ngayon.

Vagary Demeanor (T.R.A.V.E.L SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon