Chapter 19

3K 71 13
                                    


---

We did a lot of water activities that day like snorkeling, scuba diving, Jeju Jet Boat near Seongsan Ilchulbong, many more.

Kinabukasan ng araw na iyon ay Jeju Surfing Lesson & SUP Boarding at Iho Tewoo Beach naman ang pinagkaabalahan namin. They'll teach us how to surf!

Hindi ako marunong that's why I can't help but get excited about it. We'll spend the whole day for it so we'd know how daw especially that we're a lot of students here.

When we arrived there, we were provided with wetsuit kaya ang dami namin ngayong naghihintay sa tapat ng banyo para makapag palit na.

Kasama ko si Trisha kasi hindi naman pwede si Dirv ang kasama ko. That'd be weird.

And he's a boy! Mga babae kaming andito.

I noticed Trisha's so silent. Parang may malalim itong iniisip. Hindi naman kami close but I can't help getting weirded out by it. She's a bubbly person but seeing her like this the past days, kakaiba sa feeling.

Nang makapagbihis na kami ay bumalik na kami sa shore. We were provided with paddle boat.

Napaigtad ako ng biglang may maglapag ng paddle boat sa gilid ko. Nanlaki ang mata ko dahil doon.

"Nakakagulat ka!" Sabi ko kay Dirvin.

"Ang layo kasi." Sagot nito which made my brows furrowed.

"Nino?"

"Ko, sayo."

I raised him a brow. Really? Hindi ko napansin. Nasaan ba siya kanina?

"Andoon ako sa gilid, five people away from you." Turo nito doon sa may space five people away from mine.

"Hindi naman malayo." Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Isang meter nga lang, feeling ko ang layo layo ko na sayo tapos yun pa kaya."

Napaawang ang labi ko dito, hindi makapaniwala. Napailing iling ako.

"Malala ka na."

He laughed at my statement. "Ata."

"Anong ata, oo na!" Inirapan ko pa ito.

He laughed again, "Oo na." Sabi nito sa malambot at mababang boses.

I bit my lips and looked away. Nag hintay nalang ako sa instructions. Tinuruan muna nila kami paano mag control ng paddle board. Hindi naman mahirap ngayon pero pag nasa tubig na, panigurado ang hirap na niyan.

I mean, it's like controlling the water under you.

Ang hirap non becauae they have their own waves. You have to go with the flow dapat so you'd survive. But that's gonna be so hard.

Makaka ilang hulog kaya ako?

Nag tagal ang pagtuturo samin. Nakadapa daw muna then we'll paddle using our hands tapos if the waves are already close or if we feel like it, then we'll try to stand up.

Tinuruan rin kami ng proper positions and way ng pagtayo so we won't fall immediately.

But I doubt that we won't fall.

Napakahirap naman nito.

Nang matapos kaming turuan ay pinasimula na kami.

"Goodluck," sabi ni Dirv.

I raised him a brow, "Sana mahulog ka."

"Meanie." He even touched his heart as if he got hurt.

I chuckled, "Sana lagi." Dagdag ko pa.

Vagary Demeanor (T.R.A.V.E.L SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon